Chapter 19: House

65 5 0
                                    

Ligtas ba ako ngayon?

Nahinto ako. Bakit ko ba tinatanong ang sarili ko kung ligtas ba ako ngayon. Sa buo'ng buhay ko ata palagi nalang akong nasa bingit ng kamatayan. Palagi'ng ibinararamdam sa akin na nasa impyerno ako.

Naglalakad ako. Napalingon sa luma'ng bahay na wala'ng kailaw-ilaw. Sigurado'ng wala ng nakatira dito. Nahinto ako sa pag-lalakad. Hindi ko alam pero titig na titig ako sa bahay na 'yon. Para'ng nakita ko na ito dati,hindi ko lang alam kung kailan.

Hindi ako umalis na  kinatatayuan ako. Inaalala ko kung bakit para'ng may naalala ako sa bahay na ito. May mga sasakyan na duumadaan pero hindi ko 'yon pansin. Gabi na rin at katatapos lang ng trabaho ko sa cafe ngayon,sinukan ko'ng mag-iba'ng direksyon papauwi,hindi ko nga alam kung ano'ng nakain ko at gumala pa ako ng ganito'ng oras ng wala man lang kasama. Hindi bale maliwanag naman ang daan dahil sa bawatt poste ay nakabukas angg ilang hindi katulad ng dinadaanan ko parati. Mukha'ng dito na lang ako dadaan parati dahil wala'ng nagpapakita na kung ano,para'ng ligtas dito----

Lumakas ang hangin. Kanina wala naman pero sobra'ng lakas,para'ng amihan. Nagliparan ang mga alikabog sa daan at mga dahong ng puno. Bigla'ng may mabilis na truck ang dumaan at pagka-lagpas no'n natulala ako ng makita ang bahay na may ilaw na. Imosible'ng may nakatira dito. Wala lang kanina ang mga ilaw sa loob ng bahay pero ngayon sobra'ng liwanag na sa loob.

Napahawak ako sa tenga ko ng makarinig ako ng tawanan ng masasaya'ng pamilya na nasa loob. May nanay,tatay at mga anak. Gusto ko'ng sumilip at panuorin kung gaano sila kasaya pero nakaramdam ako ng takot,lungkot at hindi maintindiha'ng hinanakit ng pilit ko'ng silipin ang loob mula dito sa kanila'ng kalsada.

Ang sarap pakinggan ng mga malalambing nilang boses pero bakit hindi ko kaya'ng pakinggan. Takip ko pa rin ang dalawa ko'ng tenga,habang sumisikip ang dibdib ko. Naiinggit ako.

Naiinggit dahil ang sasaya nila. Naiinggit ako dahil buo ang pamilya nila,lagi'ng sabay-sabay kumain at kinakalaro ng mga magulang ang kanila'ng mga anak.

Hindi ko napigilan ang manlumo at magsisi kung bakit dito pa ako dumaan. Mas okay pa ata'ng dumaan sa daa'ng may nagpapakita'ng mga multo kesa sa ito ang nakikita ko dahil nakakaramdam ako ng inggit at pagka-irita sa loob ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maalis ang pakiramdam na 'yon.

Naluluha. Nagpipigil ng sigaw habang nakatanaw sa mga magkakapamilya'ng naka-talikod sa'kin habang kinakalaro ang mga anak nila. Nadudurog ang puso ko at naging malikot ang mga mata ko. Pakiramdam ko tutulo na ng sunod-sunod ang mga naipo'ng luha sa mga mata ko.

'Ano ba'ng nangyayati sa akin?'

Bakit ganito ang epekto nila sa'kin. Nanlulumo ako pero nagagalit dahil sa selos. Gusto'ng sumabog ng puso dahil ang sasaya nila?

Hindi. Bakit para'ng anlaki ng galit ko sakanila? Ito'ng nakikita ko ngayon,hindi ko naman sila kilala.

Nanigas ako ng magpatay-sindi ang ilaw sa labas ng bahay nila. Gusto ko ng tumakbo pero may kumukontrol sa katawan ko na tumayo lang ako dito at panuorin ang nangyayari.

Napapa-kurap ako at iniisip ang susunod na mangyayari. Patay-sindi pa rin ang ilaw sa labas ng bahay nila ng bigla'ng tumakbo ang isa'ng bata papalapit sa bintana. Siguro nakita nya'ng patay-sindi ang ilaw nila sa labas.

Huminto ako sa pag-hinga ng makita'ng sa'kin nakatingin ang bata'ng babae. Hindi ko naisip na makikita n'ya ako mula dito pero mas hindi ko inaasaha'ng ngisian n'ya ako mula dito sa malayo. Nakikita n'ya ako. Ang ibig ba'ng sabihin nito totoo ang nakikita ko at hindi imahinasyon?

Kumaway s'ya pero nanlaki lang sa gulat ang nagawa ko. Natatakot ako'ng kawayan s'ya. Ang mga sumunod na nangyari tuluyan ng napundi ang ilaw nila sa labas dahilan para ika-kurap ko. Isa'ng kurap lang nagbago ang nangyari. Patay-sindi na rin ang ilaw sa loob ng bahay nila pero nakatayo pa rin ang bata'ng babae sa bintana. Kahit malayo nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata n'ya ng mawalan ng ilaw sa labas. Wala sya'ng paki-alam kung patay-sindi na rin ang ilaw nila sa loob ng bahay. Wala'ng kumikilos para ayusin 'yon. Patuloy sa paglalaro ang tatlo habang ang bata'ng babae ay naka-dungaw lang sa bintana.

Gusto ko ng umalis pero bumuka ang bibig ng bata at para'ng may sinasabi habang lumuluha. Malungkot nga s'ya at tangin pagtingin lang sa bintana ang nagawa n'ya para do'n ilabas ang luha n'ya para hindi makita ng mga magulang at kapatid n'ya.

'Bakit? Ano'ng problema?'

Saglit na nawalan ng ilaw at bumalik sa madilim na lugar ang bahay nila. Napakurap na naman ako. Sa pagkurap ko mas hindi ko inaasahan ang mga nangyari. Imbis na maihakbang ko ang mga paa ko para umatras na tumba lang ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko at hindi ko mai-galaw ang mga paa ko ng makita'ng may mga tilamsik ng dugo ang pintana nila. Humina ang ilaw sa loob ng bahay pero hindi ako nagkakamali na dugo ang mga iyon. Nagtaka ako dahil wala na ang pamilya sa loob. Nanindig ang balahibo ko,kinabahan at gusto'ng malaman ang nangyayari sa loob.

Bigla'ng nakita ko ang bata'ng babae na umiiyak pero hindi ko alam kung bakit. Alam ko'ng todo na ang iyak n'ya pero hindi ko s'ya marinig. Humahagulgol s'ya na para'ng may nangyari sa loob ng bahay. Gusto ko'ng tumakbo para patahanin ang bata dahil nakakaramdam rin ako ng lungkot,nahahawa ako sa ekspresyon ng mukha n'ya. Gusto ko ri'ng humagulgol dito.

Nakayanan ko'ng tumayo pero nanginginig ang tuhod. Sa tingin ko hindi ko kaya'ng maglakad papunta sakaniya ng mabilis. Para'ng may mga bakal na mabibigat na naka-tali sa mga binti ko.

'Bakit? A-anong nangyari?'

Wala'ng lumalabas na boses sa labi ko kaya sa isip ko nalang sinasabi ko. Hindi ko makita sa mga mata n'ya ang takot pero bakit s'ya umiiyak?

Tatakbo na sana ako papalapit sa bahay nila ng bigla'ng may malaki'ng truck na naman kaya napa-balik ako. Ayaw ko pa'ng mamatay.

Nakalagpas ang truck ay kaagad ako'ng tumingin sa bahay pero.

"W-wala na?"

Tuluyan ng nawala ang ilaw sa bahay at mukha'ng wala ng tao. Pero paano yo'ng bata?

"N-nasaan na 'yong bata?"

Tatawid sana ako ulit kaso may kotse na mabilis ang takbo kaya napa-atras ako.

'Nakaka-inis.'

Narinig ko nama'ng kumulog kaya naalala ko,uuwi pa pala ako. Sinasadahan ko ng tingin ang bahay bago ako naglakad dala ang mga nakita ko. Hindi na naalis ang sinaryo'ng 'yon sa isip ko habang naklalakad. Pakiramdam ko may mali'ng nanngyari sa loob ng bahay na 'yon. Nahinto ako sa paglalakad. Iniisip ko baka andoon pa ang bata pero papaano ko malalaman kung totoo o imahenasyon ko lang 'yon?

Naguguluhan ako'ng nagpatuloy. Wala'ng sumalubo'ng sakin na kung ano pero sobra'ng lakas talaga ng hangin dito tapos kumulog pa. Baka may bagyo kaya ganito ang panahon.

Nagmadali ako sa paglalakad habang tinatanaw ang langit. Sobra'ng itim. Wala'ng mg bituin at buwan,uulan nga panigurado.

Isa'ng liko pa nakarating na ako sa unit. Sa tansya ko baka nasa bente minutos ako'ng naglakad. Ang layo kaysa sa lagi ko'ng dinadaanan na mga sampo'ng minuto lang. Kung tutuosin mas napapatagal ako do'n dahil may nagpapakita sa'kin hindi katulad ng dinaanan ko ngayon,ligtas ako at mukha'ng makakatulog ng maayos maliban sa bata'ng babae na gumugulo sa isip ko.

Hindi ko namalayan nasa kwarto na ako. Lutang mood ako ngayon gosh!

Binuksan ko ang bag ko'ng lumubo dahil sa lama'ng paper bag na ang nakalagay ay marami'ng sanitary pads. Naalala ko tuloy si Casffer. Naghalo'ng pout at ngiwi ang nagawa ko ng makita ko ang reaksyon ng mukha n'ya kanina.

Seryoso talaga s'ya?

Paano kaya n'ya nalaman?

Behind Me|(COMPLETED)|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon