Chapter 19: Meham's journey when she was pregnant...do not stop reading!

0 0 0
                                    

Naku sai! Buti nalang at hindi nabuking ni Darren na buntis ka." - Si Orgel. Tahimik si Meham at halatang nag-iisip tungkol dito., "Huh? Anong mabuti? Di ba mas mabuti nang malaman nya? Aaaay... ano ka ba naman Orgel? ***LR ( late reaction) si Meham. Nakapag-ipon narin ako kaya lang hindi pa sapat iyon kung sakaling paaalisin nya ako dito pag malaman nya ang totoo?" Nilapitan ni Orgs ang kaibigan at hinimas sa likod. "Ang dami mong sinabi... Dahan dahan lang sabi ni Maja..." Napakunot-noo si Meham sa kung anu-anong kalukuhang pinagsasasabi ng kaibigan. "Alam ko namang kilala mo ang matalik kong kaibigan sai... Kahit ganyan sya maganda ang kalooban nya." Patuloy ni Orgel. Ngumiti lamang sya pagkatapos ay tinungo ang boutique may costumers kasi (tenagers).

(Isang gabi)***
"Pansin ko lang huh? Tumataba ka Mehanna. Nagta-trabaho ka ba habang wala ako?" Tila walang narinig si Meham, tumayo sya at iniwan ang binatang nagsisimula namang mang-asar. "San ka?! Mehanna?!!" Hindi parin ito sumasagot kaya lumingon ang binata. "Ngayon alam mo na? Aral na yan na hindi lahat ng bagay ay kailangan mong itanong, matoto ka ring magmasid." Nakasimangot ang mukha ni Meham na sinasabi iyon kay Darren. "Hindi ka lang pangit BABOY ka pa." Seryoso ang mukha ni Darren na nakatitig sa halos masabitan na ng basket na nguso ni Meham. "Sigurado kung alam mo ang totoo sa akin, hindi mo ako binabastos ng ganito." Nagsimulang gumaralgal ang boses at mamula ang mga mata ni Meham. Hindi nakasagot si Darren. Hindi nga natiis ni Meham at tumulo ang kanyang mga luha. Tumayo si Darren mula sa kinauupuan at nag-akmang lapitan si Meham, ngunit may costumer na pumasok. Nanigas si Darren sa kinatatayuan habang ang costumer ay agad na dumiretso sa shoe section. "Size 36 ho na white sir, meron kayo?" -Tanong ng maganda at halatang so-C na costumer. "Ba't sa CHICKS na'to pa??? Dead ako dito... " Bulong nya sa sarili. "Ahhm Mehanna? Hindi mo ba nakikitang may costumer?" Patay-hiyang sabi ng manager. Umiiyak si Mehannang nilapitan ang costumer. "Size36 maam. White." Tugon ng dalaga sabay abot ng sapatos na kapareha sa tinutukoy nito. Pumasok si Meham sa storage room at kinuha ang shoes. Iniabot ng costumer ang 1,200.75. kay Meham saka lumabas ng shop.

(Pag-alis ng costumer)***
"Pwede ba tayong mag-usap ng masinsinan?" -Si Darren. "Hindi na kailangan. Uuwi na rin ako ng Cotabato." Nanlaki ang mga mata ni Darren sa gulat. Gayunpaman, kunyari wala siyang paki. "Cotavatenyo kaya ako." Parang walang narinig si Meham at patuloy sa pagliligpit ng mga items. "Meron nga akong kaibigan doon noong bata pa ako pero nakalimutan ko ang sure name, hindi ko rin naitanong kay mama. Sunod-sunod na pagkukwento ng binata. "Cotavatenyo??? Wala sa dictionary yun hahahahah..."
Sobrang natatawa ang isip ni Mehanna sa maling bigkas ni Darren. "Halata na nga, magsinungaling pa." Bulong ni Mehanna. Walang anu-ano'y pumasok si Penz. Sabay na bumulalas ang dalawa. "Ay naaaa Penelope! Ni hindi ka man lang kumatok. "Sorry kuya. Ay! ayyy! Manager." Nakayukong wika ni Penz. "Bakit ka nagso-sorry sa pagtawag ng kuya sa kanya kung talaga namang kuya mo sya?" Nakataas ang mga kilay ni Meham na sinasabi iyon kay Penelope at ang tingin nito'y diretso kay Darren. Natamimi ng sandali si Darren at maya maya'y tumayo. "Pumasok na tayo ng mansion." At dali-daling lumabas ng shop.
(Sa mansion)***
"Knock knock? Knock knock?"
-Si Meham. "Hayyyys...Ano ba naman yan?! Sino ka?!" Inis na tanong ng kolehiyolong manager habang nakapatong ang mga paa sa tempered glass na table sa loob ng kanyang kwarto. "Ag hindi mo 'to bubuksan, hindi na ako magpapaalam sayo bukas." -Si Mehanna. "Bahala ka! Paulit-ulit nalang." Sagot ni Darren. Hindi umimik ang dalaga kaya kinabahan si Darren. Dali-dali nyang binuksan ang pinto.
"Darren mag-uusap tayo bukas. Importanteng importante." Tugon nya sa binata na nagmamadaling umakyat.
Sa pagkakataong iyon, hindi napigilan ni Darren ang sarili na mangamba dahil bukod sa natatakot syang nababawasan sila sa mansion, alam nyang sobra nyang mamimiss si Meham kung aalis ito.

A woman falls to a kotavatenyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon