17 pa lamang si Meham. Sa murang edad, nabuntis sya ng di inaasahan, wala ring nakakalam maliban sa kanilang dalawang magkaibigan. Si Darren naman ang bago niyang kaibigan na laking U.A. E. pero dalubhasa sa Filipino dahil laking Pinas ang kanyang mom at dad. Sa States sya nag aral ng elementary hanggang high school, ngunit nag desisyon ang kanyang mga magulang na sa Maynila sya pag aaralin ng kolehiyo upang may mag ma-manage sa business at mansion na ipapamana sa kanya at para meron na ring magtataguyod sa shop. Freshman sya at Basketball player sa kanilang campus at isa sya sa mga Varsity scholar sa nasabing school.
Buwan ngJune at magtatlong buwan na ring buntis si Meham. Araw ng sabado at nagtutulong si Orgel sa kaibigan sa pagbebenta ng halo-halo. "Huh?! Talaga sai?! Himala. Anong sabi?" -Si Orgel. "Inaalam nya ang tungkol sa buhay ko. Ang sabi ko naman, wag nalang nya ako alalahanin mas mabuti nang magfocus sya sa studies." Sagot ni Meham. "Tama lang na sinabi mo yon sai." Ani Orgs. "Ang totoo, may sinabi pa sya." Patuloy ni Meham. Nakatitig si Orgel sa kaibigan, nag-aantay sa sasabihin nito ngunit hindi nya naipagpatuloy ang nais sabihin nung biglang dumating si Darren, hindi lang bagong kaibigan kundi naging suki narin ni Meham sa halo-halo. "Oh Rim..." Bati ni Meham sa binatang paparating. "Kung makatawag ka naman sa pangalan ko akala mo close na tayo. Oh Para sa'yo." -Si Darren sabay abot ang isang kahon ng chocolate. Nakangiti lamang si Meham na tinanggap ito. "Parang napapadalas na ata yan bro ahh... " Pansin ni Orgel na nakatingin sa mga mata ng kaibigan. "Bakit? Wala namang meaning ang mga yan ah at isa pa bro, hindi ako magkakagusto sa mga iniwan ng boyfriend." Taas noong tugon ni Darren. Tumalikod na lamang si Meham at nagbitiw ng malakas na buntong -hininga. "Aham... Wala naman kaming sinabi ah...kaso bro ngayon lang kita nakitang ganyan." Pang -aasar ni Orgel per yon ang totoo. "Hoy! Pangit hindi ka ba talaga magpasalamat?" - Si Darren. Umismid lang si Mehanna. "Astig to ah?" -Si Darren. Buntis at laging pagod sa trabaho si Mehanna gayunpaman, nangingibabaw parin ang maganda nitong mukha at pagiging blooming, hindi halatang nagdadalang tao ito. Hindi kumikibo si Mehanna dahil abala sya sa paggiling ng ice para sa customers. Nagulat sya nung biglang inagaw ni Darren ang ginagawa nya. "Umalis ka na nga dyan! Nakakainis ka na eh." Pasigaw na tugon ni Darren. Nairita man si Meham, wala syang imik dahil sanay na sya sa ugali nito tuwing walang pasok kasi ito ang ginagawa nya kay Mehanna. Pinagsasabihan nya ng pangit, nakakainis at kung anu-ano pang mga banat na dahilan ng minsang pag-iyak ni Mehanna. Lagi ring sinisigawan ni Meham si Darren ng
'Sobra ka pa sa antipatikong yon!.' at alam din ng binata kung sino ang tinutukoy niya, si Mr. B. " Ok ka lang ba dyan?" Tanong ni Meham habang nakatitig sa halatang nahihirapang binata sa paggawa ng halo
-halo. Hindi kumibo si Darren. "Kasi kung hindi, Ako na ang gagawa nyan." Dagdag ni Meham. Umismid lamang ang binata, ngunit nagulat si Meham nang biglang sumigaw si Darren. "Tayo! bilis! Tumayo ka sabi!" -Si Darren na mukhang galit at nagmamadali.
"Ano ba ang problema mo? Haaay! ...lagi ka nalang galit." Inis na wika ni Mehanna saka tumayo. Umupo ang binata, hindi kumikibo at tila ba walang naririnig. Maya-maya dumating ang isang magandang babae, matangkad at sexy. "Excuse me? Parang nakita ko si Darren kanina dito. Asan na sya?" Tanong ng magandang babaeng nakasuot ng mini-skirt, nakatacked-in at gamit ang mukhang mamahaling sling bag. Kilala ni Mehanna si Darren kaya kunyari hindi nya alam. "Ah nakita mo ba? Hindi ko napansin eh" Pagkukunwari ni Meham. "Sigurado ka? Baka naman tinatago mo lang sya?" Nakataas ang kilay ng babae. "Hindi malilikot ang mga babae dito kaya umalis ka na!" Matapang na tugon ni Orgel mula sa likuran ni Meham. Nanlaki ang mga mata ng babae. "Tama. Hindi ako nagkakamali andito sya." Giit nito. "Hindi porket nakita mo ako dito, andito rin ang kaibigan ko. Hinahabol mo ba sya?" Tanong ni Orgel. "Si Meham pala, girlfriend ni Darren." Dagdag nya. Nabitiwan ni Darren ang news paper na tinatakip sa mukha ngunit agad nya itong naagapan. "Hindi totoo yan, alam kong hindi magkakagusto si Darren sa isang katulad nya. Tingnan mo naman sya." Mahinahon ngunit matalim na pagkakasabi ng magandang babae. "Sai naman kasi..." Hiyang si Meham ang nagreact. "Tumahimik ka nga! Ikinakahiya mo ba ang kaibigan ko?" Wika ni Orgel na inaakbayan si Meham. "Ah syempre hindi. Hindi pwedeng ikakahiya ko si Darren dahil boyfriend ko sya." kontra-gustong sagot ni Mehanna. Agad na tumayo si Darren mula sa kinauupuan, hinawakan ang mga kamay ni Mehanna. "Tama. Girlfriend ko sya, matagal na kami kaya pwede ba Carissa...tigilan mo na ako." Tugon ni Darren. Napahiya si Carissa kaya umalis itong hindi nakapagpaalam.
BINABASA MO ANG
A woman falls to a kotavatenyo
RomanceGrass house By: Annaturette Sino ang mas matimbang sa puso mo? Ang taong una mong minahal? O ang taong bumago sa takbo ng buhay mo? High school si Meham nung nainlove sya kay Brando, isang anak ng principal sa campus. Gwapo at malakas ang dating ng...