TSOP 42 - Meant for each other

850 28 2
                                    

Ailarain Fresnoza

Unti-unti kong iminulat ang aking mata ng magising ako. Napatakip ako sa mga mata ko ng sumalubong sakin ang nakakasilaw at mainit na sinag ng araw. Ramdam ko ang paghapdi ng mga mata ko na parang nabigla sa nakakasilaw na liwanag dahil parang nasanay na ang mga mata ko sa dilim.

Kinusot ko ang mga mata ko at sinubukang tumayo ng bigla naman akong makaramdam ng pagkirot sa aking ulo. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla iyong sumakit at hinilot ang noo ko para maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi rin nagtagal ay unti-unti ding nawala ang pananakit ng ulo ko pero kumikirot parin iyon ng kaonti kaya hindi ko parin maiwasang hindi mapadaing minsan.

Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka ng mapagtantong nakahiga ako sa isang malaking kama. Dahan-dahan akong naupo at sumandal sa headboard ng kamang kinalalagyan ko bago inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto kung nasaan ako.

Hindi pamilyar sakin ang kwartong kinalalagyan ko ngayon at wala akong ideya kung paano at bakit ako napunta dito. Malaki ang kwarto na ito at halagang milyon ang ginastos dahil sa magandang disenyo nito pati narin ang mga furnitures na nandito. Hindi ko rin alam kung kaninong kwarto ito at hindi ko rin alam kung nasaan ako. Masasabi kong isa itong malaking mansiyon ngunit hindi ko magawang mapanatag dahil may kakaiba akong nararamdaman. Kahit na mukang komportable ang kwartong kinalalagyan ko ay pakiramdam ko'y may hindi tama dito.

May gut feeling told me that I'm not safe here and I need to get out of here as soon as possible. Napatingin ako sa malaking bintana na nasa kaliwa ng kamang kinahihigaan ko. Nakahawi ang dalawang malaking pulang kurtina sa gilid. Tanging ang maliwanag na asul na kalangitan lang ang nakikita ko mula sa pwesto ko. Base sa init at sinag ng araw na pumapasok sa kwarto ay mukang tanghaling tapat na ngayon.

Muli kong nilibot ang aking paningin sa paligid upang makahanap ng orasan at malaman kung anong oras na, agad ko rin namang nakita ang isang orasan na nakadikit sa dingding sa tapat ng kama. Nasa itaas ito ng malaking flat screen TV na nakadikit din sa dingding.

1:26 pm

Napapikit ako at pilit na inalala kung ano ang nangyari bago ako napunta dito at kung bakit ako nandito. Hindi rin nagtagal ay biglang nagflash sa utak ko ang mga nangyari kagabi.

Magkausap kami ni Kaiden sa cellphone, biglang nawalan ng kuryente, madilim ang buong paligid, pinuntahan ko si Kuya Chris na mukang nakatulog sa paghihintay sakin, bigla nalang may yumakap sakin mula sa likuran at may itinakip na tela sa bibig ko ng tangkain kong lapitan si Kuya Chris para gisingin, nagpumiglas ako pero masiyadong mahigpit ang pagkakahawak sakin ng taong iyon hanggang sa naamoy ko ang matapang na kemikal sa tela, bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang isang pamilyar na boses na bumulong sa tenga ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng malinaw ko ng naaalala ang nangyari kagabi. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ko ang muling mabilis nitong pagtibok. Muli akong binalot ng matinding takot at kaba.

I-I n-need to get o-out of h-here!! I need to call for help!!

Kinapa ko ang sarili ko upang hanapin ang cellphone ko. I'm sure sobrang nag-aalala na sakin sila Kaiden at tatawagan nila ako dahil hindi ako umuwi. Malalaman agad nila na may nangyaring hindi masama at gagawa sila agad ng paraan para mahanap ako agad.

I silently cuss ng hindi ko makita ang cellphone ko. Umalis ako sa kama at hinanap sa paligid ang cellphone ko, nagbabakasakaling makikita iyon pati na ang bag ko pero nalibot ko na ang buong kwarto ay hindi ko parin nakikita.

The Sociopath Obsession and PosessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon