TSOP 5 - Vacation

1.1K 60 4
                                    

Hello readers, I'm sorry for the late update. I've been busy these past few days. Here's the next chapter, enjoy reading and Happy New Year everyone🥳🥰💛

•••••

Ailarain Fresnoza


Kasalukuyan kaming nasa kusina nila Kuya at Butler Han habang masayang nagkwekwentuhan. Nagluluto si Kuya ng paborito naming tatlo na adobo. Excited na nga kaming matikman ni Butler Han ang luto ni Kuya dahil ngayon nalang ulit kami makakakain ng luto niya. Bukod kasi kay mama ay isa din sa mga inspirasyon ko na matupad ang pangarap ko ay si Kuya. Ang galing at ang sarap din kasi niya magluto kaya idol na idol ko talaga silang dalawa ni mama at sana balang araw maging katulad din nila ako na magaling at masarap magluto.

"How are you Han?" Tanong ni Kuya habang naghihiwa ng mga sangkap para sa adobo.

"I'm fine Jacen, still doing my best as the butler of your family" sagot sa kaniya ni Butler Han na nakaupo sa gilid at pinapanood si Kuya sa ginagawa.

"Hindi naman pinapasakit ng babysis ko ang ulo mo?"

Agad ko namang pinalo sa braso si Kuya dahilan na ikinatawa niya pati narin ni Butler Han. Napanguso naman ako dahil doon at pabiro silang inirapan.

"I'm a good girl Kuya, hindi ako naging pasaway kahit kailan. Right Butler Han?" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

Natatawa namang tumango si Butler Han bago pinatong ang isa niyang kamay sa ibabaw ng ulo ko at marahang ginulo ang buhok ko.

"She's been good Jacen you don't need to worry about her"

"Its good to hear that"

"How's France anyway?"

Napabuntong hininga naman si Kuya sa tanong ni Butler Han. Minuwestrahan niya akong punasan ang pawis sa noo niya na agad ko namang sinunod. Hinalikan niya ang kaliwang pisngi ko ng matapos kong punasan ang pawis sa noo niya.

"Thank you babysis" nakangiting sabi niya na nginitian at tinanguan ko.

"Sobrang nakakapagod sa France. Work here, work there, paparazzi here, paparazzi there. Pero kahit na nakakapagod I still love my work. Its still makes me happy even if sometimes its tiring and giving me some stress because of my overload works and schedule" sagot ni Kuya na halata ang pagod at saya sa boses.

Nakaramdam naman ako ng awa sa kaniya. Wala manlang kasi akong magawa para sa kaniya sa mga panahong pagod na pagod siya at kailangan niya ng makakasama.

"I'm sorry Kuya if I'm not there for you when you need someone to comfort you" malungkot kong sabi kay Kuya staka napayuko.

Tumigil naman si Kuya sa ginagawa at agad akong hinila para yakapin. Mahina naman siyang natawa bago hinalikan ang ibabaw ng ulo ko.

"You don't need to say sorry to me. Wala ka namang kasalanan. I don't want you to worry about me that much and I want you to focus only on your studies. Besides, I'm already here with you. And I'm already fine because you're finally here by my side. You're my lucky charm and my happy pill babysis. Being with you makes my day perfect and wonderful"

Napaiyak naman ako bigla dahil sa sinabi ni Kuya. I'm really so lucky because he's my brother. I love him so much.

"Hey, stop crying babysis. I didn't meant to make you cry. You should smile, mama will kill me if she saw you crying" pabirong sabi ni Kuya na bakas ang pag-aalala sa muka habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.

The Sociopath Obsession and PosessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon