Ailarain Freznosa
"Why would she missed you! Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sa kaniya? Ibang klase karin talaga" napatayo sa galit si Kuya at masamang tinignan si Lyle.
Agad naman siyang inawat nila Mama at Papa. Tatayo narin sana ako para umawat pero inilingan ako ni Papa kaya nag-aalalang napatango nalang ako sa kanila.
Hindi ganito ang gusto naming mangyari sa family reunion na ito. Dapat masaya kaming lahat ngayon at hindi nagkakagulo. Alam kong kanina pa nagpipigil si Kuya simula ng dumating sila Tita Marga at Tito Carl. Kahit na galit din siya sa kanila ay ginagalang parin niya ito dahil wala naman silang kasalanan sa nangyari noon. Sila kasi ang magulang ni Lyle kaya nadamay lang sila sa galit ni Kuya at ngayong nandito na si Lyle ay hindi na talaga napigilan ni Kuya ang nararamdaman niya.
Si Kuya ang pinakanaapektuhan sa nangyari samin nila Lyle at Ate Lyra noon dahil nakita niya kung gaano talaga ako nasaktan maski nung mga panahon na hindi pa ako nililigawan ni Lyle. Parang pangalawang best friend at ama ko narin si Kuya kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ganoon nalang ang galit niya kay Lyle.
"Huminahon ka Jacen nakakahiya sa ibang bisita" bulong ni Mama kay Kuya habang hinihimas ang likod nito at pilit na pinapaupo.
"This is not the right place to talked about it" bulong naman ni Papa kay Kuya bago seryosong tinignan si Lyle. Napansin ko sa tingin ni Papa ang hindi niya pagkagusto sa pagpunta ni Lyle dito.
"Tsk!" Inis na asik ni Kuya bago naupo at nagpatuloy sa pagkain pero hindi parin niya inaalis ang masama niyang tingin kay Lyle.
Hinarap naman nila Mama at Papa ang iba naming mga kamag-anak at humingi ng paumanhin sa nangyari. Napansin ko naman na nakayuko lang si Ate magmula ng dumating si Lyle habang pinipilit naman siyang pakainin ni Kuya Gerald.
"I'm really sorry about this, hindi namin intensyon na magkagulo dito. Siguro mas maganda kung aalis na kami" nahihiyang sabi ni Tita Marga na kinailing ni Mama.
"Hindi naman nagkagulo, nakakahiya naman sa inyo dahil inimbitahan namin kayo dito. Wag na muna kayong umalis, you can also join Lyle" pansin ko rin na hindi nagustuhan ni Mama ang pagdating ni Lyle. But because they don't want to be rude, they just do it to show hospitality to them at dahil matagal narin silang magkaibigan nila Tita Marga. Tanging kay Lyle lang talaga sila galit especially Kuya.
"Thank you Auntie" nakangiting sabi ni Lyle bago naupo sa bakanteng upuan sa tapat ko. Hindi ko napansin na dinala pala iyon ng isa sa mga waiter ng utusan ni Mama. Dahil malaki naman ang space sa table namin at inusog ni Tita Marga ang upuan niya kaya sa tapat ko nilagay ng waiter ang upuan na inuupuan ngayon ni Lyle.
Inis na napairap nalang si Kuya at si Kuya Gerald naman ay saglit na tinignan si Lyle bago binaling ang atensyon kay Ate Lyra.
Natahimik ang buong lamesa habang pinagpapatuloy namin ang pagkain. I can feel the tension and the akward silence surrounding us, and I can feel the intent stares Lyle giving to me that made me uncomfortable. Mukang naramdaman at napansin din ni Kaiden iyon dahil naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko na nasa ilalim ng lamesa.
Napatingin ako sa kaniya at nginitian siya. Buti nalang nandito si Kaiden, naaappreciate ko rin ang pag-aalala niya sakin at ang pag-intindi sa sitwasyon.
"So.. How's life in Seoul Rain?"
Napatingin kami kay Lyle at natigilan din sa pagkain ang mga kasama namin. Si Kuya sana ang muling sasagot kay Lyle pero agad siyang napigilan ni Mama. Tipid akong ngumiti sa kanila at tumango para ipaalam na ayos lang ako at ako na ang bahala. Hinarap ko si Lyle at binigyan din siya ng isang tipid na ngiti na saglit niyang kinagulat.
BINABASA MO ANG
The Sociopath Obsession and Posession
Mystery / ThrillerHe's my first love... But he will never be my true love...