TSOP 4 - Brother

1.3K 56 0
                                    

Ailarain Fresnoza

"Good morning Lyle" masaya kong bati kay Lyle ng makita ko siyang palapit sa pwesto namin ni Butler Han.

Nandito kami sa may garden nakaupo sa isa sa mga lamesa na nasa gilid katabi ng mga tulips na bulaklak na may iba't-ibang kulay na nakatanim. Napagpasiyahan namin ditong kumain ng agahan. Malamig kasi dito at mahangin, napakapresko sa pakiramdam at nakakarelax pa.

Maagang umalis sila mama at papa dahil inaasikaso nila ang kompanya ng pamilya namin. Inaaya ko naman si Butler Han na kumain ng agahan ng puntahan niya ako sa kwarto ko para gisingin. Naisip ko din sanang ayain si Lyle kaya lang ayoko naman siyang istorbohin dahil alam kong sobrang pagod yon dahil sa layo ng binyahe niya.

Napahinto si Lyle sa paglalakad at nakita ko ang saglit na pagkagulat niya ng makita kami. Hindi niya siguro inaasahang may tao dito at nandito kami.

Agad din napalitan ng pagkunot ng noo at pagkainis ang ekspresyon niya. Mukang nasira ko nanaman ang araw niya.

"What's good in the morning when you're the one I saw first thing in the morning" inis niyang sabi sakin na tipid kong kinatawa.

Sa totoo lang cute din kasi si Lyle kapag naiinis siya. Kaya imbis na masaktan sa mga sinasabi niya ay pinopokus ko nalang ang atensyon ko sa kakyutan niya sa tuwing naiinis, naasar, naiirita pati narin kapag nagagalit siya.

"What's funny?" Nakasimangot niyang tanong na lalo ko pang kinatawa.

"Ang cute mo po kasi" nakangiti kong sagot sa kaniya.

Saglit siyang natigilan sa sinabi ko at napansin ko ang pamumula ng tenga niya bago niya ako inirapan.

Libre lang namang mangarap at mag-aasume na kinilig siya dahil sa sinabi kong cute siya kahit na imposibleng mangyari iyon dahil wala naman siyang pakialam sa lahat ng mga sinasabi ko kahit na tungkol pa sa kaniya.

"Tsk! What are you two doing here?" Kunot-noo niyang tanong habang palipat-lipat ang tingin samin ni Butler Han na naging pormal na ang muka at tumigil sa pagkain.

Yumuko naman si Butler Han kay Lyle bilang paggalang.

"Good morning young master Lyle" magalang at pormal na bati niya kay Lyle.

Hindi siya pinansin ni Lyle na nakatuon na ang atensyon sakin na mukang hinihintay ang sagot ko.

"Kumakain, may problema ba?" Balik kong tanong sa kaniya na kinakrus ng braso niya at kinataas ng isang kilay niya bago tumingin kay Butler Han na nanatiling nakayuko parin.

"Eating with him? With a butler?" May panunuyang tanong ni Lyle na halatang direkta kay Butler Han. Napakunot naman ang noo ko at nakaramdam ng kaonting inis dahil sa hindi magandang pakikitungo ni Lyle kay Butler Han.

Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Butler Han na nasa ibabaw ng hita niya. Hinawakan ko naman ang kamao niyang nakakuyom at tipid siyang nginitian. Inangat niya ang ulo niya para tignan ako at tipid ding nginitian.

"What's wrong with that Lyle? Wala naman akong nakikitang mali doon. Kahit na isa siyang butler he's still my friend. Wala naman kaso kung magsabay kaming kumain kahit na magkaiba ang estado ng buhay namin"

The Sociopath Obsession and PosessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon