CHAPTER 12: The promise :-) :-( Explore @ read the next chapter

1 0 0
                                    

Tooot.... Tooot.... Tooot... Agad na dinampot ni Mehanna ang cellphone at binasa ang text. " Coming na ako." Pagkatapos binasa ni Mehanna ang text ng nobyo, nagretouch ang dalaga sa harap ng salamin.

3:00 ng hapon ng dumating si Brando sa bahay ng mag-inang Abellardo. Humalik ito sa kamay ni Mrs. Lily saka nagpaalam. Binuksan ni Brando ang pintuan ng kotse para kay Mehanna ngunit agad namang isinara ng dalaga at binuksang muli saka naunang pumasok. Napakunot noo ang binata sa kakaibang inasta ni Meham ngunit di nya na pinansin ito.

(Sa loob ng kotse)***

Dahan dahan sa pagmamaneho ang binata. Tulad ni Mehanna, tahimik sya sa oras na iyon. "Kumusta? Nakatulog ka ba ng maayos kagabi? Namumugto ang mga mata mo." -Ang binata. "Ok lang ako." Sagot ng dalaga na iniiwas ang mukha sa binata. Pagkatapos sagutin ni Meham ang tanong na iyon, wala ng imikan ang dalawa.

:-d :-(( Malungkot silang pareha, hindi kumibo ang dalaga hanggang sa lumiko na ng daan ang binata, sa ibaba ng tulay sa bandang bahagi ng malawak na ilog nya itinigil ang sasakyan.

"Kung hahalikan kita, magsasalita ka na ba?" -Ni Brando.Tinitigan ni Mehanna ng sandali ang mga mata ni Brando saka ibinalik sa dati ang tingin. Napakamot sa ulo si Brando saka bumaba sa kotse.Tinungo nito ang magandang ilog saka pinagmasdan ang magagandang tanawin, ang mga kumakantang ibon sa puno at mga maliliit na isdang walang tigil sa paglalangoy pagkatapos ay lumingon sa kotse. "Hindi man lang nya ako sinundan?" Wika nya sa sarili at pinuntahan ai Mehanna na nagpaiwan sa loob. Binuksan ang pintuan ng sasakyan at hinawakan ng mahigpit sa braso ang nobya saka kinaladkad palabas. "Bukas na ng umaga ang alis ko." Wika nya na hindi rin makatingin ng diretso. Umiyak ang dalaga. Iyak na tila ba isang batang iniwan ng ina. Malakas na boses ang pinakawalan ni Meham noon. Pinagmamasdan ni Brando ang nobya habang umiiyak ito at malihim din itong umiiyak. Maya maya tumahan sa pag iyak ang dalaga. Nilapitan sya ni Brando at niyakap ng mahigpit na mahigpit. "Babalik ako para sayo. Pangako yan Mehanna." Wika ni Brando. "Huwag kang mangako Brando dahil mas pareho tayong masasaktan kapag di mangyayari ang lahat ng iyon." -Si Meham na halos hindi na tumitigil sa pag-iyak.

"Hindi mangyayari iyon kapag duwag tayong ipaglaban ang kung anumang meron tayo Mehanna." Paliwanag ng binata habang dahan dahan nitong hinahaplos ang mukha ng dalaga. "Marami na akong nakita at nakilalang babae Mehanna, pero iba ka sa lahat kaya ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Puro at tunay." Emotional na dagdag ni Brando. " Mahal din kita Brando at sayo ko lang naramdaman to." -Si Meham. "Mangako ka na hindi ka magbabago hanggang sa pagbalik ko." Tugon ni Brando. "Pangako, hinding hindi ako magbabago at sayo lang ang puso ko Brando." Iyon ang mga pangako na gumuhit sa kanilang mga puso. Hinalikan nya ang dalaga sa bibig at binuhat. Gustong sumigaw ng dalaga ngunit di nya nagawa. Pinaghahampas nito si Brando sa dibdib at pinagkukurot ang tainga ngunit walang itong paki. "Ang ingay mo! Dyan ka na nga." Ibinaba nya si Meham at pumasok sa GRASS HOUSE. Maiging pinagmasdan ni Meham ang iba't ibang klaseng bulaklak na nakapaligid sa munting kubo na binalot ng makakapal na luntiang damo. " Wow!!! Ang ganda! Sobra." -Si Meham. Pagkatapos ay pumasok sya. "Sayo ba to? Hindi ba nakakatakot dito?" -Meham. "Pinagawa ko ang GRASS HOUSE na'to para sa ating dalawa." Ngumiti si Meham at halatang masaya sa nakita. "GRASS HOUSE?" Maiging pinagmamasdan ni Meham ang silid. Kulay blue ito, gawa sa white sand at maliliit na bato ang sahig, gawa sa kugon ang bubong, ang dingding ay gawa sa hinabing dahon ng niyog, may isang maliit na kamang gawa sa kawayan at pinatungan ng hinabing banig na gawa sa romblon, meron ding isang maliit na mesa na may mga nakapatong na mga prutas at sweets at maliit na banga na merong nakapatong na dalawang baso na gawa sa ubab., at dalawang maliliit na bangko na puro gawa sa nara ang meron sa kubo na iyon. Binuksan ni Mehanna ang maliit na banga, wine ang laman nito.

"Wow sarap ng mga to." Habang nakaupo sila sa bangkong gawa sa nara, ikinwento ni Brando kung paano nabuo ang GRASS HOUSE. "Matalik kong kaibigan ang gumawa nito." nabitiwan ni Meham ang grapes na noo'y isusubo na sana. "Si Edmar?" Hindi kumibo si Brando. " Huwag mo sabihing umuwi ng Cotabato ang pinsan mo para lang dito." Ngumiti si Brando. "Cheers!" Nag cheers ang dalawa. "Tama ako di ba?" Halos pwede nang masabitan ng basket ang nguso ni Meham. "Oh bakit? Wag mo sabihing nagseselos ka." Pang-aasar ni Brando. Ngumiti lamang ang dalaga. "Baka kung magkataon, ikaw ang magselos." Nakataas ang kilay ni Meham. Nairita si Brando kaya mabilis nyang hinalikan sa bibig ang dalaga hanggang sa dumampi ang kanyang mga labi sa tainga ni Meham sabay bulong., Mahal na mahal kita Mehanna." Sa mga oras na iyon, hindi na naaalintana ng dalawa ang mga ingay ng ibon na nagmumula sa paligid. " Mahal na mahal din kita Brando." Bumaba ang mga labi ni Brando sa leeg ni Meham, langhap na langhap nito ang mabangong katawan ng dalaga. Ang mga kamay ni Brando ay naglalaro kanyang makinis na likod at malambot na beywang. "Tama na Brando." Wika ni Meham sabay tulak sa dibdib ng binata. Lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap sa nobya at hindi nya pinansin iyon. Dahan dahan nyang pinahiga ang dalaga sa malambot na kama.


A woman falls to a kotavatenyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon