Simula nung nagkahiwalay sina Nitham at Meham, iniwasan na ni Meham na tingnan o hawakan ang box na iniwan ng kaibigan noong umalis ito, itinago na lamang nya ito sa drawer ng kanyang kama hindi dahil sa gusto nyang kalimutan ang tungkol sa kanila kundi lalo syang nasasaktan kapag nakikita nya ito.
" Ed?! Ikaw pala yan..." -Si Meham.
" Ako nga...Kumusta Meh? Hindi ba scholar ka Cotabato City Don Mercafdo College?" Tumango si Meham. "Ikaw Ed, san ka magka-college?" Hindi sumagot si Orgel at halatang iniiwasan na pag-usapan ang tungkol doon. "Anong ginagawa mo dito sa ilog Mrs. Mabilin?" " Mrs. ka dyan... Eh ikaw?" Namimilog ang mga mata ni Meham sa pagtawag ng kaibigan sa kanya ng Mrs. Mabilin. " Namamasyal... Namamasyal mag-isa." Tumalikod si Edmar. " Teka, si Orgel, si sai asan ba sya at nag-iisa ka rito?" Nanahimik ng ilang sandali si Edmar saka pinakawalan ang malalim na buntong-hininga. "Nakipagbreak sya sa akin, 2 araw na ang nakalipas." Napakunot-noo si Meham. "Sabagay... " Sagot ng dalaga at biglang natahimik. "Buti pa kayo ni utol...nangako sa isa't isa." Dagdag ni Edmar na halatang nalulungkot. " Ok lang yon. Kung para talaga kayo sa isa't isa, gigising ka nalang sa tabi nya. Kung hindi man, 'wag kang mag-alala makakahanap ka pa ng taong para sayo." Tugon ni Meham sa kaibigan.
" Oo. Alam ko yan." Nagawa pang ngumiti ni Edmar at Meham sa mga oras na iyon. " Grabe...parang hindi na si Meham ang kausap ko ngayon. Sigurado sya? Wal siyang ibang sasabihin? Sinaktan ako ng kaibigan nya." Wika ni Edmar sa sarili. "Gusto mo ba akong samahan?" Nakangiti si Meham noon. " Sa grass house ba? Hindi pwede Meham eh...baka ano pang isipin ni Brando." :-) " Alam ko namang may nag-aalaga sa GRASS HOUSE pero gusto ko lang talagang dumalaw doon." -Si Meham. "Ikaw...gusto mong sumabay? Aalis na ako. Yayain mo nalang kaya si Orgs." Tinungo ni Edmar ang single motor. " Wow!...ayos ka rin Edmar. Alam mo namang nag-comute lang ako. " :-> "Ihahatid na kita. Ang sabi ni Brando aalagaan ka namin ni Orgs. Hinatid ni Edmar ang dalaga sa bahay ng Abellardo at agad na umuwi ito.
"Hooh! Napagod yata ako kanina... Ang daya talaga ni Ed, ni di man lang nya ako sinamahan sa GRASS HOUSE. " Wka niya sa sarili habang nakatitig sa selfie picture nilang dalawang mag-boyfriend. Si Brando mismo ang naglagay sa frame ng picture na iyon at sya rin angn nagbigay sa nobya. Parang kinurot ang pusong dalaga noong nasaramdam sya ng kakaibang lungkot.
" Brando ko... Brando alam kong mahal mo ko kaya babalik ka rin. Mag- aantay ako Brando." Nakatulog si Mehanna na may bakas ng luha sa mga mata. Sa gabi, habang nasa kwarto si Meham, nakashorts ng maiksi at naka-sleeveless na nakataas ang dalawang paa sa pinagptong patong na malalaking unan
BINABASA MO ANG
A woman falls to a kotavatenyo
RomanceGrass house By: Annaturette Sino ang mas matimbang sa puso mo? Ang taong una mong minahal? O ang taong bumago sa takbo ng buhay mo? High school si Meham nung nainlove sya kay Brando, isang anak ng principal sa campus. Gwapo at malakas ang dating ng...