CHAPTER 23: When Meham left Maynila

0 0 0
                                    

Habang tumatagal, maraming bagay na rin ang natutuklasan ni Meham tungkol kay Darren.Si Darren na hindi lang pala isang gwapong WAPAKS (walang paki) sa kababaihan kundi isa palang anak ng negosyanteng mayaman sa ibang bansa. Partner sa negosyo ng tita ni Orgel ang mama at papa niya. Ang talagang nag-mamay-ari ng company na iyon ay ang arabong lolo ni Darren, at it sounds better talaga kasi daddy nya ang tagapagmana ng mismong company ng lolo nya, at ang mansiong tinitirhan nila ngayon at ang buong shop ay pagmama-ari na ni Darren.

Sai hindi ko pa pala naitatanong sayo, paano mo nga ba nakilala si Darren?" (。・ω・。) "Dahil sa dad nya at sa tita ko. Lagi akong ikinukwento ni tita sa dad nya kaya gumawa sila ng paraan na magkakilala kami ni Darren. " Pagsisimula ni Orgel. "Paano? Matagal na ba kayong magkaibigan?" Curious si Meham. "magto-two years pa lang. Naging kaibigan ko sya through phone."

Sagot ni Orgs . "Aaay nga pala!!..Hindi ko nga pala naikwento sayo. Sorry?" Namimilog ang mga mata at kinakagat ang hintuturo. "Sorry talaga sai...pero sya ang ikinukwento ko sayo minsan nung third year tayo." ^ω^ "Huh? Sino?" Medyo matagal na nag-iisip si Meham. Tahimik lang si Orgs at nakakagat parin sa kanyang hintuturo habang hinahayaang maalala ng kaibigan ang tungkol dito. "Teka, yun bang sinasabi mong callmate mo? Si Night prince ba ang tinutukoy mo sai???!" Bulalas ni Meham saka umupo sa kama ni Orgel. Humagikhik sa pagtawa si Orgel. "Nakaligtaan ko lang na sabihin sayo, pero sya nga." Sagot ni Orgel na para bang nang-aasar pa ang mga ngiti nito. Hindi makapagsalita si Meham dahil hindi sya makapaniwala. "Walang anak na babae si tita kaya ako ang gusto ng dad ni Darren na maging kaibigan ng anak nila." Dagdag ni Orgel habang nakahiga sa kanyang kama. "Ang weird naman!!! Eh bakit raw? para maging spy ni Darren?" Seryosong tanong ni Meham. Tinitigan muna ni Orgel ng masama si Meham saka sumagot. "Sino sya?? Si Bimby? Hindi noh...ang totoo para maging business partner ni Darren." Sagot ni Orgel. "Kaya naman pala...So, hindi ka ba nagkagusto sa kanya nung first met ninyo? Dati kasi kinikilig ka pag tumatawag sya." Usisa ni Meham. Napakamot si Orgel sa ulo. "Feeling ko tuloy sa THE BUZZ ako at si Boy Abunda ang kaharap ko ngayon." Wika ni Orgel na nakangiti. "Si Boy pa... Napakapilya mo talaga. Pwede bang si Kris nalang? Saan na nga ba tayo? Sobrang interesado si Meham na marinig ang susunod pang sasabihin ni Orgel kaya pinagpatuloy nya. "Syempre hindi! And neeeever....kasi magkapatid lang talaga ang tingin namin sa isa't isa." Matapat na sabi ni Orgel at tumayo saka sinara ng maigi ang pinto.

"Good night sai..." Ani Orgel kay Meham na nakaupo parin sa kamang katabi nya habang tulalang nakatingin sa kanya. "Good night kuya Boy..." Pang-aasar nya kay Meham.

"Hanggang sa pag-uwi ko ba naman pipikunin mo parin ako." -Si Meham na hindi parin maka get over sa mga natuklasan. Walang anu-ano'y bumangon si Orgel sa pagkakahiga at nilapitan ang kaibigan. "I love you sai." -Si Orgel sabay halik sa pisngi ni Meham. "Good night sai...lab yaaa." Si Meham na nakangiti.

(Isang araw)***

Nakasuot ng jersey si Darren na pumasok sa boutique. "Para kay baby." Halatang naghahabol ng oras ang binata dahil nagmamadaling lumabas ng shop. "Manager..." Gustong magsalita si Meham ngunit hinawakan ni Darren ang kanyang kamay at nilagay ang sobre. "Tanggapin mo Mehanna. Sige...may laro pa ako." Pagkatapos ay nagmamadaling umalis ang binata. Hindi nagawang buksan ni Meham ang sobre. Nahihiya sya, pakiramdam nya kinaawaan sya dahil sa sitwasyong hindi sya pinanagutan ng taong pinagkatiwalaan nya ng buong buo. Mahal na mahal nya si Brando kaya sa kabila ng nangyari ay hindi nya kinamumuhian ang nobyo, ngunit sa mga oras na iyon, bigla syang nakaramdam ng matinding galit.

(Tinawagan ni Meham ang kanyang ina)****

"Ma, hindi ka ba naniniwala sa joke ko?" (╥╯﹏╰╥)ง "Anong joke ba ang pinagsasasabi mo nak? Nahihirapan na'kong mag-isip sa kalagayan mo...hindi kita nakakausap pag di ka tumatawag. Umuwi ka na." Umiiyak ang mama ni Meham sa kabilang linya. "Kung hindi kayo naniniwala, hindi na ako uuwi dyan ma..." Umiiyak si Meham. Iyak na para bang nagmamakaawa. "Wag mo muna akong babaan ng phone, ano bang joke? Hindi ko na natatandaan." (╥╯﹏╰╥)ง "Sinabi ko yun sayo nung una kong tawag. Tumawa pa nga ako ng malakas dahil takot akong magalit ka at itakwil mo ako." Emosyonal na sabi ni Meham. Naalala ng kanyang mama ang sinabi ni Meham, at nauuwaan ng ina ang mga pangyayari.

September na at malaki na ang tyan ni Meham. "Sai, manager Darren, nakapagdesisyon na ako, last week of September ang pag-uwi ko. Alam na ni mama ang tungkol dito." Wika ni Meham habang masaya silang nagbobonding sa balcony. Sa oras na iyon, biglang gumuhit ang lungkot sa mukha ng bawat isa. "Pero babalik ka. Hindi ka mahihirapan... ipagpapatuloy natin ang shop na kasama si Meham habang kasama na natin syang papasok sa school." Tugon ni Darren na pilit ikinukubli ang lungkot sa kanyang mga mata. "Mangako kayo ate. Mangako kang babalikan mo kami." Si Penelope na sinlaki ng butil ng mais ang mga luhang pumapatak. "Oo Mehanna. Tama sya...mangako kang babalik dito at mag-aaral kasama kami." Si Kianne na nakayukong nagsasalita. "Malapit na ang araw na iyon at masyado kaming malulungkot pag aalis ka na Meh kasi ikaw ang pinakamabait na taong na nakilala ko." Si Kintoy na nakahawak sa balikat ni Meham. Si Orgel ay tahimik lamang na nakaupo sa silya katabi si Darren. "Wag kayong mag-alala... Gaya ng sinabi ko, babalik si Meham dito para mag-aral at kasama tayong ipagpatuloy ang negosyo." Nakayuko si Meham at hindi umimik ngunit ang kanyang puso at isip ay hindi tumututol. "Pero panu kung hindi na magtitiwala si mama sa'kin at hindi nya ako papayagang bumalik dito?" Ang tanong na gumugulo sa isipan ni Meham. Walang anu-ano'y hinila ni Orgel si Meham. "Groupie tayo...Dali!" Itinaas ni Orgel ang monopod gamit ang phone ni Darren. "Isa pa..." Pagkatapos ay tiningnan nila ang photos. "Thanks bro... Great!" Wika ni Darren. Ngumiti si Orgel dahil nauunawaan nya ang ibig sabihin ng kaibigan. Ang ibig sabihin ay TAMA NA. Bago matulog, kinausap ni Meham si nanager tungkol sa sobre. "Manager, Pasensya ka na pero nakakahiya...isasauli ko ang sobreng binigay mo. Hindi dahil ma-pride ako, iniisip ko lang na labis na ang pagtulong mo sa'kin." Pinakawalan muna ni Darren ang malalim na buntong hininga. " Bakit nag a-assume ka ba na para sayo yan?" Namilog ang mga mata ni meham sa narinig. Tumalikod si Darren sabay sabi., "Para kay baby ang pera na yan." ('⊙ω⊙') Walang nagawa kundi magpasalamat sa binata.

(Dumating na ang araw na uuwi si Meham)

Inihatid sya ni Darren sa airport kasama si Orgel. "Babalik ako dahil Kailangan kong lumimot sa nakaraan at bumangon para sa kinabukasan namin ni baby." Wika ni Meham na pumapatak ang luha sa kanyang mga mata habang humahakbang ang kanyang mga paa palayo. Hindi napigilan ni Darren ang sarili kaya niyakap sya ng mahigpit. "Mag-aantay ako." Tumango si Meham. Sumunod si Orgel kay Meham at niyakap ng mahigpit ang matalik na kaibigan. "See you soon." Ani Orgel.

A woman falls to a kotavatenyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon