KABANATA 2 - Tahu

175 21 1
                                    


Sa pag-lingon niya ay dumiretso kaagad ang kanyang mga mata sa aking hubad na katawan. At parang gulat na gulat na tiningnan ako.

"Bakit nakahubad ka pa rin?!" Wika ng lalaki, saka mabilis na tinakpan ang mga mata.

"Anong problema?! Naliligo ka ba nang nakadamit?! Ano bang ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok sa Liblib? Ayon kay ama at Gayang ay walang sinuman ang nakakapasok dito maliban sa aming tatlo. Kaya't sabihin mo, saan ka nagmula at ano ang iyong pakay?!"

Hindi ko pa rin inaalis ang espada kong nakatutok sa kanya.

"Bago ko sagutin ang lahat ng iyong katanungan ay magbihis ka muna!"

Ano bang problema ng lalaking ito? Eh palagi rin naman kaming naliligo ni Gayang ng sabay habang nakahubad. Nakita na rin nga ako ni ama maligo sa ilog na ito.

Hindi ba sila sabay maligo sa kanilang kaharian? O baka hindi siya isang diwata kundi isang tao na naligaw lamang sa kakahuyan?

Mayroon sigurong malaking pagkakaiba sa kaugalian ng mga diwata at mga tao.

Napakibit-balikat na lamang ako saka nagsuot ng damit.

"Oh, maaari ka nang humarap."

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang kaliwang mata saka iminulat ang isa pa, nang masigurong mayroon na akong kasuotan.

Bakit ba tila takot na takot siya sa kahubdan ko?

Wala namang problema sa katawan ko! Kung tutuusin ay napakaganda nga raw ng hulma ng aking katawan. At kumpara kay Gayang, ay higit na malaki rin ang aking dibdib. Wala rin akong kahit anong peklat na maaari niyang katakutan.

Kakaibang lalaki. Tsk tsk.

"Hindi ka dapat humaharap sa kahit sino nang nakahubad, Sinagtala."

Kilala niya ako? Idiniin ko pa ang aking espada sa kanyang leeg.

"Paano mo ako nakilala? Sino ka?!"

Tumaas ang isang sulok ng makapal at mapulang labi nito.

Wala namang kakaiba sa ginawa niya, ngunit tila mas lalong bumagay sa kanyang kayumangging balat, makapal na kilay, matangos na ilong at kulay abong mga mata na may makakapal at mapipilantik na mga pilik, ang tinuran nito.

Umiling ako upang alisin ang paghanga sa estranghero. Tanging si ama lamang dapat ang magandang lalaki para sa akin!

"Huwag kang mag-alala, wala akong balak na masama sa iyo.

"Kilala ka sa aming kaharian, dahil isa kang natatanging diwata. Nakakahinayang nga lamang na nandito ka, nakakulong sa lugar kung saan hindi mo maipamamalas ang iyong tunay na kakayahan, ang iyong buong kapangyarihan."

Pinamewangan ko siya saka tinaasan ng isang kilay.

"Isa ka ring diwata? At paano naman ako nakilala sa inyong kaharian gayong hindi naman ako lumilisan dito sa Liblib?"

"Mapupuno ng katanungan ang iyong isipan oras na sabihin ko sa iyo ang dahilan. Ngunit kung talagang nais mong malaman, magtungo ka sa lugar na ito kinabukasan sa parehong oras."

Bigla siyang nawala sa harapan ko. Napakabilis niya! Higit pa nga yatang mabilis kaysa akin!

"Siya nga pala. Munting payo. Huwag mo nang hintayin ang iyong ama. Hindi siya makakarating."

Mabilis akong napalayo sa kanya na bigla na lamang lumitaw sa likuran ko. Sa pagharap ko dito, ay wala na ito.

Sino ba ang diwatang takot sa hubad na iyon?!

Nawalan na ako ng ganang ipagpatuloy ang aking pagligo, kaya bumalik na lamang ako sa kastilyo.

Naabutan ko si Gayang na hinahanda ang maraming pagkain sa hapag para sa inaasahan naming pagdating ni ama.

Hindi nga ba talaga siya makakarating?

Mali ito, hindi ko dapat pagdudahan ang pangako niyang dadating siya tuwing kaarawan ko. Hindi pa bumabali ng kahit anong pangako si ama.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gusto ko pa ring maniwalang darating siya ngunit lumubog na ang araw ay wala pa rin siya. Pareho kaming wala pang kain ni Gayang dahil sa paghihintay na makasabay siya.

"Gayang, mauna na tayong kumain. Hindi na darating pa si ama."

Nakangiti man ako ay batid kong alam ni Gayang na ikinukubli ko lamang ang aking kalungkutan. Bagay na madalas kong gawin tuwing kaharap ko siya.

Nang matapos sa pagkain at pagligpit ay pumanhik na kaagad ako sa aking kwarto.

Sa pagpasok ko dito ay agad akong nahiga sa aking malaki at malambot na kama. Ang tanging saksi sa lahat ng aking kalungkutan at pangungulila.

"Kilala ka sa aming kaharian, dahil isa kang natatanging diwata. Nakakahinayang nga lamang na nandito ka, nakakulong sa lugar kung saan hindi mo maipamamalas ang iyong tunay na kakayahan, ang iyong buong kapangyarihan."

Matagal ko na ring itinanong iyon kaya Gayang.

Bakit hindi ako maaaring magtungo sa Kaluwalhatian kung nasaan si ama? Ngunit ang tanging sagot niya lamang sa akin ay kailangan ko munang tumuntong sa wastong edad ng mga diwata na 500 taon.

Ang sabi niya'y sa Kaluwalhatian ipinapanganak ang lahat ng diwata, ngunit pagdating ng isang taon ay kinakailangan na nitong lumisan sa Kaharian at maghintay sa pagdating ng wastong edad.

Ngunit para saan? Ano ang dapat kong gampanan habang naghihintay?

Sa malalim na pag-iisip ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Pag-gising ko ay matagal lang akong nakatulala habang nanatili pa ring nakahiga.

Mataas na ang sikat ng araw, at sigurado akong matagal na magmula nang lumipas ang sinabing oras ng paghihintay ng diwatang takot sa hubad.

Ganun pa man ay nagtungo pa rin ako. Hindi na ako nag-abala pang mag-agahan kahit pa niyayaya ako ni Gayang na samahan siyang kumain.

"Narito ka pa ba? Tahu?"

Sigaw ko nang marating ko ang ilog. Pero wala pa ring sumasagot.

Umalis na nga ba talaga siya?

"Tahu! Pag hindi ka lumabas, maghuhubad ako."

Napalingon ako sa puno ng mangga sa kanang bahagi ng ilog.

Napangisi ako.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na hindi ka dapat humaharap sa kahit sino nang nakahubad? Hindi ba itinuro yan sa iyo ng iyong ama o ni Gayang?!"

Tila kalahating tulog pang sabi nito habang kumakamot-kamot sa mahabang buhok nito na hanggang dibdib. Ngayon naman, kilala niya rin si Gayang!

"At ano naman ang tahu na sinasabi mo?"

Kinindatan ko siya.

"Takot sa hubad."

(Character Illustration para kay Tahu)

A/N: Maunawaan niyo sana kung bakit ayos lamang kay Sinagtala ang makita siyang hubad ng kahit sino considering ang type of environment na kinagisnan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


A/N: Maunawaan niyo sana kung bakit ayos lamang kay Sinagtala ang makita siyang hubad ng kahit sino considering ang type of environment na kinagisnan niya. Walang mapangabuso, walang mapanghusga at lalong walang mapanghalay na mga mata.

DIWATA: Yugto ng SumpaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon