KABANATA 12- May babae si Lahid?!

49 2 0
                                    

Lumipas ang isang buwan at nasasanay na ako sa buhay sa banwa. Ngunit sa araw-araw na pasisikatin ito ni ama ay hindi mawawala na mukha niyang pagkalapit-lapit ang bubungad sa akin bawat umaga. Walang palya!

Katulad na lamang ngayon!

“Patay ka na ba?”

Tinulak ko ang mukha niya para makabangon ako.

“Ikinalulungkot ko, ngunit hindi pa. Nagluto ka na ba ng ating almusal? Malay mo, ito na ang aking huling agahan.”

“isang buwang huling agahan mo na ito Sinagtala.”

“At isang buwang ‘patay ka na ba’ ang iyong bungad sa aking umaga, Karita.”

Matagal muna kaming nagpaligsahan ng titigan na isang buwan na rin naming ginagawa matapos ang bangayan, at katulad ng dati, mahihinto lamang kapag isa na sa amin ang tumunog ang kalamnan.

Krrr…

“Ha! Ikaw ang talo Karita. Alam mo na ang ibig sabihin niyon, ikaw muli ang maglilinis ng balay, magdadala ng mga pansigang kahoy at mag-iimbak ng tubig!”

Tuwang tuwa pang sabi ko habang nangangasim na naman ang mukha niya. Naglaho lamang iyon nang pumasok si Lahid at ang mandirigmang matalik nitong kaibigan.

“Magandang umaga Datu Lahid.” Nakangiting bati pa niya.

Napangiwi na lamang ako nang marinig kung gaano siya kagalang tuwing makikita niya ito habang pumipilantik pa ang kanyang pilik.

Parang kelan lamang naman nang magsaksakan sila, ngayon ay para na siyang maamong tupa.

Bumabait ba talaga siya sa tuwing nasasaksak? Saksakin ko rin kaya siya? Baka sakali lamang namang hindi na niya sirain ang umaga ko.

“Magandang umaga Sinagtala, ganun din sa iyo Karita.”

Maginoong pagbati rin ni Lahid.

“Oh aking tala! Tila nalimutan mo rin akong batiin, ngunit ayos lamang dahil tunay na napakarikit ng aking umaga. Lalo pa’t nasilayan ko nang muli ang iyong natatanging gandang kasing ningning ng sikat ng----“

“Nakalimutan kong mayroon pala akong kailangang kunin sa kakahuyan.”

Mabilis na nanakbo si Karita matapos putulin ang sinasabi ni Sumil, na unang pagkikita pa lamang ay naghayag na kaagad ng pagtatangi sa kanya.

Makailang beses na niya itong tinanggihan ngunit heto’t patuloy pa ring nangungulit.

Marahil kailangan ko ring madalas na papuntahin ang mandirigmang iyon ditto upang mabawasan ang paninira niya sa araw ko.

Pareho kaming natatawang naiwan ni Lahid.

Niyaya ko na siyang maupo at samahan akong mag-agahan, ngunit tumanggi siya dahil ayon sa kanya ay tapos na siyang kumain.

Sa nakalipas na mga buwan ay madalang na magawi dito si Lahid upang masigurong maayos kami, dahil na rin abala siya sa pamumuno at pagsasa-ayos ng kanyang punsod.

Naawa rin ako sa kanya dahil labis ang pagtatanggol niya sa akin nang hindi sumang-ayon ang punong babaylan na ako ay maging babaylan dahil daw isa akong dayuhan sa banwang ito, kahit pa mayroon akong natatanging kakayahan.

At dahil walang kapangyarihan ang mga datu na pakialaman ang pagtatalaga sa bagong babaylan, wala na siyang nagawa pa upang ako ay maihanay sa ganoong tungkulin.

Sayang nga lamang dahil doon ko sana matututunan kung paano tumawag ng kapwa ko diwata.

Kaya’t nang marinig ni Hara Maruha na ako ay tinanggihan ng punong babaylan ay labis ang kanyang galak dahil wala nang makakapigil sa nais niyang pag-iisang dibdib namin ni Lahid.

DIWATA: Yugto ng SumpaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon