TSOP 12 - Thorns of Roses

846 42 3
                                    

Ailarain Fresnoza

Natigil ako sa pagbaba ng hagdanan ng makita ko ang ibang mga maids namin na may buhat-buhat na mga maliliit na mga kahon na dinadala nila sa garden.

Nakita ko din sila Butler Han at Kuya Echo na kagagaling lang sa garden at dere-derestong lumabas ng bahay.

Mabilis akong bumaba ng hagdanan at sinundan sila Butler Han. Nakita ko silang may kinuhang malalaking kahon sa likod ng truck na nakaparada sa harapan ng bahay at walang kahirap-hirap na binuhat ang mga iyon.

Agad akong tumabi ng muli silang pumasok at nagtatakang sumunod sa kanila.

"What's that?" Tanong ko sa kanila na saglit nilang kinagulat. Muntik pa nilang malaglag iyong mga buhat nilang malalaking kahon. Tipid naman akong natawa sa reaksyon nila. Mukang hindi pala nila ako napansin.

"Young Lady Rain kanina ka pa ba nakasunod samin?" Magalang na tanong ni Butler Han ng makabawi na siya sa pagkagulat.

"Ginulat mo kami Maam Rain hindi ka namin napansin" sabi naman ni Kuya Echo na nanlalaki parin ang mga mata. Mukang hindi pa siya masiyadong nakakabawi sa pagkagulat.

Tipid naman akong ngumisi sa kanilang dalawa habang pinaglalaro sa likod ko ang magkahawak kong kamay.

"Sorry haha hindi ko naman intensyon na gulatin kayo. I'm just curios kasi nakita ko kayo na may mga hinahakot na mga kahon at dinadala niyo sa garden. Anong meron?"

"Its for the renovation of the garden. Lady Rianne wants to renovate the garden"

Napatingin ako kay Butler Han. Bakit namam kaya gustong iparenovate ni mama yung garden eh maayos naman?

"Bakit daw?"

"Lady Rianne said she wants to make it the most beautiful garden and for the arrival of Young master Lyle's parents next week"

Oo nga pala uuwi narin pala dito sila Tita Marga at Tito Carl. Namiss ko din sila lalo na si Tita Marga dahil close kaming dalawa. She's like a second mother to me and she treats me like her own daughter dahil noon pa nila gusto ni Tita Carl ang magkaroon ng anak na babae. Hindi nga lang natupad dahil matapos ipanganak ni Tita Marga si Lyle ay hindi na ulit sila nabiyayaan pa na magkaanak.

"Nandito ba si mama?"

"Hinatid ko kanina sa paborito niyang flower shop si Maam Rianne dahil bibili daw siya ng mga bagong halaman na itatanim niya sa garden"

"Sinabi ba sayo ni mama kung siya ang magrerenovate ng garden?"

Tipid na umiling sakin si Kuya Echo.

"Hindi daw niya makakaya dahil sobrang busy din niya daw sa business niyo pero tutulong parin naman daw siya. Sinabihan na daw niya ang mga inutusan niyang mag-r-renovate ng garden kung anong ayos ang gagawin"

Napatango naman ako sa sinabi ni Kuya Echo.

Kahit na sobrang busy ni mama sa business namin she still wants to have her personal touch to the garden. Sobrang mahal kasi ni mama ang garden niya kaya gusto niyang laging nasa maayos at maganda na kondisyon ito.

Nagpatuloy na kaming tatlo sa may garden at nakita ko ang mga inutusan ni mama na magrerenovate. Inuumpisahan na nila ang pag-aayos. Mukang magiging maganda talaga ang bagong magiging itsura ng garden namin dahil sa mga gamit na binili ni mama para dito.

The Sociopath Obsession and PosessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon