Maddy's Pov:
Palakad na ako papasok sa eskwelahan. Malamig ang simoy ng hangin ngayo'ng umaga at tila uulan mamaya,buti nalang at dala ko ang payong na aki'ng binili noo'ng mga nakara'ng araw lang siguro ay lima'ng araw na ang nakalilipas.
Marami ako'ng kasabay na mga estudyante na papasok dahil kapareha ko sila ng suot. Ngayon kasi ang una'ng pasok ko sa bago ko'ng papasuka'ng paaralan,ang totoo kalilipat ko lang dito at oo mag-isa lang ako'ng naninirahan ngayon sa isa'ng unit.
Malapit lang naman ang eskwelahan kaya nilakad ko nalang dahil sayang naman ang pera'ng ipapamasahe ko.
"Hoy freshman!"sigaw ng isa'ng lalaki na nakatayo sa tabi ng gate. Luminga-linga ako.
"Oo ikaw,lumapit ka dito."sabi n'ya kaya ng malaman ko'ng ako nga ang tinatawag n'ya nagmadali ako'ng lumapit sa kanya.
"B-bakit?"tanong ko.
"Bago ka lang dito?" Tanong n'ya. Paninigurado niya.
"Oo eh."
"Halata naman."tapos ngumiti s'ya at itinuro ang ribbon na suot ko.
>__<
"Hindi orange ang ribon dito sa school kun'di asul."aabi nito.
Nahiya naman ako sakanya dahil sa mali'ng nasuot ko. Dahil sa kaba at pagmamadali ko para makapasok nakalimutan ko'ng college na pala ako at hindi na high school. Nakakahiya talaga ang una'ng araw ko.
"P-pasensya na,t-tatangalin ko nalang."akma'ng tatangalin ko na kaso pinigilan n'ya ang kamay ko kaya napatingin ako.
"It's okay. Bukas siguraduhin mo'ng hindi na 'yan ang suot mo'ng ribbon."nakangiti'ng paalala n'ya.
"S-sige,salamat."
Binitawan n'ya na ang kamay ko kaya naibaba ko na ang akin.
"Ako nga pala si Zin Falcon, ang president ng council."sabi nito at nilahad ang kamay n'ya sa harap ko na tinimgnan ko naman. Ang puti ng kamay n'ya tapos ang palad n'ya ay mamula-mula,nakakahiya'ng hawakan.
"A-ako si Maddy Durson."pagpapakilala ko tapos inabot ang kamay n'ya na sobra'ng lambot.
"Nice to meet you."
"Me too."
Nagbitaw na ang mga kamay namin tapos nagsabay na kami'ng maglakad.
"Ano'ng spelling ng Surname mo?"
"Ah,ang spelling n'yon ay Durson pero ang basa ay Dursan."
"I see,what program you are?"
"A-ah HRM,ikaw?"
"I'm first year too and future engineer."
Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. Pangarap ko'ng magkaroon ng asawa'ng engineer mukha'ng magkaka-totoo na yiehh!!!
"What's that face?"
"W-wala,nakakamangha lang dahil future engineer ang nakaka-usap ko ngayon."anas ko. Ngumiti s'ya sa'kin kaya ngumiti rin ako.
0__0
"Why?"
"W-wala."utal na sabi ko. Nawala kasi kaagad ang ngiti ko ng may makita ako'ng babae'ng naka-uniform sa ilalim ng puno,nakaharap s'ya sa amin pero hindi ko alam kung sa amin naka-tingin dahil naka-shades ito ng kulay itim,bigla'ng kinabahan at kinilabutan ako sa nakita ko ngayon-ngayon lang.
"Para'ng naka-kita ka ng multo."
"H-huh.H-hindi,hindi naman totoo 'yon." Pagku-konwari ko.
Binalik ko ang tingin sa babae pero wala na s'ya kaya mas kinabahan ako. Ayaw ko ng maulit muli ang nangyari sa'kin noo'ng high school.
"Oo nga,hindi pala totoo ang multo."
Kung alam lang nito'ng tao'ng 'toh ang nasa paligid n'ya.
Hindi na naging kumportable ang sarili ko ng makapasok kami sa building. Sa pag-akyat ko palang ng hagdanan ay para'ng may humihila na sa mga paa ko para hindi maka-akyat sa taas,nanghihina rin ako kapag hinahakbang ko ang aki'ng mga paa.
"Ayos ka lang ba? Para'ng hirap na hirap ka sa pag-akyat."
"Ayos lang ako,hindi lang maganda ang pakiramdam ko."anas ko sakanya.
"May sakit ka ba?"
"Wala,wala."
Inalis ko sakanya ang tingin ko at dahan-daha'ng tumingin sa paanan ko.
Sabi ko na nga ba at may naka-hawak na naman sa paanan ko kaya ganito kabigat ang pag-hakbang ko. Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko na hahayaa'ng pangunahan ako ng takot,lalo na ngayon na nasa bago ako'ng eskwelahan at wala'ng nakaka-alam tungkol sa'kin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi iniisip ang naka-kapit sa paa ko kaya ng makatungtong ako sa second floor sobra'ng gaan na ng paglalakad ko,nakasabay rin ako sa kasama ko'ng lalaki.
"Dito na ang room ko,kita kits nalang mamaya'ng break."sabi nito bago buksan ang pinto.
"Sige." Sagot ko.
Bago pa n'ya maisara ang pinto nakita ko na naman ang babae'ng nakita ko kanina sa labas,nilagpasan lang ito Zin at tumagos lang ito. Inalis ko ang tingin sa babae'ng 'yon na para'ng wala'ng nakita.
Hinanap ko ang HRM room at ng mahanap ko bahagya'ng bubuksan ko ang pinto ng kusa ito'ng bumukas at bumungad sa'kin ang mga estudyante na naka-tingin sa'kin,naka-angat ang kamay ko na dapat ay gagamitin ko sa pagbukas.
"You are a new student, right?"tanong ng isa'ng babae na blonde ang buhok,tumango naman ako bilang sagot bago lumakad papasok at sinara ang pinto. Humanap ako ng upuan na bakante at sa pinaka-dulo lang ang nakita ko'ng wala'ng naka-upo.
"Bakit ang layo mo naman ata,dito ka sa tabi ko."sabi ng isa'ng babae na straight naman ang buhok pero may kulay na brown.
"M-may naka-upo d'yan."sabi ko sakanya. Tinuturo n'ya kasi ang katabi nya'ng upuan pero may naka-upo naman na,hindi ito nakatingin sa'kin at sa harapan lang ang tingin hanggang sa dahan-dahan ito'ng napalingon sa'kin at napapalunok ako dahil ngayon ko lang napagtanto na isa 'yong multo dahil ang ulo n'ya ay umikot hanggang sa likod n'ya.
Lunok*
"Wala naman ah." Sabi n'ya kaya sakanya ako tumingin kahit na nahahagip ng mata ko ang babae'ng nakatingin pa rin sa'kin,bigla'ng bumalik ang ulo n'ya sa harapan tapos tumayo at naglakad papalabas hindi ko maiwasa'ng sundan s'ya ng tingin.
"Dali,halika dito."tawag na naman n'ya sa'kin kaya lumapit na ako.
Pagkaupo ko,nilapit n'ya kaagad ang mukha n'ya sa'kin.
"Una'ng kita ko palang sa'yo sa pinto alam ko'ng weird ka at may tinatago."diretsyo'ng sabi n'ya kaya napapalunok na naman ako. "Pero,wag mo nalang ako'ng pansinin kasi minsan wala lang ako'ng magawa at masabi,hehehehe"sabi n'ya kaya huminga ako ng malalim at buga.
"Ako nga pala si Ann,ikaw?"
"Maddy."
"Ok,starting today we're friends."sabi n'ya tapos pinulupot ang kamay n'ya sa braso ko.
Hiindi ko pa rin alam kung papaano ko malalaman kung isa'ng kaluluwa na ang nakikita at nakakausap ko. Dito ako napapasubo eh dahil hindi ko alam kung papaano sila iiwasan.
Nagsimula ang klase at sinusubukan ko'ng intindihin ang sinasabi ng guro sa harapan,hindi ko rin maiwasa'ng tumingin sa paligid dahil nagsisitaasan ang balahibo ko. Para'ng may naka-tingin sa'kin sa kung saan.
●●●●●●●●
Hello their. Please
Vote and comment on this chapter.My first paranormal story,hope you like it.
<3<3<3Love lots.
BINABASA MO ANG
Behind Me|(COMPLETED)|
ParanormalIsa lamang simpleng dalaga si Maddy. Nagpakalayu-layo siya para mahanap ang katahimika'ng inasam niya ngunit papaano niya magagawa 'yon kung ang tinatakasan niya ay parating nakasunod sa kaniya. Sa pagdating niya sa isa'ng lugar na satingin niya ay...