CHAPTER 15: MEHBRAN's long distance relationship...see what happened.

1 0 0
                                    

Simula nung nagkahiwalay sina Nitham at Meham, iniwasan na ni Meham na tingnan o hawakan ang box na iniwan ng kaibigan noong umalis ito, itinago na lamang nya ito sa drawer ng kanyang kama hindi dahil sa gusto nyang kalimutan ang tungkol sa kanila kundi iniiwasan lang nyang masaktan.

" Ed?! Ikaw pala yan..." -Si Meham.

" Ako nga...Kumusta Meh? Hindi ba scholar ka sa Cotabato City Don Mercafdo College?" Tumango si Meham. "Ikaw Ed, san ka magka-college?" Hindi sumagot si at halatang iniiwasan na pag-usapan ang tungkol doon. "Anong ginagawa mo dito sa ilog Mrs. Mabilin?" :-D " Mrs. ka dyan... Eh ikaw?" Namimilog ang mga mata ni Meham sa pagtawag ng kaibigan sa kanya ng Mrs. Mabilin. " Namamasyal... Namamasyal mag-isa." Tumalikod si Edmar. " Teka, si Orgel, si sai asan ba sya at nag-iisa ka rito?" Nanahimik ng ilang sandali si Edmar saka pinakawalan ang malalim na buntong-hininga. "Nakipagbreak sya sa akin, 2 araw na ang nakalipas." Napakunot-noo si Meham. "Sabagay... " Sagot ng dalaga at biglang tumahimik. "Buti pa kayo ni utol...nangako sa isa't isa." Dagdag ni Edmar na halatang nalulungkot. " Ok lang yan...Kung para talaga kayo sa isa't isa, gigising ka nalang sa tabi nya. Kung hindi man, 'wag kang mag-alala makakahanap ka pa ng taong para sayo." Tugon ni Meham sa kaibigan.

" Oo. Alam ko yan." Nagawa pang ngumiti ni Edmar at Meham sa mga oras na iyon.

" Grabe...parang hindi na si Meham ang kausap ko ngayon. Sigurado sya? Wala talaga siyang sasabihin tungkol sa hiwalayan namin ni Orgs? Sinaktan ako ng kaibigan nya." Bulong ni Edmar sa sarili. "Gusto mo ba akong samahan?" Nakangiti si Meham noon. " Sa grass house ba? Hindi pwede Meham...baka ano pang isipin ni Brando." :-) " Alam ko namang may nag-aalaga sa GRASS HOUSE pero gusto ko lang talagang dumalaw doon." -Si Meham. "Ikaw...gusto mong sumabay? Aalis na ako. Yayain mo nalang kaya si Orgs." Tinungo ni Edmar ang single motor. " Wow!...ayos ka rin Edmar. Alam mo naman sigurong nag-comute lang ako. " :-> "Ihahatid na kita. Ang sabi ni Brando aalagaan ka namin ni Orgs." Hinatid ni Edmar ang dalaga sa bahay ng Abellardo at agad na umuwi ito pagkatapos.

"Hooh! Napagod yata ako kanina... Ang daya talaga ni Ed, ni di man lang nya ako sinamahan sa GRASS HOUSE. " Wika niya sa sarili habang nakatitig sa selfie picture nilang dalawang mag-boyfriend. Si Brando mismo ang naglagay sa frame ng picture na iyon at sya rin ang nagbigay sa nobya bago sya nagpaalam. Parang kinurot ang puso ng dalaga nakaramdam sya ng kakaibang lungkot.

" Brando ko... Brando alam kong mahal mo ko kaya babalik ka rin, mag- aantay ako Brando." Nakatulog si Mehanna na may bakas ng luha sa mga mata. Nakashorts ng maiksi at naka-sleeveless na nakataas ang dalawang paa sa pinagpatong patong na malalaking unan. Toot! Toot! Toot! Bumulalas si Meham. "Kumusta ka na?" Text ni Brando. " Hai naku...sana tumawag nalang sya, wala akong load." Nabitiwan ni Meham ang phone at nag-antay na tumawag ang nobyo.11:05 na ng gabi nang tumawag si Brando. "Missed na kita Mehanna pero nangako akong babalik para sayo kaya wag kang mag-alala." Sa malumanay na boses ng , naibsan ang pangungulila ni Mehanna. " Magbabakasyon ka huh? sabi mo sa'kin yearly di ba?" -Si Meham. " Oo naman... Yearly Mehanna." Napag-usapan din ng magnobyo ang tungkol sa scholarship na ini-offer sa dalaga at excited pareho ang dalawa. Sino ba naman ang sinwerte na makapag-aral ng kolehiyo na libre...

