"Wala'ng makakapagsabi sa'tin kung saan tayo pupunta pagkatapos nati'ng mamatay. Ang diyos lamang ang nakaka-alam." Sagot ng prof.
Malapit ng matapos ang klase at uwian na. Ang lahat ay maganda sa loob ko. Masaya at masarap sa pakiramdam ang ganito'ng buhay pa ako at malaya'ng libutin ang mga lugar.
Nagpaalam na sawakas ang prof kaya nag-init ako ng braso at ulo tapos tuminhin kay Ann na naka-tingin pala sa'kin. Ngumiti ako.
"Tara sa cafeteria?"tanong ko.
"Maayos na ba ang lagay mo?"tanong n'ya. Masaya ako'ng tumango. "Pasensiya ka na talaga Maddy."usal nito. Mas tumitig ako sa mga mata n'ya at tinagilid ang ulo.
"Ayos lang. Sana magkaibigan pa rin tayo."usal ko. Tipid ito'ng ngumiti at tumango. Sabay kami'ng tumayo at lumas ng room.
"Kapit ka."usal ko habang ginalaw ang braso. Kumakapit s'ya sa'kin kapag sabay kami'ng naglalakad papalabas ng room ngayon hindi n'ya ito ginawa."
"S-sure ka? Huwag nalang kaya." Nangangamba'ng usal n'ya.
"Sige na. Ayos lang sa'kin. Kung ayaw ko. Ako nalang." Kumapit ako sa braso n'ya. Napangiti ako. Papunta kami sa canteen at para'ng hindi s'ya kumportable. Napanguso ako pero isinawala'ng bahala ko nalang. Pagka-kuha namin ng order nag-salita ako.
"Ayaw ko dito,masyado'ng mainit. Do'n tayo sa lugar kung saan malamig at tahimik."masaya'ng sabi ko. Tumanho naman s'ya kaya naglakad kami. Hindi ko nakita ngayon si Zin. Nasaan na kaya si engineer?
"Nakita mo si Zin?"tanong ko sa kaniya.
"Sinabi n'ya sa'kin na aabsent s'ya ngayon dahil meron daw sila'ng family problem."aagot n'ya sa tanong ko. Tumango ako.
"Ikaw rin di'ba? Noo'ng nakaraan may family problem ka rin?"
"H-hah? O-oo. Umuwi ako kaagad dahil galit na galit si papa na umuwi."
"Bakit daw?"
"K-kasi..."
"Hahahaha,ayos lang kung hindi mo sabihin sa'kin. Pribado mo'ng buhay 'yan." Usal ko. Nakarating kami sa music room kaya pumasok a kami. Wala'ng tao,ako ang nagsara ng pinto bago bumaling kay Ann. Umupo ako sa ibabaw ng maliit na cabinet s'ya naman sa mga naka-gilid na uluan. Binasag ko ang katahimikan.
"Bakit wala ka'ng kibo?"naka-simangot ko'ng tanong.
"Wala ito."
"Sabihin mo sa'kin kung ano'ng gumugulo sa isip mo. Hindi ba,magkaibigan tayo? Ang magkaibigan nagsasabihan ng problema." Naka-ngiti'ng sabi ko.
"Ah,kasi...." natatakot ang mga mata nya'ng tumingin sa mata ko. Nakangiti pa rin ako. "S-sobra'ng okay ka na ba talaga?"
"Mmm,okay pa sa okay. 'Yon lang ba?"
"Mmm."
"Kung gano'n kain na tayo." Usal ko.
Kumain kami. Palihim ko sya'ng tinitignan. "May problema ba?"tanong ko. "Hindi mo giangawa 'yong in-order ko'ng donut. Tikman mo 'yong peanut sa ibabaw ang sarap!"
"K-kasi..."
"Uhm,kung ayaw mo magpalit na lang tayo." Kunuha ko 'yong donut tapos pinalitan ng empanada.
"Ayan. Tara sabay tayo'ng kumain!" Tumango s'ya kaya sumubo kami. Nagtatawanan kami habang kumakain ng may maisip ako. "Noo'ng araw na niyaya mo ako dito na-paisip ako,bakit?"
"Wala naman. May naalala ako dito. Masaya ang childhood ko sa room na ito hahaha."bakas sa mukha n'ya ang saya. Kinilabutan ako.
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
Behind Me|(COMPLETED)|
ParanormalIsa lamang simpleng dalaga si Maddy. Nagpakalayu-layo siya para mahanap ang katahimika'ng inasam niya ngunit papaano niya magagawa 'yon kung ang tinatakasan niya ay parating nakasunod sa kaniya. Sa pagdating niya sa isa'ng lugar na satingin niya ay...