Pamilya. Iba-iba'ng depinasyon man ang sabihin natin iisa lang ang ibigsabihin. Ito ay binubuo ng nanay,tatay at anak. Ang pamilya ay sya'ng gumagabay,nagtuturo ng mga mabubuti'ng asal,nagbibigay ng pangangailangan at nagmamahal ng wala'ng kapalit. Isa ito'ng pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa,kabutihang loob at paggalang o pag-sunod, kadugo man o hindi. Dito nabubuo ang bagay na mahalaga sa atin,ang ating ambisyon at mga pangarap.
Matagal na panahon ng nakalilipas ng mangyari ang nakakikilabot na pangyayari sa isa'ng pamilya. Masasabi'ng perpekto ang pamilya'ng ito dahil lumaki ng marangya at matalino ang mga anak nila,may maganda at permanente'ng trabaho ang mga magulang pero masasabi ba nila'ng perpekto rin ang pagpapalaki nila sa mga anak nila? Sa lahat ng oras mas kailangan ng mga anak ang matindi'ng pag-iintindi at pangunawa,hindi lamang sa anak kung hindi sa lahat ng bata dahil hindi pa nila alam kung ano ang tama sa mali. Kung hindi gagawin ng mga magulang o ng mas nakakatanda na ipaintindi ng maayos sa mga bata ang mga bagay-bagay maliligaw sila ng landas na pagsisi-sihan nila balang araw.
"Tita...." isa'ng dalaga ang pumukaw ng aki'ng atensiyon. Nababalutan ako ng isa'ng balabal sa mukha ng lingunin ko s'ya.
"K-kamusta s'ya?" Hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito ang mga nangyayari. Kinamumuhian ko ng lubos ang sarili ko.
"Ang sabi ng doctor malala na daw ang sitwasyon n'ya. Hindi na po kaya ng mga gamot na gamutin ang mga sakit n'ya." Bakas ang kalungkutan sa mukha n'ya. Napa-luha ako. Hindi ko kayang nahihirapan ng sobra ang anak ko. Bata pa s'ya at dapat nasa paaralan lang s'ya at nag-aaral,ano ba'ng klase'ng ina ako!
"Huhuhu,wala ako'ng kwenta'ng ina!"
"Tita,huwag nyo'ng sisihin ang sarili n'yo. Wala'ng may gusto sa nangyari." Usal ni Ann. Wala nga ba'ng dapay sisihin? Kung alam ko lang noo'ng mga araw na 'yon. Mas pinagtuonan ko si Maggie ng pasin kaysa kay Maddy. Ang akala ko mas ma-tatag si Maggie kaysa sa kambak n'ya pero nagkamali kami. Hindi ko pinansin ang pananahimik at mga emosyon ng anak ko. Natatakot ako'ng isipin na hindi tama ang tumatakbo sa utak n'ya hanggang sa malaman ko ang mga ginawa n'ya na hindi dapat ginagawa ng sino man. Wala'ng nagturo kung papaano s'ya manakit. Matalino s'ya kaya kung anu-ano ng nasa isip n'ya. Iyo'ng mga araw na 'yon ang nasa isip n'ya lang ay binabastos ako ng isa'ng babae kaya nagawa n'ya ito'ng masaksak dahil lang sa pag-aalala at pagtataggol sa'kin.
Iyo'ng gabi'ng dapat na mas pinagtuonan ko s'ya ng pansin ay hindi ko man nagawa dahil kay maddy,hanggang sa gumulo na ang lahat. Wala na ako'ng maintindihan. Nasasaktan ako ng sobra ng makita ko si Maggie na may buhat buhat na kumukulong kaldero. Sobra'ng natakot ako na baka mapaso o masaktan s'ya pero ng makita ako mga tingin n'ya sa kambal n'ya kinilabutan ako. Labis na galit at pagkainggit ang nakikita ko sa mga mata n'ya. At nang gabi na 'yon sana tiniis ko ang napaka-hapdi'ng pakiramdam para mailigtas man lang ang mag-ama ko sa anak ko na hindi alam ang ginagawa. Nailigtas ko man si Maddy sa kumukulo'ng tubig ngunit hindi pa doon nagtapos ang lahat. Sa sobra'ng sakit na nararamdaman ko sa aki'ng balat hindi ko namalaya'ng sinasaksak na ang mag-ama ko.
Nagtago ako ng ila'ng taon at pinagmamasdan ko lang s'ya sa malayo habang lumalaki. Nalaman ko ang sakit n'ya noo'ng sampo'ng taon pala'ng s'ya. Hindi ako makapaniwala na may bi-polar dIsorder s'ya at meron rin sya'ng schizophrenia kung tawagin. Ang dalawa'ng sakit na ito ay sakit sa pag-iisip. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nangyari sa kaniya ito.
Hanggang sa ma-aksidente sila. Gusto ko sya'ng puntahan pero hindi pwede lalo na nang malaman ko'ng may amnesia s'ya. Hindi ba't mas mabuti 'yon at hindi naman n'ya ako makikilala pero ang ikinakatakot ko. Napaka-talino n'ya at kapag nakita n'ya ako mabilis nya'ng maalala ang lahat.
Hindi rin ako nakapaniwala na ang kaibigan nila'ng si yuhan ay napatay n'ya lalo na ang estudyante sa paaralan nila na nagtuturo ng piano sakanila.
BINABASA MO ANG
Behind Me|(COMPLETED)|
ParanormalIsa lamang simpleng dalaga si Maddy. Nagpakalayu-layo siya para mahanap ang katahimika'ng inasam niya ngunit papaano niya magagawa 'yon kung ang tinatakasan niya ay parating nakasunod sa kaniya. Sa pagdating niya sa isa'ng lugar na satingin niya ay...