CHAPTER 10: date...date... date... Read&Relate B-)

0 0 0
                                    

Nasa dating table na ang dalawa at patuloy paring nagluluha si Meham kaya pinunasan na lamang nito ang mga luha ng nobya at iniabot rito ang isang basong malamig na tubig. Maya maya'y dumating isang lalaking mukhang seryoso, medyo payat at matangkad. Kung titingnan, isa s'yang magiting na waiter... :-D Nakangiti ito habang inilalapag ang fruits sa mesa ng MEHBRAN. Pagkatapos noon, nakipagkamay si Brando rito. "S'ya si Mehanna. Ang girlfriend ko." Wika ni Brando sabay lingon kay Meham. Nakipagkamay ang lalaki kay Meham. "Raden po. Matalik akong kaibigan ng pinsan ni Brando." Nakangiti ito at halatang sincere ang pagpapakilala. "Nice meeting you Raden." Nakangiting sagot ni Meham. Nung nakaalis na si Raden, nagtanong si Meham sa nobyo. "Sinong pinsan mo ang tinutukoy ni Raden Bren?" "Oo nga pala... Actually, ang pinsan kong yon ang tumulong sa'kin na maganap ang special moment na'to ngayon. Paliwanag ni Brando. "Huh?! Talaga Brando? So, asan s'ya? Pwedeng ipakilala mo sa'kin." Curious ang dalaga sa oras na iyon at interesadong interesadong makilala ang pinsan ni Brando. "Wala s'ya rito, nasa malayo." Sagot ni Bren. Nais pa sanang magtanong si Mehanna ngunit patuloy na nagsalita si Brando. "Makikilala mo rin s'ya Meham." Sabay himas sa kanang kamay ng dalaga. Gusto sanang alamin pa ni Meham ang maraming bagay tungkol sa pinsan ni Brando pero medyo nahiya s'ya sa boyfriend dahil hindi nya sigurado pero pakiramdam nya iniiwasan ni Brando ang susunod pa nyang mga katanungan. Sa araw na iyon, masasarap ang mga pagkain. Malinamnam ang desserts at wine, matatamis ang fruits at juice kasing tamis ng pagmamahalan ng dalawa. Maya maya tumugtog ang sweet music. Kinabahan si Mehanna ngunit wala syang nagawa, kinuha sya ni Brando at dinala sa gitna at dahan dahan nitong pinatong ang mga kamay ng dalaga sa kanyang balikat at hinawakan ito sa beywang saka sumayaw na nakatitig sa isa't isa. Thinking outloud ang music kaya nagustuhan ni Brando. Ang totoo ito ang pinakapaborito nyang music lalo pa't inlove sya sa girlfriend nyang si Mehanna.

"Teka, ba't ka pala umiyak sa kotse kanina?" Hindi na umimik ang dalaga. Umilag ito ng tingin at halatang iniiwasang sagutin ang tanong ni Brando. "Meham?? Please sabihin mo sa akin." Pangungulit nya. Pinaikot muna ng dalaga ang malalaki nitong mata saka nagsalita. "Ikaw naman kasi kung anu-ano na'ng tinatawag mo sa'kin. Mehanna, Meh, mahal ko, baby ko, my princess...Ano ba talaga?" Sagot nito na halatang nagtatampo. Nagulat ang binata sa narinig. Parang di sya makasagot sa oras na iyon dahil ang totoo natatawa sya. "Oh ba't di ka makasagot dyan? Nagtanongka pa." -Si Meham na irita sa boyfriend.

"Hindi ko alam kung ano ang connection ng mga luha mo sa pagtawag ko sayo ng 'my princess'. Biglang nanghina ang dalaga, masama ang loob niya. Kahit anong kasiyahan na ata ang ialay sa kanya ng langit at kahit sino pang tao ang magpapaligaya sa kanya kapag naaalaala nya si Nitham, hindi parin kompleto ang lahat ng iyon. Hindi namalayan ni Meham na pumapatak na pala ang mga luha mula sa kanyang mga mata. "Oh Meh? May nasabi ba akong hindi maganda?" :-(( "Wag mo akong tawaging 'my princess." Umiiyak sya. "Ok Mehanna. An-ano...anong gusto mong itawag ko sayo?" Tanong ng binata sa dalaga habang pinupunasan nito ng panyo ang luha ng nobya. Ang totoo, natatawa sya. "Basta ayaw ko ng MY PRINCESS." Sagot ni Meham. "Pero bakit?" Usisa ni Brando. "Ayaw ko lang marinig yon." At yumuko sya. Hindi maintindihan ni Brando ang dalaga pero pinilit nyang tumahimik na lamang.

Mag e-8:00 na ng gabi nung hinatid ni Brando ang girlfriend. Habang nasa loob sila ng sasakyan, nagkwento si Brando sa nobya tungkol sa kanyang pinsan. "Nga pala Tungkol sa pinsan ko, s'ya ang may pinakamalaking tulong sa party natin kanina. Wala s'ya rito, bata pa lang kami nung umalis sila ng mama't papa n'ya patungong States at doon na rin s'ya nag aral." Punong puno ng kalungkutan sa mukha ng binata. Walang ni anino ng ngiti sa mga labi nya at si Meham naman ay biglang naalala ang kababatang si Nitham pero kunyari walang paki. "Then, tumawag ka sa kanya sa States para lang sa party na'to? Gosh Bimby! Anong name ng pinsan mo?" Tanong nito sa boyfriend.

A woman falls to a kotavatenyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon