CHAPTER 24: When Meham met Darren again

3 0 0
                                    

(After seven months)***

Bumalik si Meham sa mansion. "Ikaw??! Grabeee! Ginulat mo'ko. " Gulat na wika ni Darren nung biglang pumasok si Meham sa sala. Maigi nyang pinagmamasdan ang groupie photos nilang magkakaibigan na nakadikit sa wall. "Grabeee...Hindi ako makapaniwala. Lalo syang pumuti, gumanda at sumexy." Bulong ni Darren sa sarili habang nakatayo at nakatitig sa kanya. Halos isang minutong nanatili sa posisyon ang binata. "Manager?? Ok ka lang?" Tanong ni Meham. " Ah...Oo naman." Mabilis nyang sagot na halatang may malalim na iniisip. "Paano ka nga pala nakapasok dito?" Tanong niya. Ngumiti lamang si Meham, ngiting nakakaasar. Walang anu-ano'y nagulat ang dalawa nung pumasok si Orgel. Itinaas nito ang kanang kamay ni Meham., "Ako si Mehanna Abellardo! Nangangakong hindi na muling iiwan pa ang aking manager na si Darren." Pagkatapos ay ibinaba ang kamay ni Meham.---TAWANAN-- Pagkatapos mag-usap ng tatlo tungkol sa bakasyon ni Meham, pinag-usapan din ng tatlo ang welcome party.

Nagcelebrate sina Darren at Orgel bilang welcome home party para kay Meham. Ang mag-asawang Sook at Murai na dating care taker ng mansion ang nagluto ng handa. "Anong meron kuya? Ang ganda ng paligid at patikim nga... Wow!Ang sarap... Gosh Bimby..." Si Penz na ginagaya ang boses ni Meham. "Gaya gaya... Mamaya ka na kumain pagdating ng celebrant...haaaays..." Tugon ni Darren na halatang naiirita sa nakababatang kapatid. "Celebrant??? Sino kuya?" Hindi sumagot si manager kaya nanghula ang dalagita. "Kayo na ulit ni ate Cass?" Nakangiti si Penelope habang patagong nangunguha ng chocolates., gulat na nagkatinginan sina Darren at Orgel. "Matagal na kaya silang muling nag-On..." Nahulog ang CIRCLING THE GLOBE na binabasa ni Meham nung narinig ang sinabi ni Orgel. Malakas ang tunog na nagmumula sa silid ni Darren. Nagtinginan ang bawat isa. "Ano yun? Gulat na tanong ni Kianne habang naglalagay ng candles sa table. "Minumulto ka na ata manager..." Dagdag ng binata. Walang kibo si Penz na nakatitig sa mga mata ni Darren. "Gosh! Ano bang ginagawa ko dito sa kwarto ni Darren?" Bulong ni Meham sa sarili. Maya maya, tumunog ang buzzer, agad na tinungo ni Kintoy ang gate. "Si ate Cass? So, sino ang nasa silid ni kuya? Allergy naman sya sa pets...hindi kaya totoo ang sinabi ni kuya Kianne??" Iyon ang bagay na gumugulo sa isipan ni Penz. Pinaupo ni Darren si Cass sa tabi nya, sa sofa. Hindi parin mapakali si Penz kaya nilapitan nya si Orgel. " Iniisip mo rin ba ate kung anong narinig natin kani-kanila lang sa silid ng kuya ko?" Parang walang narinig si Orgel. " Handa na ang lahat...!" Malakas na sabi ni Orgel saka pinatay ang chandelier sa sala at isinara ang pinto. "Naaay! Lalo akong natatakot sa mga candilang to eh...Parang multo ang inaantay natin... " Si kianne na gumagala ang mga mata sa buong sala. Sa mga antikn a sofa, sa malaking aparador na puno ng mga aklat, sa ilalim ng dalawang malalaking mesa, sa itaas, at kung saan-saan. "Tumahimik ka na nga lang... Kahit kailan shunga ka talaga. " Sagot ni Kintoy. "Eh pano ba naman kuya..Dahil hindi si ate Cass ang inaantay, eh sino? Iritang sagot sabat ni Penelope. "Nasa garehe lang ang may ilaw kaya kunting liwanag lang ang naaaninagan nila sa loob ng sala na nagmumula sa red candles. ---Pag tumunog ang piano, dahan dahan kang lumabas at tumayo sa harapan namin.--- Naalala ni Meham na iyon ang instruction ni Darren sa kanya nung biglang tumugtog ang piano. "Naririnig nyo ba iyon? Wala namang ibang tao dito... " Pananakot ni Darren. Hindi sila makapagsalita sa takot. Sobrang kinakabahan si Meham ngunit lakas loob nyang binuksan ng dahan dahan ang pinto. "Sino bang inaantay natin ate Orgs?" Kunot-noong tanong ni Penz habang umiiyak sa takot. Tahimik lamang si Orgs, niyayakap ang dalagita at gumagala rin mga mata na para bang hihimatayin na sa takot. "Hindi kaya si Katty Perrie?" Tuwang tuwa naman si Kianne sa sarili nyang banat. "Walley..." Si Kintoy.

Sa kabila ng lahat, nagawa pang humalakhak ni Kianne at Orgel. Walang anu-ano'y gumulantang sa kanilang harapan ang babaeng naka-white dress. "Ateee!!!.." Malakas na sigaw ni Penelope at niyakap ng mahigpit si Orgel. Nagyayakapan sila, naginginig sa takot at hindi alam ang gagawin, habang si Darren ay binabantayan ang pinto upang walang makalabas., si Cass naman ay panay ang yakap sa binatang manager.

A woman falls to a kotavatenyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon