KABANATA 1 - Sinagtala

218 22 2
                                    


Ang likurang iyon!
"Ama, sandaliiii!" Nagising ako mula sa sarili kong sigaw.

Hinawi ko ang kurtina ng malaking bintana. Napangiti ako nang Makita ang pagsikat ng araw, na para bang sinisilayan din ako ni ama.

Ngunit unti-unti ay napawi ang ngiti ko nang maalala ang aking panaginip.

Mula sa aking pagkabata hanggang ngayon, tanging likuran lang ni ama ang higit na pamilyar sa akin.

Sa pag-uusap hanggang sa kanyang pag-alis na muli ay likuran lamang niya ang nais niyang ipakita sa akin.

Nais ko siyang hagkan at sabihin ang lahat kong kasiyahan at kalungkutan... ngunit nahihiya ako.

Nalipat ang aking atensyon sa pagpasok ni Gayang, ang diwata ng pangga-gaya na kinagisnan ko na kapalit ng aking tunay na ina.

Nakaugalian na niyang hindi kumatok. Ayos lamang naman dahil kami lang naman ang narito at isa pa, pamilyar na sa akin ang kanyang presensya.

Simula nang ituro niya sa akin ang pakikiramdam ay madali ko na ding nalalaman ang kanyang kinaroroonan.

"Maligayang ika-labing walong kaarawan, Sinagtala."

Mahinhin niyang wika habang nakangiti saka niya ako niyakap.

Ang sarap sa pakiramdam ng kanyang presensya. Naiibsan ang aking kalungkutan sa kastilyong ito. Pinapahupa ng mga yakap at mahinhin niyang boses ang aking pangungulila kay ama at sa aking tunay na ina.

Bigla akong napahiwalay ng yakap sa kanya.

"Gayang! Kung ganun ay darating nang muli si ama!" Dumadalaw lamang kasi si ama tuwing kaarawan ko.

Nakangiti siyang tumango-tango na ginantihan ko ng nakakalokong ngiti.

"Gayang, tila bigla na namang kumukutitap ang iyong presensya. Tila higit kang Masaya sa pagdating ni ama kaysa akin."

"A-ano ba ang iyong sinasabi riyan! M-masaya lamang ako dahil ito'y iyong kaarawan." Tumatagaktak na ang kanyang pawis sa noo.

"Kaya ba maaga kang gumising upang maligo at maging mahalimuyak? Tila napakarami yatang rosas ang iyong pinitas sa inaalagaan kong hardin, Gayang."

Natutuwa ako lalo sa pang-aasar sa kanya lalo pa't tila nakipagpalit na siya ng kutis sa kamatis.

"Biro lamang, Gayang. Ngunit kung darating ang araw na gantihan din ni ama ang iyong damdamin, ay nasa iyo ang aking pagpapala."

"Sinag----"

"Tingin ko'y kailangan ko nang masanay na tawagin kang 'ina'."

Magsasalita pa lamang ulit sana siya ngunit mabilis na akong tumakbo palabas ng kwarto at tinungo ang malapit na ilog para maligo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pinaglaho ko ang aking suot na kulay dilaw na bestida nang hindi iyon hinuhubad. Isa ang pagpapalit ng kasuotan sa mga kapangyarihang itinuro sa akin ni Gayang na kakayahan daw ng lahat ng diwata.

Marahan ko munang dinama ang malinaw na tubig sa dulo ng aking paa. Malamig. Dahan-dahan akong lumusong saka nakangiting napapikit dahil sa ginhawa na hatid ng tubig-ilog na hanggang dibdib.

Napatigil ako sa paglalangoy nang may marinig akong kaluskos.

Mabilis kong inilibot ang aking paningin. Alam ng mga hayop dito sa Liblib na kapag mayroong naliligo sa ilog ay kailangan nilang lumayo. Ito ay utos mula sa unang nanirahan daw sa Liblib. Kaya nakasisiguro akong hindi sa hayop nagmula ang kaluskos na iyon.

"Sino ka?! Magpakita ka!" Wika ko ngunit hindi pa rin nito nilalantad ang kanyang katauhan.

Kaya naman ipinikit ko na ang aking mga mata saka pinalakas ang aking pakikiramdam, at hinanap ang presensya nito.

Tila magaling yatang magkubli ang damuho dahil sa maliit na presensyang nasasagap ko. Pero...

Huli ka.

Sa isang iglap ay nasa likuran kaagad ako nito. Nakasandal ito sa malaking puno na nakatalikod mula sa aking pinaglalanguyan.

"Sino ka, at ano ang iyong pakay rito."

Dahan-dahan siyang humarap habang nakatutok sa kanyang leeg ang aking espada na aking tinawag, sa pamamagitan din ng kapangyarihang itinuro sa akin ni Gayang.

Ayon sa kanya ay isa ito sa napakadaling kakayahan ng mga diwata.

Sa pag-lingon niya ay dumiretso kaagad ang kanyang mga mata sa aking hubad na katawan. At nanlalaki ang mga matang tiningnan ako.

"Bakit nakahubad ka pa rin?!" Wika ng lalaki.

"Anong problema?! Naliligo ka ba ng nakadamit?!"

A/N: Ito ay hindi isang SPG story. Hahahaha

DIWATA: Yugto ng SumpaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon