Dear Diary,
Ako si Maggie. Sinulat ko ito kasi sobra'ng naiinis ako kila mama at papa lalo na sa kakambal ko'ng si Maddy. Parati nalang kasi sya'ng papansin kila mama. Alam mo diary,kanina si Maddy ang naghati ng food namin na pancake ibinigay n'ya sakin yong maliit na hati tapos s'ya malaki. Kaya pinalo ko yong kamay n'ya ng tinidor. Buti nga sakaniya at umiyak s'ya.Kanina sa school may ate na nagtuturo ng piano. Tuwa'ng tuwa s'ya kay Maddy kasi magaling daw s'ya sa piano. Ako rin naman magaling pero hindi n'ya ako sinabihan very good. Naiinis ako sakaniya,balang araw makakaganti rin ako sa ginawa n'ya sa'kin.
Naiinis na talaga ako kay ate teacher kaya naman ng pumunta s'ya sa likod ng school sinundan ko s'ya. Nakita ko nagtatapon s'ya ng basura sa malaking butas kaya naman natawa ako sa naisip ko. Tinulak ko s'ya kaya naman nahulog s'ya. Tumakbo ako ng mabilis para hindi n'ya ako makita.
Ako ang pinaka-magaling tumugtog ng guitar sa room namin sobra'ng saya ko pero ng malaman ko'ng top 1 ang isa nami'ng kaklase sinabunutan ko s'ya. Dapat ako rin ang top 1 kasi matalino ako sabi ni mama pati na rin si papa kaya dapat ako ang top 1 lagi.
May naka-away ako kanina sa park isa'ng bata'ng lalaki. Binato n'ya kasi sa'kin yong bola kaya naman binato ko rin yong bola pero hindi tumama kaya naman kumuha ako ng malaki'ng bato tapos yon yong pinang-bato ko tapos tumama yon sa ulo n'ya. Mabilis ako'ng tumakbo papauwi. Nalaman ko'ng nasundan pala nila ako kaya sinigaw sigawan ng babae si mama. Sa sobra'ng inis ko sinundan ko sila papauwi sa bahay nila may dala ako'ng kutsilyo na laruan. Nakita kasi si mama na hinahasa yong kutsilyo kaya naman gano'n rin ang ginawa ko sa kutsilyo ko. Pagkatok ko sa pinto nila binuksan 'yon ng mama no'ng bata kaya sinaksak ko s'ya. Sobra'ng dami'ng dugo ang nasa laruan ko at sa kamay ko. Tumakbo ako papalayo at nag-hugas ng kamay sa likod ng bahay. Tiningnan ko ulit yong laruan ko'ng kutsilyo,ang akala ko hindi iyon totoo.
May pumunta sa bahay na mga pulis hinahanap ako. Wala si Maddy kaya naman nagpanggap ako'ng s'ya. Umalis kaagad sila at hinarap ako ni mama. Sobra'ng sakit ng palo n'ya sa pwet ko kaya naiyak ako. Bakit n'ya ako pinapalo?sinave ko naman s'ya do'n sa bad na babae kasi sinisigawan s'ya. Sobra'ng sakit ng pwet ko pagkatapos n'ya ako'ng paluin.
Huwag ka'ng maingay. Naitulak ko si yuhan sa obstacle. Duguan ang ulo n'ya at umiiyak naman si Maddy. Naiinis talaga ako sakaniya bakit kasi hindi nalang s'ya 'yong namatay. Atsyaka ang sabi n'ya saakin ako lang ang best friend n'ya eh bakit n'ya tinatawag na best friend si yuhan. Ang sabi ko sakaniya layuan n'ya si yuhan kasi gusto ko s'ya pero hindi n'ya nilayuan pero okay lang naman kasi patay na si yuhan.
Ang sabi ng doctor kay mama sa edad ko daw na 10 years old may depression na daw ako. Hindi ko alam kung ano 'yon at ano'ng pakiramdam no'n pero hindi ako kinakabahan kasi malakas ako at matapang kaya kaya ko'ng talunin si Maddy sa kahit ano. Kapag naiisip ko na ako lagi ang panalo natatawa ako tapos minsan nalulungkot. Gusto ko kasi paglaki ko maging artista. Ang sabi ni mama huwag ko daw uugaliin ang gano'n dahil daw baka masanay ako pero hindi ko na naalis ang gano'n. Kapag nabo-bored ako sinugupit ko ang mga stuff toy ni Maddy kaya umiiyak s'ya kaya natatawa naman ako.
Nauna ako'ng nakapunta sa music room. Wala pa dito si ate teacher at ang iba'ng tinuturuan n'ya. May narinig ako'ng maingay na lakad kaya naman nagtago ako sa cabinet. Sobra'ng init dito at hindi na ako naka-hinga ng maayos kaya binuksan ko ng kaunti yong pinto ng cabinet. Naririnig ko ang dalawa'ng bata. Ang galing tumugtog no'n lalaki kaya pinuri s'ya ni ate teacher super nainis ako no'n kaya ng makalabas yong dalawa'ng bata nagsalita si ate teacher. Ang yabang n'ya at ang arte-arte. May nakita ako'ng cutter sa loob ng cabinet kaya tinago ko 'yon sa bulsa ng palda ko. Dalawa'ng bata ang naririnig ko'ng boses tapos narinig ko sila'ng lumabas ng pinto ang akala ko hindi ako makikita ni ate teacher dito pero nagsalita s'ya kaya lumabas ako. Naiinis talaga ako sakanya,lahat ng students n'ya favorite n'ya at ako lang ang hindi. Minsan sinabi n'ya na ang pinaka-magaling na student n'ya ay si Maddy kaya nainis ako. Ayaw n'ya sa'kin kaya super ayaw ko rin sakaniya. Nagsimula na naman sya'ng inisin ako. Kaya lang naman mabigat ang pag-press ko sa tiles kasi galit ako sakaniya. Tumugtog s'ya kaya ngumiti ako habang kumukuha ng upuan para tumabi sakaniya. Sa sobra'ng tuwa ko napapalakas ang pag-untog ko ng ulo n'ya sa board ng piano. Tama lang sakaniya ang ganito. Magaling siya'ng tumugtog,pinanganak daw s'ya ang una'ng tinuro ay mag-piano kaya bago s'ya mamatay tutugtog rin s'ya ng piano. Ang saya-saya ko habang ginagawa ko ito. Para ako'ng nakikinig ng music habang tumutugtog ang piano at sumisigaw s'ya. Ang sakit ng tulak n'ya sa'kin kaya nasugatan ako. Babawian ko s'ya kaya nilabas ko ang cutter. Ako ang pinaka-magaling sa pagpa-piano at wala ng iba hindi ba ate teacher? Ako ang number 1 sa lahat. Marami'ng dugo ang lumabas sa mga mata n'ya pagka-hugot ko ng cutter. Wala na si ate teacher,wala nang magpapahiya sa'kin, ako ang pinaka-magaling sa lahat. Tinanggal ko ang uniform ko. Nagpalit ako. Nagtagumpay ang lahat ng plano ko. Ako ang pinaka-matalino at wala'ng dapat na tumalo sa'kin wala ni isa lalo'ng lalo na si Maddy. Lumabas ako ng malinis dala ang bagpack ko.
Nainis ako. Ako ang pinaka marami'ng medal at award kaysa kay Maddy pero s'ya na naman ang pinupuro. Hindi ba dapat ako kasi ako ang pinaka-matalino nila'ng anak at hindi si Maddy. Average lang naman s'ya. Naiinis na talaga ako sakanila. Si mama at papa hindi man nila ako yakapin katulad ng ginagawa nila kay Maddy. Ano ba'ng dapat ko'ng gawin para sa'kin naman nila ibaling ang atensyon nila. Tinawag ako ni papa kaya tumakbo ako para yakapin s'ya. Gusto ko ako lang ang love nila. Ang sabi ni papa proud na proud s'ya sa'kin,masuwerte s'ya dahil may anak siya'ng matalino. Kiniss n'ya ako sa dalawa'ng pisngi kaya ang saya-saya ko gano'n din ang ginawa sa'kin ni mama kaya naiwan sa likod si Maddy. Mabuti nga sakanya,pero hindi s'ya naka-simangot masaya s'ya habang naka-tingin sa'min. Naiinggit s'ya kahit hindi n'ya ipakita,mamaya aawayin n'ya ako dahil inigaw ko si mama at papa sakaniya. Umuwi kami sa bahay ng very happy. Naglaro kami'ng lahat pero lahat ng gusto ko'ng laruin gusto rin ni Maddy kaya binibigay 'yon ni mama at papa. Nalungkot ako no'n kaya sumilip ako sa bintana. Patay-sindi ang ilaw sa labas tinawag ko si papa pero hindi n'ya ako pinansin,naglalaro pa daw sila ni Maddy gano'n rin si mama. Nagalit na naman ako,hindi nila ako pinapansin,hindi nila ako love. Lagi nalang kay Maddy,si Maddy nalang palagi. Gusto ko sila'ng kalaro pero si Maddy na naman ang gusto nila. Pumunta ako sa kusina,nagluluto si mama ng gabihan. Pinatay ko ang niluluto at nagpotholder. Nagpatay patay sindi ang ilaw. Gaganti ako kay Maddy. Pinigilan ako ni mama pero hindi n'ya ako mahawakan dahil mainit ang hawak ko. Ibubuhos ko ito kay Maddy lahat ng ito kasalanan n'ya. Umiiyak si Maddy habang tinitignan ako. Masaya ako'ng nakikita'ng malungkot ang kakambal ko. Tama lang 'yon dapat ako ang masaya at hindi lagi'ng s'ya. Binuhos ko 'yon sakaniya pero si mama ang nagsisi-sigaw dahil sa init. Nabitawan ko ang wala'ng laman na lutuan. Lumapit si papa kay mama. Red na ang balat ni mama pati ang kalahati nito'ng mukha na hindi n'ya mahawakan dahil sa paso. Tumakbo ako sa kusina at kinuha ang knife ni mama sa table. Mabilis ako'ng lumabit kay Maddy para saksakin s'ya. Sumigaw si papa at pinigilan n'ya ako. Umiiyak sila pero masaya naman ako habang umiiyak."Anak,tama na. Ano'ng nangyayari sa'yo?" Umiiyak na sabi ni papa. Sumisigaw sa sakit si mama kay hindi n'ya natulungan si papa. Inaalis ni papa yong kutsilyo ko sa kamay pero ayaw ko'ng bitawan 'yon. May nagsasabi sa'kin na saksakin ko s'ya kaya sinunod ko 'yon,gamit ang ballpen na nasa bulsa ng damit n'ya. Naghihingalo siya'ng binitawan ako. Dumiretsyo ako kay Maddy. Sinigawan ko s'ya ng mangaagaw. Lahat ng tao gusto s'ya at s'ya lagi ang pinapansin. Magkamukha naman kami,dapat pantay lang ang mga natatanggap nami'ng pagmamahal bakit sakaniya lang napupunta lahat. "Mamatay ka na!" Sigaw ko. "M-maggie.... b-bitawan mo 'yan......M-mahal ka nami'ng lahat.... bakit hindi mo maintindihan iyon." Hindi ako nakikinig sakaniya. Kung mahal nila ako hindi dapat aabot sa ganito. Ginagawa ko naman ang lahat para sakin ang atensyon nila pero wala pa rin. Ang tanging solusyon lang para sa'kin ang atensyon nila ay mamatay ang kakambal ko. Si Maddy. Umiiyak si Maddy at masaya ako sa ginagawa ko. Hindi s'ya pwede'ng mabuhay dapat ako lang. Namuo ang malakas ko'ng tawa sa buo'ng bahay. Hinihingal ako pero wala pa ri'ng tigil ang pagsaksak sakaniya. Sobra'ng dami'ng dugo ang naglakat sa sahig. Ako lang ang matitira,sa'kin na ngayon ang kaligayahan mo kambal.
Ako si Maggie Durson. Ako ang pinaka-magaling,pinaka-matalino at lahat ng pagmamahal sa'kin lang.
BINABASA MO ANG
Behind Me|(COMPLETED)|
ParanormalIsa lamang simpleng dalaga si Maddy. Nagpakalayu-layo siya para mahanap ang katahimika'ng inasam niya ngunit papaano niya magagawa 'yon kung ang tinatakasan niya ay parating nakasunod sa kaniya. Sa pagdating niya sa isa'ng lugar na satingin niya ay...