'Shhkk,ang sakit!'
"Woohh,grabe... Ang sakit!" Ihip-ihip ko ang sugat ko habang ginagamot. Katatapos ko lang maglinis ng katawan at sobra'ng hapdi nito'ng sugat ko. Yong handkerchief na itim nilabahan ko na kaagad para maisauli ko kay Casffer bukas. Nakalimutan ko'ng mag-thank you sakaniya dahil sa hiya ng ibigay n'ya ang isa'ng paper bag. Nawala na rin s'ya matapos ng klase kaya naman talaga'ng hindi ako nakapag-pasalamat. By the way, hindi lang pala plain ang handkerchief,meron ito'ng Letter 'C' na nakasulat at bago magletter 'C' may bakat ng feather. Kinapa ko 'yon at talaga'ng sinadya ang pagkakabakat. Ang ganda rin ng tela kaya naman ng nilalabahan ko 'yon kanina maingat ko talaga'ng kunuskos baka kasi matastas mukha'ng mamahalin pa naman.
Ang sakit pa rin ng sugat ko. Kaunti nalang hindi ko na kaya'ng tiisin ang sakit. Betadine nalang naman ang kulang kaya keri na.
Bago ako matulog nagsagot muna ako ng hinework ko at nag-review. Ang sabi mas active daw ang utak sa gabi kaya naman ginagawa ko 'yon pero mas effective naman ang pare-review ng maaga,hindi ko lang alam kung bakit.
Habang nagsasagot,napapatulala ako. Kapag hihinto ako sa magsusulat at nag-iisip ng sagot bigla-bigla nalang ako'ng name-mental block tapos lilitaw mga nangyari buo'ng araw,nagkanda-gulo gulo na nga eh.
Hindi ako nakapag-concentrate dahil ginagambala ako ng mga nakita ko kanina. Naguluhan ako kung imahenasyon ko lang ba 'yon o totoo ang nangyari.
Normal lang naman ang mga nakikita ko at sa tingin ko parte 'yon ng kakayahan ko. Wala'ng bago sa mga nangyayari pero may mga oras na may weird na nagaganap.
Palalim ng palalim ang gabi. Sinubukan ko'ng uminom ng mainit na gatas para antukin pero wala talaga. Paano kung i-umpog ko yong ulo ko sa pader para mahilo ako tapos antukin,mukha'ng effective naman dahil lahi ko'ng napapanuod 'yon sa mga palabas sa tv.
Hayst,ano ba'ng naiisip ko?
Pinikit ko ang mga mata ko. Hinihintay ko'ng antukin. Habang naghihintay bigla'ng bumungad ang imahe ni Zin. Kuha'ng kuha ng imahe ang mukha n'ya,nakapa-perpekto. Ang mga ngiti n'ya sa labi na mas ikinadagdag pogi points n'ya at---- T-teka. Nawala s'ya bigla.
"Maddy!"
Huh? Teka lang. Bakit nandidito si Casffer? Nasaan na si zin?
Wait. Naka-ngiti ba s'ya?
Gosh,anghel ba ang nasa harapan ko? Bakit kung ngumiti s'ya ang gaan-gaan sa pakiramdam. Ang mga nagsisingkitan nya'ng mga mata habang malawak ang ngiti n'ya sa labi na kita'ng kita ang mapuputi nya'ng ngipin. Naiihipan ng hangin ang kulay itim nya'ng buhok na hindi pa ata nasusuklayan pero bagay sa kaniya. Omo,kumikinang ang mukha n'ya dahil sa repleksyon ng araw na tumatama sa kaniya. Napaka-perpekto'ng makita ang buo nya'ng itsura. Napaka-bagay sakaniya ng kulay itim dahil nabgingibabaw ang kaputian ng balat n'ya. Nakaka-inggit,para'ng mas maputi pa s'ya kaysa sa'kin.
Dinig ko ang yabag n'ya. Papalapit s'ya sa'kin. Kinakabahan ako sa mga tingin n'ya. Bakit para'ng nakakatakot ang mga mata nya'ng matatalim kung tumingin sa'kin?
Hindi na ako natutuwa ng mawala ang maluwang at nakakasilaw na ngiti n'ya,napalitan 'yon ng ngisi,nagdilim ang awra n'ya. Nababalitan ng napaka-bigat na nararamdaman.
Paglapit n'ya. Dalawa'ng kamay ang humawak sa balikat ko. Kung ano man ang gagawin n'ya sana naman malaman ko ang dahilan. Hindi ako makagalaw,nahihirapan ako. Gusto ko'ng magsalita pero wala'ng lumalabas na boses sa bibig ko.
"Smile is the key to hide your darkest secrets."
Muli'ng bumalik ang ngiti n'ya. Para sya'ng psychopath. Hindi ko maintindihan.'Ano'ng sinasabi mo? Casffer... Casffer... Huwag mo ako'ng iwan dito.... Hindi ako maka... Galaw.'
BINABASA MO ANG
Behind Me|(COMPLETED)|
ParanormalIsa lamang simpleng dalaga si Maddy. Nagpakalayu-layo siya para mahanap ang katahimika'ng inasam niya ngunit papaano niya magagawa 'yon kung ang tinatakasan niya ay parating nakasunod sa kaniya. Sa pagdating niya sa isa'ng lugar na satingin niya ay...