CHAPTER 22: Illusion.

67 6 0
                                    

2 days later.

"Maddy,ano ba'ng nangyayari sa'yo?"

"Hindi ko alam! Pwede layuan mo ako?" Sinigawan ko s'ya. Hindi ako makapag-isip. Bakit ba nangyayari sa'kin ang ganito. Ila'ng araw ng weird ang kinikilos ko hindi ko alam kung bakit. Noo'ng isa'ng araw bigla nalang ako'ng tumakbo sa may park at nagi-iyak do'n ng hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang sakit sa dibdib ko.

Day 1.

Malapit ng matapos ang klase. Habang naka-tingin sa board na may nakita ako'ng mga bata'ng nag-hahabulas sa labas ng room,wala'ng sumisita sakanila at tuloy pa rin sila sa pakikipag-habulan. Nakita ko ang mga bata,isa'ng lalaki at dalawa'ng babae. Ang hula ko mga 10 years old sila.

"Mas maganda'ng maglaro sa park."sigaw ng isa'ng bata'ng babae. Sumang-ayon ang bata'ng lalaki at sabay sila ng bata'ng babae'ng naglakad habang ang isa ay naka-tayo habang pinagmamasdan ang dalawa.

Bigla ako'ng napatayo ng makita ko ang bata'ng babae na humihikbi'ng tumakbonat sumunod sakanila. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Kinuha ko ang bag ko at lumabas. Hindi ko pinakinggan ang prof sa pagtawag sa'kin. Ayaw ko'ng mawala sa paningin ko ang bata'ng babae na 'yon.

Tumakbo lang ako ng tumakbo habang sinusundan s'ya. Nagpupunas s'ya ng luha habang tumatakbo at sumusunod pa rin sa dalawa.

Huminto sila,nakarating na pala kami sa may park. Nagtaka ako. Napaka-pamilyar ng lugar na ito sa'kin. Bagamat nasa bata'ng babae ang tingin ko.

"Maggie,tara dito!" Tawag ng isa'ng bata'ng babae na kasama ng bata'ng lalaki. Ngayon ko lang napansin na magkamukha pala sila'ng dalawa literal na magka-mukha.

"S-sige,susunod na ako." Sigaw ni Maggie. Naka-kuyom ang maliitt nito'ng kamao habang humahangos dahil sa galit. Sobra'ng galit s'ya. Ako ang nakaramdam ng takot sa kaniya bagamat hindi ko kaya'ng pigilan s'ya at nanatili'ng naka-tayo. Pinanuod ko lang s'ya habang lumalapit sa dalawa na nasa tuktok ng mataas na obstacle na pinupulutan ng mga lubid.

"Huhuhu,mamatay ka na."

Tahimik na umiiyak si Maggie habang sinasabi 'yon ng pabulong. Maski ako naiiyak at nangi-gigil.

Habang papaakyat s'ya sa mga lupod na naka-tali nakatalikod naman ang dalawa sakaniya. Habang papalapit s'ya naka-handa na ang mga kamay n'ya. Hanggang sa tumili s'ya.

"Ahhhh!!!"

BLOG*

Tama nga ako. Tinangka n'ya nga'ng ihulog ang isa'ng babae. Nanigas ako sa kinatatayuan ko,naka-nganga at nanlalaki ang mga mata. Tinangka n'ya nga'ng itulak ang bata'ng babae pero humarang ang bata'ng lalaki kaya s'ya ang nahulog. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nagsitulian at sigawan ang dalawa'ng bata'ng babae.

"Pinatay mo s'ya!" Humahagulgol na sigaw ng bata'ng babae kay Maggie. Umiiling pa ito at itinatanggi ang ginawa n'ya.

"Huhuhu,pinatay mo ang best friend ko!" Humahagulgol na naman na sabi n'ya. Kahit malakas na ang iyak n'ya wala'ng nakakarinig sakanya.

"Hindi ba ako lang ang best friend mo? Sinungaling ka!"sigaw naman ni Maggie. Humahagulgol lang s'ya. Napaupo ang bata'ng babae at hindi alam ang gagawin sa wala'ng buhay na katawan ng bata'ng lalaki.

"Yuhan!!! G-gumising ka,huhuhuhu!" Sigaw nito. "Huhuhuhu,h-hindi s'ya...g-gumigising... Kasalanan mo 'to Maggie. Isusumbong kita kay tita at kay mama!" Sigaw pa n'ya. Kumuyom ang kamao ko habang pinagmamasdan sila'ng dalawa.

"Ikaw ang may kasalanan nito. Ikaw ang pumatay sakaniya!" Sigaw naman ni Maggie sa kamukha n'ya. Dalawa sila'ng umiiyak. Kopya'ng kopya.

Napa-luhod ako dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Napansin ko'ng nakikisabay ako sa pag-iyak nila'ng dalawa. Nakaka-awa ang mga bata'ng ito. Bata pa sila para maranasan ang ganito'ng sitwasyon.

Behind Me|(COMPLETED)|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon