TSOP 29 - Fight

638 29 5
                                    

Ailarain Fresnoza

Pangalang araw na namin dito sa Coron Island at mayroon pa kaming natitirang limang araw para masulit ang pagpunta namin dito. Isang linggo lang kasi kami dito dahil kailangan narin namin bumalik dahil sa trabaho ng mga magulang namin.

Naging maayos naman ang dalawang araw na pag-stay namin dito. But until now I'm still curious about what Kuya and Lyle talked about yesterday. Hindi ko naman sila matanong dahil pag-invade na iyon sa privacy nila. Masaya lang ako dahil wala naman nangyaring gulo at hindi sila nag-away. Nakakalungkot parin dahil hindi parin sila maayos at tanging tipid na tango lang ang binibigay sa isa't-isa sa tuwing magkasama sila.

"Hello Rain"

Natigil ako sa pag-iisip ng bigla akong binati ni Ate Lyra. Ngayon lang niya ulit ako kinausap at hindi ko maiwasang kabahan ng kaonti dahil kaming dalawa lang ngayon ang nasa cottege. Hindi ko parin nakakalimutan ang narinig ko noon at kung gaano siya kagalit sakin lalo na at nililigawan na ako ni Lyle ngayon.

Na-g-guilty naman ako dahil ang bilis ko siyang husgahan lalo na at nakatatandang kapatid ko siya. Medyo huminahon naman ako ng makita ko ang malaking ngiti niya sa labi. Siguro hindi na siya galit sakin masiyado at baka ito narin yung tamang panahon para magkaayos kami lalo na't siya na ang unang lumapit sakin.

"Hello Ate" nakangiti ko ring bati sa kaniya.

Nilibot niya pa muna ang paningin sa buong paligid bago naupo sa tabi ko at hinawakan ang dalawang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya pati sa ikinikilos niya.

"Can we swim together?"

Hindi agad ako nakasagot sa kaniya dahil pinag-iisipan ko pa kung papayag ba ako at dahil nagtataka parin ako sa kinikilos niya.
Balak ko pa naman sanang ayain si Lyle na magswimming sa dagat pero nauna naman akong ayain ni Ate. Mukang ito narin naman yung chance para makapag-usap na kami ng maayos at magkaayos kaya dapat hindi ko na sayangin yung oppurtunity.

"Okay lang naman Ate, pero sigurado ka ba talaga na ako ang gusto mong makasama?"

Natawa naman siya sa sinabi ko at naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. Napadaing naman ako ng kaonti dahil napadiin ng kaonti ang pagkakapisil niya.

"Ofcourse I'm sure. Gusto din kasi kitang makabonding dahil sobrang tagal narin nating hindi nagkasama. Gusto ko lang bumawi sa mga pagkukulang ko sayo bilang nakatatanda mong kapatid. And thank you for giving me a chance Rain"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Maybe, she's not that bad at all dahil gusto niyang makabawi sakin.

Sasagot na sana ako ng bigla akong naunahan ng kadadating lang na si Lyle.

"No!" Seryoso niyang sagot kay Ate nahimigan ko pa ang kaonting galit sa tono niya.

Gulat at nagtataka naman akong napatingin kay Lyle na masama ang tingin kay Ate at lalo pang sumama ang tingin niya ng makita niya ang kamay naming magkahawak. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ni Ate bago mabilis na binitawan ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya at napansin ko ang kaonti niyang panginginig habang pilit na sinasalubong ang tingin ni Lyle. Pero ang mas lalo kong pinagtaka ay ang makita ang takot na ekspresyon sa muka niya.

Bakit mukang takot na takot si Ate kay Lyle?

"Ate okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya. Napatingin siya sakin at pilit akong nginitian bago tumango.

"I-Its okay k-kung ayaw kang p-payagan ng b-boyfriend mo. M-maybe next time, what do you t-think?" Mas lalo lang akong nagtaka dahil sa bigla niyang inasta ng dumating si Lyle. Bigla nalang din siyang namutla.

The Sociopath Obsession and PosessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon