chapter 5: Doppelganger

156 14 2
                                    

Natapos na ang lahat ng subject sa umaga kaya naman nagyaya na si Ann na pumunta sa Cafeteria. Paglabas ko ng classroom hinanap kaagad ng mga mata ko ang future engineer na pinapangarap ko in the future pero nabugo ako'ng makita s'ya.

"Hey,sino'ng hinahanap mo?" Baling ni Ann sa'kin.

"Wala naman heheheheh." Ngiti'ng ngiti na sabi ko sakanya.

"Tara na, dahil kumpulan na ang mga tao do'n mamaya." Aya niya kaya sumunod naman na ako sakanya. Gaya nga ng sabi n'ya kumpulan a nga ang mga estudyante sa cafetria pagdating namin.

"Hayst,ready ka na ba'ng makipagsiksikan?"

"H-hah?" Sabay hila sa'kin.

Para'ng mali'ng mali ang nasa isip nito'ng si Ann. Makikipagsiksikan kami dito sa mga estudyante na nakikipagsiksikan rin para lang makabili ng makakain.

"Ann,mukha'ng hindi maganda'ng ideya ang naiisip mo."

Ang sikip dito tapos hinihila n'ya pa ako kaya mas nahihirapan ako.

Bigla'ng nabitawan ko s'ya kaya naman nag-alala ako. "Ann,nasaan ka na?.... Ann!!"

Hindi ko naririnig si Ann at ang naririnig ko lang ay ang mga nagsasabayang boses ng mga estudyante'ng nagsi-siksikan dito.

May bigla'ng pumatid sa'kin kaya naman na walan ako ng balanse. "Ah!"

"Tabi!!"

"Ako ang mauuna!"

"Ate pabili!"

"Ate ito nga!"

"Bawal sumingit!"

"Nagugutom na ako!!!"

"Ang tagal naman!"

"Ate ito nga!!!"

"Ate!"

"Aw!!" Hindi man lang nila ako pansinin dito. Natatapakan na nila ako pero para'ng wala sila'bg nakikita,gano'n ba sila kagutom at hindi man lang ako pansinin at tulunga'ng makatayo?.

"Psst!"

"Psst!"

"Dito!"

Sinusubukan ko'ng makatayo pero may sumisipa sa'kin sa likod pero dinig ko yo'ng nagsasalita at ako ata ang tinatawag.

"Kailangan ko'ng makatayo."bulong ko.

"Dito!"

Papatayo ako ng mapadiretsyo ang tingin ko sa mga pa'ng nasa harapan ko.

'Omo!'

Sa likod ng mga paa'ng 'yon may naka-dapa'ng babae,natatakpan ng kanya'ng buhok ang isa nito'ng mata habang malapad ang mga ngiti sa labi na para'ng magigisi na. Tumaas na naman ang balahibo ko at hindi ako nakagalaw para makatayo.

"Hindi ba't nakikita mo ako?" Nakangiti pa rin s'ya kaya natakot ako. Mga ila'ng sigundo pa,kaagad ako'ng napatayo dahil sa pag-galaw ng kamay n'ya papalapit sa'kin,inaabot n'ya ang sapatos ko kaya napapa-atras ako.

"Layuan mo'ko!" Sigaw ko.

Mabuti nalang at wala'ng pumapansin sa'kin dahil sa pagsigaw ko.

"Sumama ka sa'kin,hihihihi!"makatindig balahibo ang pag-ipit nito sa boses n'ya. Ngayon gumagapang na s'ya papalapit ng papalapit sa'kin.

"H-huwag ka'ng lalapit." Banta ko habang nanginginig a takot. "Ang sabi ko huwag ka'bg lalapit!" Malakas na sigaw ko na mas ikinalaki n'ya ng pagkakangiti.

Behind Me|(COMPLETED)|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon