Chapter 9: Savior

152 8 0
                                    

Ila'ng sigundo pa ang nakalipas. Humihina at lumalakas ang tunog. Pilit ko'ng hindi pinansin 'yon hanggang sa makatapat ako sa ilaw at doon huminto.

Tap**tap**tap**

Bumagal naman ang paglalakad nito hanggang sa wala na ako'ng marinig. Pakiramdam ko ligtas ako dito sa liwanag at wala ako sa dilim pero....

Tap*tap*tap*tap*tap*

Teka, ayon na naman ang tunog. Tumatakbo s'ya kaya naman natigilan na naman ako.

Sa kinatatayuan ko ngayon na may liwanag ang kanina'ng pakiramdam na ligtas ako ay ngayo'ng dahilan ng ikapapahamak ko. Ano ng gagawin ko ngayon. Wala ako'ng makita sa paligid dahil sa liwanag sa itaas. Ang buo'ng paligid ko ay nababalutan ng kulay itim at kahit isa wala ako'ng makita'ng liwanag,pakiramdam ko ngayon marami'ng naka-tingin sa'kin sa buo'ng parte ng madilim na kapaligiran.

Lunok**

'Ano ng gagawin ko ngayon.'

Wala ako'ng ligtas na mapupuntahan ngayon dahil kahit saan ako magpunta palagi'ng may nakasunod sa akin. Mayroon sa harapan ko sa magkabilang gilid ko at higit sa lahat sa likod ko,para'ng may papatay sa'kin mula sa likod at hindi ko 'yon kaagad makikita.

Bakit ngayon pa lumkas ang hangin,nakadagdag tuloy sa kaba'bg nararamdaman ko at mas tumaas ang balahibo ko sa katawan.

"S-sino'ng n-nandyan?" Wala man ako'ng makita sa paligid pilit ako'ng nagsalita,baka may tao sa paligid.

Pero,wala'ng nagsalita.

Lakasan mo ang loob mo Maddy,kahit ano'ng mangyari huwag ka'ng sisigaw o gagawa ng ingay.

Teka lang,may natatanaw ako sa malayo pero bakit lumulutang?

0____0

'Omo!'

>____<

Sweshhh***

Sa sobra'ng takot napapikit ako at hinarang ng kamay ko ang mukha ko. Kita'ng kita ko ang lumulutang na itim na tela'ng mabilis na sumalubo'ng sa'kin. Sobra'ng lakas na hangin ang naramdaman ko pagkatapos.

Shweshh.....shweshh.....

May mga bumubulong sa hangin pero hindi ko maintindihan. Sobra'ng sabi nila'ng naka-palibot sa'kin at takot na takot na ako.

Ayaw ko na ng ganito,napapagod na ako'ng matakot at tumakbo habang may bahid ng luha sa mga mata pero ano pa nga ba'ng magagawa ko,ito ang kapalaran ko at hindi ko ito matatakasan.

Sniff**sniff**

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa dumadaloy na luha sa mga mata ko. Kahit ano'ng gawin ko'ng pagpunas ay may panibago'ng luha na haharang sa paningin ko. Nilalamig ako kaya naman niyakap ko ang sarili ko. Iniisip ko kung makakauwi pa ba ako kung ganito ang sitwasyon ko. Hindi ako makalakad dahil natatakot ako,sino'ng tao ang tutulong sa'kin sa ganito'ng sitwasyon,sobra'ng gabi na rin at baka wala ng tao'ng nasa labas. Kung dito nalang kaya ako matulog?

Yong mga luha ko sa mata,hindi ko na mapunasan. Pagod na rin ako dahil sa trabaho at dumagdag pa ito kaya naman inaantok na ako. Mas mabuti pa nga ata'ng matulog nalang ako dito sa tabing kalsada.

Nakaramdam ako ng init kaya naman naging komportable ako. Hindi ko na nagawa'ng tignan at malaman kung ano 'yon dahil sobra'ng komportable ako.

Zzzzzzz.......

KRING!!!!! KRING!!!!

BLAG**

>_____<

"T-teka,a-ano 'yon?"

Behind Me|(COMPLETED)|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon