CHAPTER 20: When The truth revealed. Get ready for this chapter!

0 0 0
                                    

"

(Umaga--Bagong ligo si Mehanna)***

Niluluko mo lang ako Mehanna. Alam ko napipikon ka lang sa akin." Nakapameywang si Darren na nakatitig kay Meham, ngunit naagaw ang atensyon nya sa ballpen at malaking notebook na nakalapag sa kama ni Meham. Mabilis nyang dinampot ang notebook. "NEGLECTED....Ano to?" Curios nyang tanong. Inagaw ito ni Meham saka ikinubli. "Alam ko na mahilig kang magsulat ng mga kwento at tula...nabanggit ni bro sa'kin yan." Wika ng binata saka humiga sa kama ni Meham. "Kung mag hubad ka kaya...sexy ka siguro...ah wag na! Isa ka na palang baboy ngayon." Pang-aasar ni Darren. Nanggigigil sya sa inis kaya pinaghahampas nya ang nakahigang binata.

"Labas na! Labas na manager! Inuutusan kita!" Maigi namang ikinumot ni Darren ang makapal na kumot para makaiwas. "Teka sandali, kalma lang..." Tumigil si Meham kaya agad na bumangon si Darren saka sumayaw ng macho dance.Tulad ng nakita ni Meham sa kababatang si Nitham at si Mr. Antipatiko, nakapikit si Darren at abot-tainga ang ngiti. Natulala si Meham sa nakita, ngunit sandali lang dahil biglang nagsalita ang binata. "You are NEGLECTED by Mr. Antipatiko." Parang malakas na bagting sa tainga nya ang sinabi ng binata kaya agad nyang sinugod ng suntok ang tyan nito. "Araaay! Magbihis ka na nga. Wag kang mangarap ng day-off!" Saka pa narealized ni Meham na kailangan nya nang pumasok sa shop. "Pero Darren, Totoo ang sinasabi." Napanganga si Darren. "Na ano?" Pinakawalan muna niya ang malalim na buntong hininga. "Haaaays bilisan mo dyan!" Tumalikod ang binata at nag akmang umalis ngunit hinawakan ni Meham ang kanyang mga kamay. "Sorry kung nilihim ko sayo noon. Hindi ko rin alam mo na bahay mo pala ang uuwian ko dito sa Maynila." Paliwanag nya. Napakunot-noo si Darren. "Buntis kaaa???" At walang anu-ano'y nabitiwan nya ang hawak na phone at paatras na lumabas ng silid ni Meham. "Teka Darren!.." Pahabol na sigaw ni Meham habang dinadampot ang nahulog na phone ng binata. "Wala na akong pakialam. Huwag na huwag ka nang lumapit sa akin mula sa oras na ito." Tugon ng binata bago bumaba sa hagdan. Dahan dahan nyang kinuha ang phone at pinasok sa drawer.

(two weeks later)****Alam mo sai, masyado ka nang makakalimutin mula noong nabuntis ka." -Si Orgel. Abala si Meham sa pagsusulat ng kwento kaya hindi nya alintana ang kaibigan. Kinalabit sya ni Orgel sa balikat. "Ikaw babae ka, alam na ba ni Darren ang tungkol diyan? Napansin ko na nag iiwasan kayo." Hindi makapagsalita si Meham. "Alam na ni bro?" Inaantaay ni Orgel na sumagot ang kaibigan ngunit hindi parin sya nagsasalita. "Aww di bale na..." Tumayo si Orgs at palabas ng silid nang bigla nyang hinagis ng susi si Meham. "Hayan! Sabi mo hindi mo na alam kung saan, baka may kumuha, at kung anu-ano pa pero iniwan mo lang pala sa banyo."


(Sa school)****

" Hi Cass... " Napalingon si Carissa sa kinatatayuan ni Darren, ngunit agad itong umiwas. "Wait Carissa." Si Darren na sinusundan ang dalaga. Mabilis nyang hinawakan ang kamay ni Cass. "Can I have you for a date?" Seryoso ang mukha ni Darren kaya dead sa kilig ang mga katropa nito. "After class. Or...better night." Nakangiting sagot ni Cass. "Sure..."

(On the date)****

"Para sayo." Isang box ng chocolate ang binigay ni Darren kay Cass pagkatapos nilang uminom ng red wine. "Thanks Darren. Anong ibig sabihin nito?" Hindi umimik ang binata, panay ang titig sa box ng chocolate na noo'y hawak hawak na ng dalaga. "Tinatanong kita Darren. " Makulit si Carissa kaya nagsalita sya. "Sinadya ko dahil yan ang chocolate na....--" Masikip ang dibdin ni Darren. Si Meham ang nasa puso sa oras na iyon. Nag-aantay si Cass s next na sasabihin ni Darren. "Yan ang chocolate na binigay ko kay Meham noon." Nagsalubong ang kilay ang mga ni Cass.

Tumayo si Darren at lumabas ng cafe. Tahimik na sumunod si Cass hanggang sa pumasok si Darren sa kotse. "Ihahatid na kita sa apartment mo." Tumango lamang si Carissa.

(On the way)****

"Hindi totoong girlfriend ko si Mehanna dahil hindi ko sya gusto at may boyfriend sya." Hindi sumasagot si Cass pero naniniwala ang dalaga dahil para sa kanya, imposibleng magkakagusto ang mayaman sa isang di-hamak na sales girl lang. "Bukas ng gabi, doon tayo sa coffe shop ko." Wika ni Darren bago bumaba ng kotse ang dalaga.

(sa shop)****

"Oo totoo!... Nakita ko sila ni Darren na pumasok ng mansion." ('⊙ω⊙') "Then... Ba't ganyan ka makareact?" ⊙_⊙ "Ikaw nga eh natulala rin dyan..." (○゚ε゚○) "Nagulat lang ako sa nakita mo." ≥﹏≤ "Ibig sabihin matagal mo nang alam? (。•́︿•̀。) "Eh ikaw, nag share ka ba sa akin huh? (=゚Д゚=) Mas mabuti pa tawagan mo na si tita sai... Kawawa naman ang mama mo. Hindi ka lumayo sa kanya para kalimutan sya kundi dahil may kailangan kang ayusin at patunayan." Dahil sa inis sa kaibigan, bumagsak ang tempered glass na pinto nung lumabas si Orgel. Maya maya pumasok si Darren kasama si Cass. "Magsasara na bakit andito pa sila?? Gosh Bimby! nananadya talaga." Bulong nya sa sarili. "Isang halo-halo. Yung malaking bowl at dalawang spoon." -Si Darren. Pagkatapos na inihain ni Meham ang order, pumasok sya sa Boutique. "Pssst! Balik." Lumingon sya. "Palitan mo nga yung kanta? Kapanahunan pa ni Marcos yan eh. At!.... dito ka lang. Wag kang aalis." Seryosong tugon ni Brando. Tumalikod sya at umupo sa tapat ng dalawang panay ang subuan. Kunyari wala syang nakita. Hindi sya lumilingon kahit ano pang papansin ang ginagawa ng dalawa.

"Nakakasawa ang kanta... pwede bang palitan mo?" Si Darren na nananadyang inisin si Meham. Agad siyang tumayo at nagsalita ng mahinahon. "Kaya nya yan..." Sabay turo kay Cass. Nanlaki ang mga mata ng dalaga na nakatitig sa kay Meham. "Dahil ano ang silbi nya bilang girlfriend sayo kung iutos mo pa sa iba ang kahit napakasimpleng bagay lang. Pasensya na manager Darren... 10:05 na." Pagkasabi ay agad na lumabas si Meham. "Effective..." Si Darren na nakangiti. "Ahhm whaaat?" -Si Cass. Hindi umimik ang binata. Ihahatid na kita, tama sya. I mean tama nga... gabi na."

A woman falls to a kotavatenyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon