chapter 4:Casffer

187 18 0
                                    

Hindi ako makatulog at iniisip pa rin ang nakita kanina. Natatakot ako at mas malala pa ngayon kesa sa dati.

Ang alam ko,magpapakita lang ang mga gano'ng klase sa mga tao kapag bilang na ang mga oras nito at malapit ng mamatay ngunit sa sitwasyon ko'ng ito mukha'ng naka-plano na ang kamatayan ko matapos ko'ng makita ang grim reaper.

Hindi ko na nagawa'ng kumain ng gabihan dahil nawala na rin ako ng gana dahil sa takot,maski nga ang magpalit ng damit at pagpunta sa banyo ay hindi ko na magawa dahil makiramdam ko may nagmamasid sa'kin sa buo'ng paligid. Takot na takot ako at ramdam ko ang panlalamig ng aki'ng balat,at kahit na nasa kwarto na ako at nakabalot ng makapal na kumot habang yakap ang sarili wala pa ri'ng nangyayari.

"Ano'ng gagawin ko ngayon. Hindi maaari ang nakita ko."

Sinigurado ko na naka-lock ang pinto pati na rin ang mga bintana sa loob nito'ng kwarto para makasiguro ako na wala'ng makakapasok na sino man. Pinilit ko ang sarili ko na makatulog kahit na hindi pa ako inaantok tsaka hindi ko na rin nasagutan ang mga homework ko dahil sa takot.

Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kalamnan ko sa katawan at ramdam na ramdam at dinig na dinig ko ang malakas na pag-kabog ng aki'ng dibdib.

Dahil sa katahimikan na namumuo sa aki'ng silid narinig ko kaagad ang ihip ng hangin na imposible'ng makapasok dito sa loob kaya napapapikit ako sa loob ng kumot ko.

Pigil hininga ako habang nasa loob ng kumot habang pinakikiramdaman ang paligid. Nagsisitaasan ang balahibo at nanlalaki ang mga mata habang sumisilip sa ibang parte ng kumot kung may makikita ako pero wala naman.

1:00 am.

>___<

Napabangon kaagad ako dahil naiihi ako kaya pagka-alis ko ng kumot tagaktak ang pawis ko sa mukha,dali-dali naman ako'ng tumakbo papunta sa banyo.

Nang makaluwag-luwag na ako pumunta ako sa cabinet para makapag-palit na. Pagkatapos ay bumalik ako sa kama pero hindi pa muna ako humiga at naupo  muna saglit sa dulo ng kama ko.

Do'n ko lang ulit naalala na natatakot ako pero hindi ko naman na maramdaman 'yon.

"Tinatakot ko lang ang sarili ko."

Bumuntong hininga ako.

Gumalaw na ako dahil sayang naman ang oras kaya matutulog ulit ako pero pagka-harap ko sa higaan ko may isa'ng itim na balahibo  na naka-lapag sakto sa unan ko.

Agad ko yo'ng kinuha para suriin. Para lang ito'ng balahibo ng manok pero mas magaspa'ng ito at medyo malaki.

"Saan naman galing ang isa'ng ito?"

Do'n ko lang napagtanto ang nangyari kanina. Kinilabutan na naman ako at ramdam ko ang pagtataas ng buo ko'ng balahibo sabay nanginginig na nakahawak sa balahibo na itim.

"Nakaka-pagtaka na ang nangyayari'ng ito. Kanina lang grim reaper tapos ngayon isang balahibo ng itim na anghel?" Hindi ko alam pero 'yon ang pumasok sa isip ko. Ang weird at ang creepy pero ganito na talaga ako mag-isip,nag-iisip ako ng mga bagay na hindi naiisip ng tao katulad ng kamatayan.

Itinapon ko sa malapit na trash can ang balahibo'ng 'yon bago ako humiga ulit para matulog,nakakaramdam pa rin ako ng pagod pero siguro naman na mawawala rin ito mamaya pagkagising ko ulit.

Nanibago ako bigla ng ipikit ko ang mga mata ko kasi para'ng nakakaramdam ko ng tao dito sa loob ng kwarto at para'ng may nahahagip ng mata ko ang masyado'ng itim na usok sa gilid ko. Natatakot ako'ng buksan ang aki'ng mga mata sa maaaring bumungad sa'kin dahil alam ko'ng hindi lang ito simple at normal na tao.

Bagaman,pinilit ko pa ri'ng huwag isipin ang gusto ko'ng isipin na makita dahil mas tinatakot ko lang ang aki'ng sarili kaya mas mainam na pinagpatuloy ko ang aki'ng pagtulog.

KINABUKASAN.

Sobra'ng bigat ng katawan ko pagkabangon ko sa kama pero hindi ko alintana ang sakit at kusa'ng bumagon sa hinihigaa'ng kama. Sumagi sa isup ko ang kakaiba'ng nangyari kanina kaya napahinto ako sa pagtayo at sandali'ng pinakiramdaman ang paligid ng kwarto.

Wala nama'ng kakaiba,normal ang nangyayari ngayon pero kinikilabutan ako kaya hindi ko naiwasa'ng haplusin ang balat ko.

Bago pa ako mabaliw dito naisipan ko nalang na dumiretsyo sa cr para naman magusing na ako at huwag nalang paniwalaan ang mga nakita at naramdaman ko kagabi,baka kasi panaginip o namamalik-mata lang ako. Kailangan ko na ri'ng umalis ng maaga para sa quizes na magaganap sa iba't-iba'ng subject.

Kaya pagkatpos ko'ng maligo ay kaagad ako'ng nagpalaman ng tinapay at kape na rin dahil pakiramdam ko ay kulang ako sa tulog. Mga ila'ng munito ang nasayang ko dahil na maiinit ko'ng kape pero tama lang naman sa oras para maka-alis. Pinapanati ko kasi'ng masusunod parate ang schedule na kinawa ko at hindi naman ako sumasablay dahil hawak ko naman ang oras at nababalanse ko ito.

Matapos ang gawain ko ay kaagad na ako'ng lumabas ng condominium at naglakad papunta sa school.

Pagkarating ko do'n.

Makita ko na naman yo'ng babae na nasa ilalim ng puno at mukha'ng may tinitignan kaya mas sinuri ko s'ya. May nakita ako'ng lalaki na nasa banda'ng kaliwa ko hindi kalayuan sa'kin,naka-tayo lang s'ya at hindi gumagalaw,mukha'ng kampante naman ito at ay kung ano'ng tinitignan.

Baka naman,nakikita n'ya rin yo'ng babae na nakikita ko sa ilalim ng puno.

"Ms." Nabalik ako sa realidad ng may magsalita.

Teka,hindi ko s'ya napansin na lumakad papunta sa harapan ko ah,o kaya naman baka hindi ko lang talaga napansin dahil may iba ako'ng iniisip.

"Ms."

"Ah,a-ako ba kausap mo?" Lilingon liingon pa ako sa paligid.

"Oo,sino pa nga ba?"

"Nakikita mo rin ba s'ya?" Hindi ko napigila a tanungin s'ya dahil naku-curious ako sa babae'ng naka-silong sa puno pero wala na s'ya do'n at nawala na lang ng para'ng bula. "Yong babae."

"Ano'ng babae?"

"Ang akala ko...." nagkamali pala ako,ang akala ko talaga nakikita n'ya 'yong babae dahil sa pagkakatitig n'ya sa pwesto'ng 'yon. "Hindi pala." Tangi'ng pag-aayos ng bangs ang nagawa ko dahil sa pagkapahiya. Kailangan ko ng pumasok sa klase baka masita pa ako ng mga lecturer dito na madaanan ko.

"Kailangan ko ng pumasok. Ahm,nice meeting you..."

"Casffer."pagbabangit n'ya ng pangalan n'ya.

"Nice meeting you Casffer,see you around."

Tumango nalang s'ya na para'ng wala na sya'ng masagot kaya nagmamadali na ako'ng umalis. Mga ila'ng hakbang palang ang nagawa ko ng lingunin ko ulit s'ya.

Teka,nasaan na s'ya? Wala naman s'ya sa kaliwa at kana'ng bahagi nito'ng hallway pero ang bilis nya'ng mawala. Halla,baka naman multo rin s'ya!

Gusto ko pa sana sya'ng hanapin kaso wala na ako'ng oras na gawin 'yon,kaunti'ng minuto na lang ang natitira para maka-abot sa klase.

Habang naglalakad ng mabilis,napapa-isip ako kung tao ba si Casffer o isa'ng multo. Para maka-siguro na tao s'ya susunukan ko'ng magtanong sa guard sa harapan kung may nakita s'ya na lalaki'ng maputi,weird ang itsura,pure black ang buhok at mukha'ng anghel. Siguro naman madali'ng mai-imahine ng guard 'yon.

Dali-dali'ng pumasok ako sa room at niyaya kaagad ako ni Ann na umupo sakto'ng dumating na ang Lecture.

"Good morning HRM class,you have a new student,mr."

'Omo,buhay s'ya!'

Totoo ang isa'ng ito kaya hindi ko na kailanga'ng mag-isip kasi kita'ng kita ko naman ngayon. Magikli lang sya'ng nagsalita at naghanap na ng mauupuan eh ang bakante'ng upuan lang dito ay ang nasa likod ko.

Lumakad s'ya at ng makalagpas s'ya naamoy ko ang pabango n'ya na hindi ko maipaliwanag.

●●●●●●●●●●●

Vote here below.

Behind Me|(COMPLETED)|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon