"Sai?! anong ginagawa mo dito? Naku! 'kala ko hindi na tayo magkikita, hindi kasi kita nakokontak." -Si Mehanna. "Ang dami mo namang sinabi, gusto kong dalawin ang GRASS HOUSE baka kasi sabihin ni Brando na pinapabayaan na." Wika ni Orgel sabay hawak sa kamay ng matalik na kaibigan.
"Tama ka dahil dadalaw din ako doon." Wika ni Meham sabay kalabit sa kaibigang si Orgel. "Sino sya?" Tanong ni Meham nong nakita nya ang isang lalaking may mahabang buhok, moreno, macho at matangkad. Nakatayo ito sa baba ng pier at halatang inaantay si Orgs. "Ah si Darren, matalik n a kaibigan ko sya." Sagot ni Orgel. "Taga saan ba sya? Ngayon ko lang kasi sya nakita. Magkaibigan lang ba talaga kayo?" Pangungulit ni Meham. "Gusto mo bang sabihin na niluluko ko si Edmar? Anak kaya sya ng best friend ng tita ko at magkaedad lang kami." Paliwanag ni Orgs. " Huh?! Ang ibig mong sabihin Mag e-18 na rin sya? Ahead ka sa'kin ng isang taon di bah?" Giit ni Meham.
" Oo ganun yon. " Sagot ni Orgel na kumakaway kay Darren. " Anong ginagawa mo?" -Si Meham. "Ipapakilala kita." Sagot ni Orgel. Dahan dahang lumapit ang binatilyo, habang papalapit ito, natulala si Meham. " Whew...! Ang gwapo naman pala." Malakas ang pagkasabi ni Meham. Ngumiti si Darren. Matikas ito, pormado at sa paglalakad pa lang, halata nang galing sa mayamang pamilya. "Narinig nya sai." -Si Orgel. " Huh! ang alin?" Tanong ni Meham. Umismid na lamang si Orgel nung nakatayo na si Darren sa harap nila. Lalong tumingkad ang kagwapuhan nito. "Ahhm nakakaintindi ba sya ng Filipino." Tanong ni Meham. Mabilis na sumgot si Darren. " Oo naman dahil lolo ko lang ang naman ang arabian eh." Sabay abot ang kanang kamay. "Darren...Darren Pardeo." Nakangiti ang binata, pula ang bibig nito at napakatuwid ang maitim at mahaba nitong buhok. " Mehanna Abellardo, taga rito ako at matalik kong kaibigan itong best friend mo." Wika ni Meham na nakangiti rin. Tumawa lamang si Darren at tumalikod. "Arabo pala ang lolo mo...saan ka ba nakatira?" Tanongni Mehanna. "I'm from U. A.E. I came here to visit my family." Sagot ng gwapong binata. Tahimik lamang si Orgel pero halatang nakikinig sa usapan ng dalawa. "Sasama ka sa amin?" Tanongni Meham kay Darren na nakatingin sa mga mata ng matalik nitong kaibigan. Hindi ito sumagot kaya tumango si Orgel. "Paano ka ba natotong magsalita ng Filipino kasi ang galing mo eh parang..." Hindi naipagpatuloy ng dalaga ang sasabihin nang biglang nag-interup ang binata. "Tinatanong pa ba yon? Taga Cotabato ang mama ko at maging ang papa ko. Maliwanag ba yon?!" Nakakunot ang noo ng gwapong binata. " Ayyy ang suplado naman pala ng mokong na'to." Nakangiting bulong ni Meham kay Orgel. Nagkangitian ang dalawa. " Teka, tinawag mo kong mokong, tama ba ang narinig ko? " Nakataas ang kilay ni Darren. "Oo pero ok lang yon dahil gwapo ka naman." Hindi na sumagot pa ang binata.
Habang patungo silang GRASS HOUSE, ikinwento ni Orgel sa kaibigan ang tungkol sa hiwalayan nila ng boyfriend na si Edmar. Ayon sa kanya, ayaw magpatuloy ng boyfriend sa pag-aaral dahil sa nais nitong maglayas dahil sa family problem.
( Nasa GRASS HOUSE ) **** "Tahan na sai... Magkakabalikan din kayo nyan, halos mag-iisang buwan nga kaming nagkahiwalay ni Bren pero naayos din." Hinimas himas ni Meham ang likod ni Orgel. Mahirap mang unawain, pinilit ni Orgel na ipakita kay Meham na kahit papaano naunawaan nya ang sitwasyon ni Edmar dahil alam nyang kakaalis lang ni Brando. Lumabas ng kubo si Darren. "Hai nalang! Ang mga babae talaga... Iniiyakan kaming mga lalaki. Si Darren kasi ang tipo ng lalaki na pihikan at para sa kanya, pang good time lang ang girls. Hindi natin sya masisisi dahil naging ganito sya dahil sa kanyang mapait na alala noong bata pa lamang sya. Nasa labas sya, nakaupo sa mabatong bahagi na napaligiran ng mga bulaklak.
Mahigpit na niyakap ni Meham si Orgel. "Basta huh??...ikaw ang dapat na umayos ng gusot nyo. " Ani Mehanna. "Tatawagan ko sya mamaya...pupuntahan ko pa sa boarding house nya eh." -Si Orgs. " Naku! Bilisan mo at baka bumalik na ng Tacurong yon." Sabay talikod. Tumayo siya at nagmasid masid sa loob ng kubo. Sa mga oras na iyon, nag flashback ang lahat ng nangyari sa kanila ni Brando, simula noong una nyang nakilala ang boyfriend at ang araw na magkasama sila sa mismong lugar bago ito umalis patungong States., kaya naman hindi napigilan ni Meham na umiyak. " Sai? Alam kong hindi ka Ok, sige umiyak ka lang mahirap kimkimin ang sakit." Tugon ni Orgel na abalang pinanonood ang mga disenyo sa loob ng kubo. "Sai." -Si Meham na iniaabot ang pregnancy test sa kaibigan. " Huh??! Sai anong ibig sabihin nito? Ikaw ba talaga ang may-ari nito?" Nanlalaki ang mga mata ni Orgel. "Eh ka- kanino pa ba?" Kabadong sagot ni Meham. " Panu na yan??! Ano ka ba naman sai? Hindi ka ba nag-isip?" Galit at nanlalaki ang mga mata ni Orgel. "Sai, tulungan mo ko..." Nakaharap si Mehanna sa poste noon at pinaghahampas ang sariling ulo roon.
" Alam ba ni Brando to? Anong sabi nya?" "Hindi..." Sagot ni Mehanna. "Parang wala lang sayo ang problema mo sai, parang hindi mo alam na ang laking epekto nyan sa studies mo." Napakamot sa noo si Orgel. "Wag mong sabihin yqn sai dahil hindi mo alam ang mga pinagdadaanan ko ngayon. Tulungan mo ko... Ilayo mo ko dito sa atin. Hindi ba sabi mo may tita ka sa Maynila at doon ka magka-college? mo at ang ibang mga kapatid mo." Isama mo nalang ako sai please?? " -Si Meham.
Nakalipas ang dalawang linggo, tinulungan si Mehanna ng kaibigan, dinala sya sa maynila kasabay si Darren at doon nanirahan sa bahay na sa pagkakaalam ni Meham ay bahay mismo ng tita ni Orgel. Nasa Hawaii sina tita Chynna ni Orgs at ang pamilya nito at sila din ang gagastos sa pag-aaral nya ng kolehiya. Ang perang binigay ni Aling Lily kay Meham noong umalis sya ay ginamit nya para sa maliit na kapital, nagnenegosyo si Mehanna. Nagbebenta sya ng halo-halo habang si Orgel naman ay nag-aaral. Umalis si Meham sa Cotabato na walang sinumang nakakaalam maliban sa ina nito, kay Orgel at Darren ngunit walang alam si Darren sa mga nangyayari, akala nya magbabakasyon lang si Mehanna sa kaibigan. Ang paalam naman ni Meham sa ina, saka na sya mag-aaral dahil gusto muna nyang magkaroon ng experience sa maynila. Ayaw mang pumayag ng ina, hindi parin nya natiis ang bunsong anak. " Maging madasalin anak. Lagi kang tumawag o magtext sa akin pag andoon ka na at ikaw Orgel, wag mong iiwan si Mehanna kahit anong mangyari dahil wala ako roon." At iyon ang pinakamahalagang bilin ni Aling Lily sa magkaibigan bago sila umalis ng Cotabato.
BINABASA MO ANG
A woman falls to a kotavatenyo
RomanceGrass house By: Annaturette Sino ang mas matimbang sa puso mo? Ang taong una mong minahal? O ang taong bumago sa takbo ng buhay mo? High school si Meham nung nainlove sya kay Brando, isang anak ng principal sa campus. Gwapo at malakas ang dating ng...