Chapter 12: Friend.

99 5 0
                                    

"Bakit kayo tumatakbo?"

"Zin." Nakita namin si Zin kaya huminto kami sa pagtakbo. "Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko!" Panimula naman ni Ann.

"What is it? May nang-yari ba?" Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zin ng bumaling sa'kin. Hindi ko naman alam ang sasabihin sakaniya,hindi ako makapag-salita dahil sa kinakabahan pa rin ako. "May nangyari ba sa'yo?" Nag-aalala'ng tuno ng boses n'ya.

"Ayos lang s'ya." Singit ni Ann. "Nakarinig lang kami ng weird na tunog kaya napatakbo kami pero wala nama'ng nangyari sa ami'ng masama." Paliwanag ni Ann sa kaniya,hindi naman na nagsalita si Zin pero naka-tingin lang s'ya sa'kin na bakas talaga ang pag-aalala. Wala naman ako'ng iba'ng naisip pa at blanko na ang utak ko. Posible'ng makapag-isip na naman ako ng weird na hindi nila maiintindihan.

"Mabuti pa, ipunta kita sa clinic para makasiguro'ng okay ka lang." Usal na naman ni Zin.  Kita ko sa hilid ng mata ko ang akmang pagdampi n'ya sa balikat ko kaya naging handa ako.

"No need Zin. Sinabi ko na kanina na ayos lang s'ya." Sambit ni Ann sa malamig na tono ng boses. Hindi ko naramdaman ang oagdampi ng palad ni Zin sa'kin dahil pala pinigilan 'yon ni Ann.

"Okay fine." Sagot nalang ni Zin at tinabig ang kamay ni Ann na nakahawak sakaniya na para'ng   may ginawa'ng kasalanan si Ann sakaniya para gawin 'yon.

"Mauna na ako." Sagot n'ya pero hindi kay Ann ang tingin n'ya kung hindi sa'kin.

Nakatayo kami dito habang tinatanaw sya'ng papalayo.

"Ano'ng nangyari do'n?" Kuryosidad na tanong n'ya habang tinatanaw rin si Zin papalayo. Hindi naman ako nag-salita at kumibit palikat nalang. "Tara na!" Naka-ngiti'ng usal naman ni Ann kaya kumilos ulit ang buo'ng katawan ko.

Nakaka-ilang hakbang palang ako ng makaramdam ako ng malamig at majina'ng paghampas g hangin sa balat ko. Wala nama'ng hangin na nagpapagalaw sa mga puno kaya...

May lumitaw na lalaki'ng naka-puti'ng longsleeve sa gilid ko. Malalaki ang hakbang ang hinawa n'ya para maunahan kami,nanatili ako'ng tahimik habang normal lang ang lakad ko kahit na gusto ko'ng huminto.

Huminto si Ann kaya naman napa-hinto rin ako. "Wait,yo'ng sintas ko." Usal n'ya sabay isinintas ang sapatos. Habang ginagawa n'ya 'yon napatingin ako sa harapan ko. Naka-hinto rin yong lalaki habang nakatingin kay Ann na nagsisintas pa rin. Hindi ko alam kung papaano ko idi-detalye ang itsura n'ya pero masasabi ko'ng malungkot ito sa paningin ko.

"Tara na." Aya n'ya.

"S-sige."

Nakita ko'ng nilagpasan at tumagos ang lalaki ng dumaan si Ann sa harapan n'ya kaya naman napalunok ako. Nang mawala ang lalaki sa paninhin ko sumunod na ako kay Ann pero pinasadahan ko ng tingin ang likod ko. Nakita ko doon ang lalaki nakatingin naman sa'kin kaya hindi ko na s'ya nilingon pa dahil nakita ko ang mga luha n'ya sa mata at pisngi habang tahimik ang mga hikbi n'ya..

"Madz,bilisan mo. Male-late na tayo!" Tawag sa'kin ni Ann kaya tumakbo na ako papalapit sakaniya.

Tahimik lang kami habang naglalakad pero hindi ko maiwasa'ng tignan s'ya habang inaalala ang lalaki'ng 'yon habang tinitignan s'ya.

Tatlo na ang nakita ko dito sa school,at sa tingin ko may mga susunod pa'ng magpapakita hindi ko alam kung kelan.

BLAG*

"Madz!"

"S-sorry!" May nabunggo ako,mabuti at hindi ako nawalan ng balanse. Nawala ako sa wisyo kaya naman hindi ko s'ya nakita kaya ako na ang humingi ng tawad. Inangat ko g tungin ko sa nakabunggoan ko at hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Behind Me|(COMPLETED)|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon