TSOP 9 - Best Friend's Bonding I

972 49 2
                                    

Ailarain Fresnoza

Agad kong kinuha ang cellphone ko ng bigla iyong tumunog. Tinignan ko ang notification at nakita kong may text message sakin si August kaya agad ko yung binuksan at binasa.

From: Augustie 😸😻
Are you ready?

Agad ko naman siyang nireplayan ng mabasa ko ang text niya.

To: Augustie 😸😻
Yuppp, where are you?

From: Augustie 😸😻
I'm on my way

To: Augustie 😸😻
Okiee, I'll wait for you here. Ingat sa pagdrive.

From: Augustie 😸😻
I will haha, see you 😉

To: Augustie 😸😻
See youuu 😊🤗

Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang reply at binilisan ko na ang pag-aayos. Nang matapos na ako ay agad kong kinuha ang sling bag kong nasa ibabaw ng kama at agad ng lumabas ng kwarto ko.

Nadatnan ko si Kuya at Butler Han na nagkwekwentuhan sa living room. Malapad akong ngumiti sa kanila ng makita nila ako at agad akong lumapit sa kanila. Tinignan pa ako ni Kuya mula ulo hanggang paa bago ako tinaasan ng kilay.

"Hello Kuya, hello Butler Han" bati ko sa kanilang dalawa ng makalapit na ako sa kanila.

"Where are you going babysis?" Striktong tanong sakin ni Kuya.

Ito na nga ang overprotective kong Kuya.

"I'm with August Kuya, kaya don't worry about me" nakangiti kong sagot sa kaniya.

Mabilis namang nawala ang pagkastrikto at seryoso ng muka ni Kuya pati ang pagtaas ng kilay niya. Napangiti siya at napahinga ng maluwag.

"Is he going here to fetch you?"

"Yup, papunta na daw siya dito"

Magsasalita pa sana si Kuya ng bigla kaming makarinig ng malakas na pagsara ng pintuan kaya agad kaming napatingin sa pinanggalingan noon. Nakita namin si Lyle na nakatayo sa tapat ng nakasaradong pintuan na papunta sa garden namin. Mukang kagagaling niya lang doon.

Nakatalikod siya samin kaya hindi namin makita ang ekspresyon ng muka niya.

"Are you okay Lyle?" Tanong ni Kuya.

Hindi siya agad sumagot at nanatili paring nakatalikod samin. Maya-maya pa ay unti-unti siyang humarap samin na may malapad na ngiting nakapaskil sa labi niya.

Nahihiya siyang napakamot sa batok niya at napatingin sa sahig bago sumagot.

"I'm fine, sorry about the door. I didn't meant to shut it that loud. Its because of the strong wind outside that's why"

Napatango naman si Kuya sa sinabi ni Lyle at humarap ulit sakin.

"Matagal ba kayong mawawala ni August?"

The Sociopath Obsession and PosessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon