" Date??!! Gosh Bimby!!! Panu to? May pasok kya bukas." Napaisip ng malalim ang dalaga. "Tama. Conference pla bukas ng teachers.... I'll go with him." Maagang natulog si Meham para fresh at syempre bago natulog ang dalaga, inihanda na nya ang isusuot para sa kanilang date ni Brando.
Kinabukasan, pasado 2:00 na ng hapon, di mapakali ang dalaga, pakaliwa, pakanan at kung saan saan na lamang ang direksyon nito habang pinipisil pisil ang mahahabang daliri. "Anak, relax....ilang sandali nalang, andito na si Brando." Wika ng ina habang nagtitimpla ng juice. "Kinakabahan ako nay." Wika ng dalaga sa mahina nitong boses. "Para namang hindi ka sanay kay Brando anak." Sagot ng ina habang iniaabot ang isang malamig na baso ng juice rito. "Hindi yon nay, iniisip ko kasi na baka ipapakilala ako ni Brando sa pamilya nya samantalang di ako ready." Sagot ni Meham. "Anak, eto ang tandaan mo, sa pakikipagrelasyon, kahit gaano ka kamahal ng taong mahal mo wag na wag kang mag assume o umasa ng kung anu-ano para hindi ka masasaktan...Cool lang dahil masyado ka pang bata, huwag ding ibigay lahat upang hindi magsisi." Paalala ng ina. Alam ni Meham na mahal na mahal sya ng kanyang ina kaya lagi syang pinapangaralan nito. Biglang natigil ang pag uusap ng mag-ina nung dumating si Brando.
"Tuloy ka hijo." Alok ni Aling Liliy at
iniabot sa binata ang isang baso ng juice. Habang nag uusap sina Brando at ina ni Meham, nakatitig ang mga mata ng binata sa dalaga. Maya maya, nagpaalam na ang dalawa. "Ang ganda mo, bagay na bagay sayo ang dress at heels, salamat dahil sinuot mo." Hinalikan ng binata sa mga kamay ang dalaga. Nakangiti naman ang dalaga habang nakatitig sa mga mata ng binata. Binuksan ni Brando ang door ng kotse para sa nobya. "Pumasok ka na my princess." Nakangiti sa tuwa si Brando. Ngunit, parang isang sensitibong musika para kay Meham ang pagtawag sa kanya ng 'my princess' nanatili itong nakatayo at nakatitig sa nobyo.
" My princess, pumasok ka na." Walang kibo ang dalagang pumasok sa sasakyan. Habang nagmamaneho si Brando, napansin nya na tahimik lamang ang dalaga.
" Ahhhm ok ka lang ba mahal ko?" Usisa ng binata. Hindi kumibo si Meham kaya tumahimik na lamang ito.
Maya maya, itinigil nya ang kotse nung nakitang malihim na tumutulo ang mga luha ng nobya. "May problema ba Mehanna?" Seryosong tanong nya rito. "Wala Brando." Sagot ng dalaga habang pinupunasan ang mga luha. "Nag-aalala ako sayo at di ko gustong nakikita kang umiiyak." Desmayadong wika ni Brando. "Saka ko na sasabihin sayo." Sagot nya. Hindi na lamang umimik ang binata.
Maya maya, "Ba't parang ang layo?" Bulong ni Mehanna sa sarili. "Sandali lang Mehanna." Bumaba ang binata sa sasakyan, kinuha ang isang bag na iniabot ng isang maitim na lalaki. Pagkabalik ng binata sa sasakyan, nagtanong ang dalaga. "Sino yon?" Hindi kumibo ang binata. "Bren?!" Malakas na sigaw ng dalaga. Napalingon si Brando. "Huh? Ok ka lang?" Napakunot ang noo ng binata. "Sino ang lalaking yon at ba't ayaw mong sumagot?" Lalong napakunot-noo si Brando. "Isang
kaibigan." Napatitig ang dalaga sa bag na dala ni Brando. "Ah eto ba? Anong iniisip mo? Kinakabahan ka...kala mo itatanan kita? Ba't ko naman gagawin yon???" Natawa ang binata. Umismid lamang si Meham.
Tumigil ang kotse ni Brando sa gate, may isang matipunong lalaking nakatayo. Hindi ito gumagalaw na para bang isang istatwa, Isa ring lalaking pareho ang suot sa lalaking nasa gate ang nakatayo sa malaking pintuan ng napakalaking hotel.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Mehanna kay Brando na nakahawak sa kamay ng nobyo. "Dito lang ako Mehanna. Dumeritso ka lang sa loob, lumapit ka sa lalaking nasa loob ng gate at pagkatapos, sa lalaking nasa malaking pintuan, Ok?" Pakiusap ni Brando sa nobya sabay halik sa noo nito. "Pero ba't ako?" Nakasimangot ang dalaga. "Mehanna, mahal ko... Please? Pagbigyan mo ako kahit ngayon lang, susunod ako sayo." Tugon nito at muling hinalikan ang noo nya. Pumasok na si Meham sa gate ngunit lumingon muna ito sa boyfriend bago dumiretso sa matipunong lalaki. Nagulat si Meham nung iniabot sa kanya ang isang maliit na blue card saka nakipagshake hands sa kanya. "Macky. Isa sa mga kasamahan ni Brando dati sa banda. Tuloy po kayo Bb." Nakangiti ito. Sa card, nakaprint ang katagang 'READ ME'. Nung binuksan ni Meham, nakasulat:
Welcome Ms. Mehanna Abellardo!
