Chapter 17: CR

71 3 0
                                    

Habang naglalakad may mga usap-usapan pero hindi ko iyon pinansin.

Minsan nakuha ang atensyon ko sa sinasabi ng isa'ng esduyante tungkol sa school kung bakit under investigation lagi ang ito'ng school kaya naki-chismis ako. Binagalan ko ang paglalakad ko para marinig ang usapan nila. Kung maari iikutin ko ang lugar na kinauupuan nila para lang matapos ang mga kwento n'ya.

Saglit pa ako'ng nagtagal do'n at narinig ko ang mga usapan nila pero yong iba hindi dahil bumubulong-bulong s'ya sa kausap. Madalas nakikita ko ang ekspresyon ng kausap n'ya  na nagugulat dahil sa binulong habang ako napapakunot noo nalang.

"Maddy."

"Hah?" Nawala ang atensyon ko sa babae.

Si Zin pala ang kumalabit at tumawag sa'kin ang akala ko si Ann. Tinignan ko ang paligid.

"Nasaan si Ann?"

"Hindi ba nagpaalam sa'yo? Hindi daw s'ya papasok ngayon dahil may family problem."

"Family problem? Sana maging okay na sila kaagad."

"Yeah,right. Gusto mo'ng lumabas pagkatapos ng klase mamaya?"

"Sorry pero kailangan ko'ng magtrabaho."

"I see. Binabayaran pala ang oras mo." Kumamot s'ya sa batok at tipid na ngumiti ng mapait.

"hindi sa gano'n. Kailangan ko lang talaga'ng magtrabaho para rin naman sa mga kailangan ko sa unit."

"Magkano ba ang sweldo mo sa isa'ng buwan? Du-doblehin ko makalabas lang tayo'ng dalawa."

"Halla,dyan mo lang ba sinasayang ang pera mo?" Mabilis ko'ng naintindihan ang sinabi n'ya. "Ang gusto mo ba'ng sabihin, kaya mo'ng bilihin ang oras ko dahil marami ka'ng pera? Para'ng ipinag-mumukha mo mgayon sa'kin na wala at mukha ako'ng pera dahil d'yan sa sinasabi mo!" Tinalikuran ko s'ya.

"Shit!" Dinig ko'ng mura n'ya.

"Maddy,sorry. Hindi 'yon ang ibig ko'ng sabihin."

"Maddy!"

'Pero nasabi mo na. Wala ka ng magagawa.'

Mas nagmadali ako'ng naglakad para hindi na n'ya ako mahabol. Lumiko-liko ako para hindi n'ya ako kaagad makita. Sumuot-suot rin ako sa mga masisikip na daan para makalayo hanggang sa marating ko na ang.....

Likod ng building.

Sobra'ng dami'ng nakahilera'ng cr dito. Ang dudumi nila pero ang iba malilinis. Kinabahan ako ng maalala na dito ipiglilinis ng mga guro ang mga makikita nila'ng estudyante na mapapadaan sa school.

Lunok*

Hindi pa ako handa'ng maka-kita ng libo-libo'ng multo.

Maglalakad na sana ako ang kaso hindi ko maihakbang ang paa ko. Gosh,may naka-kapit.

"Hindi ka makaka-alis." Sabi ng multo.

"Tulong!"

"Huhuhuhu,tulong!"

"Palayain mo ako dito!"

Mga nakaka-bingi'ng iyak ang natirinig ko at paulit-ulit nila'ng sinasabi ang 'tulong'.

Nagsisimula na naman ako'ng kabahan ng matindi at manlambot. Hindi na ito bago sa'kin pero hindi pa rin talaga ako sanay.

Halo-halo na ang iyak nila sa loob ng cr. Para ako'ng mababaliw kaya hindi ko na napigila'ng takpan ang mga tenga ko.

'Tama na!'

"Tumigil kayo,hindi ko na kaya!"

Nabibingi na ako. Maski ang boses ko hindi ko na marinig.

Behind Me|(COMPLETED)|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon