Natapos ang lahat ng klase sa umaga at break time na. Wala ako'ng kasama ngayon pero makiramdam ko may sumusunod sa'kin dahil nakakaramdam ako ng kakaiba'ng lamig sa buo'ng katawan ko.
"Maddy!" Tawag sa'kin ni Ann.
"Sabay na tayo. Maddy,pwede ba kita'ng tawagi'ng Madz?"tanong nito.
"Pwede naman wala'ng kaso sa'kin."sabi ko naman sakanya tapos nagsabay na kami'ng umupo ng makapasok kami sa Cafeteria.
"Ano'ng gusto mo?"
"Wala,may dala ako'ng baun."
"Ok sige,hintayin mo nalang ako dito."
"Sige."
Habang hinihintay ko s'ya nilabas ko na ang baun ko.
"Ikaw."
Dahan-dahan ko'ng inangat ako ulo ko sa harapan. May naka-upo at naka-patong ng mga kamay n'ya sa lamesa at sigurado'ng kamay 'yon ng babae. Tuluyan ko'ng inangat ang ulo ko at bumungad sa'kin ang babae'ng naka-uniporme at naka-suot ng shades. Halata'ng may tinatago s'ya sa mata n'ya at hindi ko inaasahan ang makikita ko. Umaagos ang napaka-rami'ng dugo mula sa mata n'ya pababa sakanya'ng mga pisngi at baba,naiipun 'yon sa kwelyo ng sarili nya'ng uniporme habang may malaki'ng wakwak o tabas ang kaniya'ng leeg.
Napapatakip ako sa bibig ko at gusto ko'ng sumigaw ng napaka-lakas ngunit hindi ko magawa,nagsi-angatan ang balahibo ko sa buo'ng katawan dahil sa makikita ko ngayon.
"Ikaw... ikaw..."mahinhin ang boses nito at patuloy sa pag-agus ang dugo sa mata n'ya. Sa tingin ko,umiiyak siya.
Hirap na hirap ako'ng maka-hinga at hindi ako makalunok,hindi ko kaya dahil sa nakikita ko'ng mga umaagos na dugo sakanya. Hindi ako makapagsalita at hindi rin alam ang sasabihin,gusto ko'ng magtanong pero natatakot ako.
"Hey,ayos ka lang ba?" Nawala bigla ang babae na naka-upo sa tapat ko ng umupo do'n si Ann. Hindi pa rin ako makapagsalita,nanginginig ang kamay ko'ng naka-takip pa rin sa bibig ko at hindi ko naiwasa'ng pumikit ng matagal.
"Madz,masama ba ang pakiramdam mo. Bakit para'ng naninigas ka d'yan sa kinauupuan mo at hindi ka na nakakahinga ng maayos?"
"A-ayos l-lang a-ako."ano ma'ng oras ay mapipiyok ako.
Nilapat n'ya ang likod ng palad n'ya sa noo at leeg ko. "Wala ka nama'ng sinat."
"Tara kumain na tayo at pagkatapos iikutin natin ito'ng school."sabi nya habang may ngiti sa labi. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko at nawalan na ako ng gana'ng kumain.
Sino ba naman ang makaka-kain pa matapos mo'ng makita ang dugua'ng kaluluwa sa harap mo.
"M-mamaya n-nalang ako k-kakain."nauutal pa rin sabi ko.
"Bakit naman?"
"Nawalan lang ako ng gana."
"Sige,sinabi mo eh. Alam mo,ang dami'ng pwede'ng salihan na club dito,gusto mo ba'ng sumali?"
"Dipende,anu-ano naman ang mga 'yon?"
"So...bra'ng dami. Gaya ng music club,art club dance club at marami pa,syempre hindi ko na sila iisa-isahin." Masaya na sabi nito,hindi naman na ako umimik sakanya at iginala ko ang paningin ko,hindi ko makita si Zin.
"Mahilig ako sa piano."sabi ko.
"Really? Xylophone lang ang alam ko pero magaling ako'ng kumanta. Sali tayo?"
BINABASA MO ANG
Behind Me|(COMPLETED)|
ParanormalIsa lamang simpleng dalaga si Maddy. Nagpakalayu-layo siya para mahanap ang katahimika'ng inasam niya ngunit papaano niya magagawa 'yon kung ang tinatakasan niya ay parating nakasunod sa kaniya. Sa pagdating niya sa isa'ng lugar na satingin niya ay...