Makalipas ang mga araw ay patuloy na lumalayo si Darren kay Meham, madalang nya rin itong kausapin, at hindi nya na rin sinasabay sa school. Sa mga sandaling iyon, si Shane ang laging kasama ni Meham at hatid-sundo sya ng bagong kaibigan. Bumalik sa dati...ang dati nyang phonepal na si Orgel ang laging kasama ni Darren at ang girlfriend nyang si Cass.
"Pwede ba kitang maging P. A.? " Nanlaki ang mga mata ni Meham sa sinabi ng binata. Hindi sya kumibo at umalis. "Grabeee! Nagbago ka na talaga! Dahil ba kay Shane?" Napatigil sya sa paglalakad. Masigla ang boses ni Darren ngunit lingid sa kaalaman ni Meham ay naghihirap ang kalooban nito dahil sa selos kay Shane ang special friend niya. Nilapitan sya ang binata. "Galit ka ba?" Tanong nya kay Meham. Hindi sya sumagot. Nanatili syang nakatayo at malayo ang tingin. " Silence means...yes. Right? " Napabuntong hininga si Meham. Malalim... "Totoo. Gusto talaga kitang maging P. A." Pagkatapos magsalita ng binata ay umalis. " Teka manager! " Malakas ang tinig ni Meham na para bang nagugulat, kaya agad na lumingon ang binata. Sa paglingon nito, nakita ni Meham ang gumuguhit na lungkot sa kanyang mga mata. Matagal sya bago nakapagsalita. "Sana hindi ka nanggu-goodtime lang dahil pumapayag na ako. " Lumuluhang tugon ni Meham. Ngumiti sana si Darren ngunit napigil ito nang nakita nyang lumuluha si Meham. Nilapitan nya ito at niyakap ng mahigpit. Habang niyayakap nya ang dalaga, dinig na dinig nya ang pagtangis ng puso nito, ang maiinit na luhang pumapatak sa balikat nya. "Pasensya ka na... " Bulong niya kay Meham. Bigla nyang naimagine kung gaano kasakit ang iwanan ng taong minahal mo ng sobra. Bumitaw si Meham sa pagkakayakap sa kanya. "Darren?....Alam mo bang namissed kita?" Lumiwanag ang mga mata ng binata sa sinabi ni Meham. "Andyan ka naman... Araw, gabi tayong nagkikita pero... " Hinawakan ni Darren ang mga kamay nya.
"Simula sa araw na ito, P.A. na kita. " Tugon ni Darren sabay alis. Umiiyak si Meham habang sinusundan ng tingin ang binatang manager. "Ba't nya ako iniwan? Gosh...Antipatiko rin sya. Halos pareho... " Bulong nya sa sarili. Walang anu-ano'y dumating si Shane. "Umiiyak ka?" Gulat na gulat si Meham sa binatang nasa harap nya. "Ahmm...U-Umiiyak ako sa tuwa. Saan ka ba galing?" Utal utal na sagot ni Meham. Ngumiti lamang si Shane. " Coffee tayo sa loob. Tamang tama medyo malamig ang panahon." Nakangiti ang binata habang hinihila ang kamay ni Meham papasok sa food court. "Sino nga ba yang lalaking yan? Napapadalas ko na syang nakikita dito sa shop." Si Kianne. "Eh di baka boyfriend ni Meham... " Tila tumigil ang ikot ng mundo sa narinig nilang sabi ni Kintoy. Tumayo si Darren mula sa kinauupuan (sa boutique) saka pumasok sa mansion. Nakatingin lamang si Meham sa manager. Ilaw sandali lamang ay ay naka jersey na ito at dumiretso sa food court. "Pagkatapos mo jan, sumunod ka. Maglaro tayo. Hihintayin kita brod." Yaya ni Darren kay Shane saka nagmamadaling umalis. Alam ni Shane na hindi sya dapat tututol kaya pagkatapos nilang mag coffee ay umuwi sya agad para magbihis.
(Nasa Basketball court)****
Naipasok ni Darren ang bola sa ring. "Sabihin man nating hindi pa ganun katagal na nakakasama ko si Meham pero marami naring bagay na alam ko sa buhay nya. Ikaw brod? " Wika ni Darren habang ipinapasa ang bola sa kalaro. Matagal na hindi makapagsalita si Shane. Sa oras na iyon, pareho silang pawisan at pagod. Pinasok ni Shane ang bola sa ring at agad namang naagaw ni Darren at mabilis na naipasok sa ring. Pagkatapos ay isinantaabi ang bola.
(Darren stetching)***
"Brod, si Meham kaibigan ko sya. Kung ano man ang tungkol sa buhay nya, iyon ang nakatadhana sa kanya bilang tao kaya i'ts not a big deal kung anuman sya. " Paliwanag ni Shane. " Sabihin mo sa'kin brod, ano ang mga alam mo sa kanya? " Nanatiling kalmado ang binatang manager habang mata sa matang nakikipag-usap kay Shane. "Madalas kaming nagkukuwentuhan pero puro payak at hindi kasing lalim ng iniisip mo brod." Sagot ni Shane na nakakunoot-noo. Umatras si Darren saka tumalikod. "Alam ko magkaibigan kayo ni Meham at siguro naman, hindi ka hadlang sa pagiging magkaibigan namin. " Wika ni Shane na nakapameywang. Dahan dahang humarap si Darren., "Pano ko malalamang girlfriend mo si Cass, ni hindi mo nga magawang ipaalam sa kahit kanino na kayo. Ikinahihiya mo sya!" Galit na sabi ni Darren. Nagalit si Shane, bigla nyang kinuhaa ng bola at ibinagsak ng malakas sa semento. "Wala si Cass sa usapan natin. Sayong sayo na sya brod. Alam ko namang hindi nya gagawin syo ang ginawa nya sa'kin dahil ang tulad mo ang gusto nya." Sagot ni Shane. Dahan dahang lumapit si Darren kay Shane. "Iilan lang ang nakakaalam na magshota kayo. Ikinahihiya mo sya kaya ka nya iniwan!" Itinaas ni Darren ang leegan ng jersey ni Shane. Walang anu-ano'y tinulak ni Shane si Darren sa semento at inakmang suntukin ngunit agad na nakaiwas ang binata. Tinamaan ng suntok Shane ngunit hindi sya nagpatalo. Hindi na nila makontrol pareho ang sarili hanggang sa nakahiga na si Darren sa semento, duguan at puno ng pasa ang mukha. "Hindi dahil bumagsak ka, hindi kana babangon." Tugon ni Shane. At doon, biglang naalala ni Darren ang mga mapapait nyang alala. Ang pagkawalay niya sa kaibigan noong sya'y pa lang, ang pagsama ng ina nya sa ibang lalaki, ang pagkamatay ng girlfriend nya noong high school sya, at ang hindi nya akalaing alala., ang masasayang ngiti ni Meham tuwing kasama si Shane.
BINABASA MO ANG
A woman falls to a kotavatenyo
RomanceGrass house By: Annaturette Sino ang mas matimbang sa puso mo? Ang taong una mong minahal? O ang taong bumago sa takbo ng buhay mo? High school si Meham nung nainlove sya kay Brando, isang anak ng principal sa campus. Gwapo at malakas ang dating ng...