"Mga pasaway."Malamig na boses ang nagpatigil at napatingin sa nagsalita.
Gosh. Sabi ko na nga ba!
Napahinto ako sa pag-hinga. Tumahimik ang lahat,malakas na hangin rin ang sumalubo'ng sa lahat.
Hindi na ako magugulat na nakikita n'ya kung ano ang nakikita ko ang hindi ko inaasahan ay s'ya ang pumunta dito para tulungan ako. Mabigat pa rin ang nararamdaman ko,patuloy sa pag-hikbi na wala'ng tunog at wala'ng tigil sa pagtulo ng luha sa pisngi ko. 'S-salamat.'
Naka-pamulsa lang s'ya habang tinitignan ako. Oo ako. Ano ba'ng ginagawa n'ya? Hindi ba,nakikita n'ya ang mga multo bakit ako?
0___0??
Wala na. Wala na sila?
Na-istatwa ako. Hindi ako makapaniwala,wala na sila,wala ng mga multo na hinihila ako papasok sa cr. Whaaahh ligtas na ako,salamat naman!
"Hindi ka dapat pumunta dito. Ngayo'ng alam mo na,ano'ng gagawin mo?"
Wala'ng kurapa'ng tumingin ako sa mga mata n'ya. Pati ang lense ng mata n'ya kulay itim,kita'ng kita ko ang posisyon ng tayo n'ya sa harapan ko,naka-pamulsa pa rin s'ya. Hindi ko alam pero namamangha ako sa posisyon n'ya at awra n'ya habang nakatungo'ng nakatingin rin pala sa'kin. Humahangin pero hindi na katulad kanina,gusto ko'ng maiyak dahil sa nararamdaman ngayon na ligtas na ako dahil sakaniya.
"C-casffer." Naluluha na naman ako. Umiyak ako na para'ng bata'ng naka-kita ng sugat sa tuhod at tinawag ang pangalan n'ya para tulungan ako.
'Huhuhuhu!'
"It's okay." Tinungkod n'ya ang tuhod n'ya sa lupa tapos hinaplos ang ulo ko ng marahan. Mas naiyak ako sa ginagawa n'ya. Gusto ko'ng paluin yong kamay n'ya sa ulo ko pero hindi ko magawa,ang sarap pala sa pakiramdam ng may naghahaplos sa ulo mo lalo na kapag-lalaki maiisip mo'ng ligtas ka at magiging okay ang lahat kapag ganito.
May kinuha s'ya sa bulsa n'ya at nakita ko ang itim na handkerchief. Gusto ko'ng matawa na ewan dahil lahat ng gamit n'ya black.
Ang akala ko ipupunas n'ya yon sa luha ko pero nagkamali ako. Inalis n'ya ang kamay n'ya sa ulo ko na ikina-simangot ko ng kaunti. Nabaling ang tingin ko sa tuhod ko,naramdaman ko nalang na marahan n'ya iyo'ng inangat at itinali ang handkerchiefn'ya sa sugat ko para takpan.
Inalalayan n'ya ako'ng tumayo. Tinignan ko ang mga reaksyon ng mukha n'ya tapos napataas ako ng isa'ng kilay pero palihim. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa uniform n'ya ng maramdaman ko yo'ng hapdi ng sugat ko lalo na sumasayad yo'ng handkerchief n'ya ng madiin.
Para'ng sinasabi n'ya na 'wag ako'ng masyado'ng malapit sa kaniya.'
Hanggang sa makatayo ako. Doon n'ya ako binitawan pero naka-kapit pa rin ako sakaniya ng maramdaman ko'ng mawawalan ako ng balanse.
"Ano'ng ginagawa mo?" Tanong n'ya.
Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa ko,ang alam ko lang mawawalan ako ng balanse. Hindi ko na nga alam kung bakit napunta yong isa ko'ng kamay sa batok n'ya. Gosh,ayaw ko'ng mag-isip pero yong posisyon namin para'ng magki-kiss kami.
>___<
"S-sandali lang.... Hindi kasi ako makatayo ng maayos... P-pwede 'wag ka muna'ng gumalaw?" Nahihiya'ng sabi ko.
Napipilitan naman sya'ng tumango tapos lumalayo yong ulo n'ya. Para'ng humahaba yo'ng leeg n'ya huwag lang makalapit sa mukha ko.
Napapa-isip tuloy ako kung ano'ng klase'ng boyfriend s'ya kung sakali'ng may girlfriend s'ya. Ang tanong ay girlfriend kaya s'ya kaya ganito nalang s'ya kung umasta?
BINABASA MO ANG
Behind Me|(COMPLETED)|
ParanormalIsa lamang simpleng dalaga si Maddy. Nagpakalayu-layo siya para mahanap ang katahimika'ng inasam niya ngunit papaano niya magagawa 'yon kung ang tinatakasan niya ay parating nakasunod sa kaniya. Sa pagdating niya sa isa'ng lugar na satingin niya ay...