MEHBRAN's special moment
At meron ding best ever selfie picture ng magnobyo ang nakaprint sa cArd. Nagpatuloy sa paghakbang ang dalaga, nakangiti ang lalaking nakatayo sa malaking pintuan ng bahay. Iniabot ng lalaki ang bouquet sa kanya saka nakipagshakehands. "Preian." Kasama ni Brando sa banda noon. Tuloy po kayo Bb." Napalingon si Meham sa lalaking nagpakilalang Macky saka muling tumingin kay Preian. "Banda...hilig ni Brando ang musika?" Usisa ni Meham. Nakangiti lamang na tumango ang lalaki. Medyo kinakabahan si Mehanna pero patuloy s'ya sa pag-akyat sa hagdan. May nakita s'yang isang matangkad na babae, maganda at mukhang anak mayaman. Tulad ng mga naunang lalaki na nakilala ni Meham sa labas, nakatayo ito na malaistatwa. Ngumiti ito nung papalapit na si Meham at inaabot ang isang baso ng red whine sa kanya saka nakipagshakehands. "Kahel, vocalist nina Brando sa banda." Tumango lamang ang dalaga. Merong selfie pic ng magnobyo sa baso. Nagkatitigan ang dalawa saka uminom ng kaunti si Meham ng whine. "Salamat." Wika ni Meham sa babae sabay abot ang basong may whine pa. Tumango ang babae. " Tuloy po kayo Bb." Nagpatuloy ang dalaga. Sa di kalayuan, may nakita s'yang isang maputing babae, blonde ang buhok nito at mukhang foreigner. Nung nakatayo na si Mehanna sa harap ng babae, ngumiti ito saka isinabit ang medalya sa leeg ng dalaga. Gawa sa nara ang medalya. "Meshna. Isa sa mga kasamahan ni Brando dati sa banda. Tuloy po kayo Bb." 'MEHBRAN's special Moment' ang nakasulat sa medalya. Tinitigan ni Meham ang medalya ng ilang sandali, napaisip sya ng malalim, kung panu naisipang gawin ni Brando ang lahat ng ito para sa kanya. Nagpatuloy sa paghakbang ang dalaga nang hindi nya natiis ay biglang tumulo ang mga luha nya. Sa buong buhay ng dalaga, iyon na ang pinaka memorable, pinaka special, at si Brando pa lamang ang lalaking nakagawa sa kanya ng ganoon. "Ouch!" Nadapa si Mehanna sabay sa sunod sunod na pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Nahirapan s'yang bumangon. "Mehanna? Ok ka lang?" Si Edmar ang dali-daling sumaklolo sa dalaga. Nung nakatayo na s'ya, iniabot ni Edmar ang card.
"Nabitiwan mo nung nadapa ka." Nakangiti ang binata. "Umiiyak ka ba Mehanna?" Usisa ni Edmar. Walang kibong pinunasan ni Meham ang mga luhang bumasa sa kanyang pisngi. "Ba't andito ka? Anong ganap?" Tanong ng dalaga. "Halika Mehanna." Inalalayan ni Edmar si Mehanna sa pag akyat sa hagdan. Nakita nila si Orgel sa pinto. Nakangiting inaantay ang dalawa. "Halika Mehanna." Wika ni Orgel sabay yakap sa kaibigan. Kumatok si Orgel sa nakasarang pinto. Maya maya, pumasok ang tatlo. Sa mga oras na iyon, parang isang prinsesa si Mehanna na inaalalayan ng dalawang maharlika. Naka red, long gown si Orgel sa mga oras na iyon. Sinalubong sila ng tugtog mula sa grupo ng banda. Nanlaki ang mga mata ni Mehanna nung nakita nya sina Macky, Kahela, Meshna at Preian na kasaling tumutugtog sa loob. Nagsipalakpakan ang mga bisita nung sinundo ni Brando ang dalaga. biglang tumigil ang tugtog, niyakap ni Brando si Mehanna, hinalikan sa mga kamay saka hinagod ng halik sa bibig. "I love you Mehanna." Nakangiting tugon ng gwapong binata. "I - I love you too Brando." Pautal-utal na sagot ng dalaga habang pumapatak ang luha sa mga mata.
BINABASA MO ANG
A woman falls to a kotavatenyo
RomanceGrass house By: Annaturette Sino ang mas matimbang sa puso mo? Ang taong una mong minahal? O ang taong bumago sa takbo ng buhay mo? High school si Meham nung nainlove sya kay Brando, isang anak ng principal sa campus. Gwapo at malakas ang dating ng...