Nakalipas ang dalawang buwan, patuloy ang tawagan ng MEHBRAN hanggang sa isang araw, " Nag-aalala na ako Brando, dalawang buwan na akong hindi dinadatnan." :-d " Huh? Pero imposible yon. Hindi Mehanna, wala yan...dadatnan ka rin nyan, normal lang naman sa kababaihan ang madelay di ba?" Biglang naibaba ni Brando ang phone, balisa si Brando sa mga oras na iyon, bumaba sya sa kama at tinungoang rooftopng kanilang mansion. " Hindi pwedeng mabuntis si Mehanna...Oo mahal ko sya pero mga bata pa kami at marami pa kaming dapat aasikasuhin." Wika nito sa sarili. Hindi nakatuog si Brando sa gabing iyon. Natakot sya sa pwedeng mangyari. Nag-alala si Meham ng lubha sa gabing iyon, hindi pa nya nababanggit sa ina na 2 buwan na syang hindi dinadatnan, pero alam nyang mabibigo ito kung totoo nga ang hinala nya. Hindi na hinihigpitan pa ni Maam Mabilin ang binatang anak mula nung naging sutil ito kaya naman ngayong nagbago na ito, pinagbibigyan nya na sa kung anumang nais nito sa buhay, ang tungkol kay Meham at ang pagtanggi nitong mamuhay sa States pagkatapos ng kolehiyo. Ang gusto kasi ni Brando ay bumalik sa Pinas, sa Cotabato City pag gumraduate na sya at alam ng ina nyang dahil iyon kay Mehanna.

Ilang araw nang nagsisimula ang enrolment para sa freshmen ngunit tila ba nawala ang excitement ng dalaga sa scholarship na ini-offer sa kanya.

" Meham, anak... Anu bang nangyayari sayo? Kung gusto mo, ako na mismo ang mag e-enrol sayo." Walang imik si Meham, sobra syang kinabahan, naawa at nakonsensya sa ina sa mga oras na iyon. Pumasok sya sa kwarto at nagmukmok, Sinubukang katukin ng ina ang pinto ngunit nagkunwari itong tulog. Kinabukasan, " Anak, kailan ka ba mag e-enrol? Kumilos ka na...sayang naman ang scholarship... bihira lang ang binibigyan ng ganung opportunity." Kunot-noong tugon ng ina nito habang pinaghahain sya ng bread at mainit na scrambled egg na may isang mug ng milo. "Sumagot ka anak, kinakausap kita. Dahil ba kay Brando 'to?" Pilit na kinakausap ni Mrs. Lily ang anak. Biglang tumakbo si Mehanna at tinungo ang comfort room, sinundan ng ina at doon natagpuang nagba-vommit. " Nahihilo ka ba?" Tanong nya habang inalalayan sya. Nanalalamig ang buong katawan ni Meham kaya nagpahinga na lamang sya. Nagising na si Meham*** " Anak, sumama ka sa akin, ipapacheck-up kita." Biglang nabitiwan ni Meham ang kutsarang may honey. "Ahhm ahm ok lang a-ako nay, wag na po." Nanginginig ang mga kamay ng dalaga habang inaabot ang kutsara mula sa ina. Halos di sya makatingin at dahil doon nanibago si Mrs. Lily. "Mag enrol ka na anak. " **** " Nay, kung tungkol pala kay Brando, ok lang kami. Lage kaming nag uusap." Sa mga oras na iyon, nagsisinungaling si Meham dahil mahigit isang buwan nang hindi tumatawag o nagte-text si Brando.


A woman falls to a kotavatenyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon