TSOP 34- Family Reunion Part 2

749 34 6
                                    

Ailarain Fresnoza

This is the day of our family reunion at ang araw na binabalak kong makipag-ayos kay Ate Lyra. Natapos narin kami sa paghahanda at nag-aayos na kami para sa mangyayaring okasyon ngayong gabi.

"Your beautiful as always Aila"

Hindi ko na nagawang lingunin pa si Kaiden ng yakapin niya ako mula sa likuran at pagkatapos ay pinatong sa kanang balikat ko ang baba niya. Isinandal ko naman ang likod ko sa kaniya.

We looked at each others reflection in my vanity mirror. Napangiti ako ng magsalubong ang mga mata namin.

"You too, handsome as always Kai"

Napangiti siya sa sinabi ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

"I love you Aila" bulong niya at hinalikan ang pisngi ko.

Hindi ko napigilan ang kilig na nararamdaman at mahina kong nahampas ang braso niya na mahina niyang kinatawa. Tipid akong napanguso pero napangiti din ulit ng marinig ang tawa niya.

I'm really so inlove with him.

"I love you too Kai"

We stayed like that for a while until we heard a knocked from my door.

"Young Lady Rain and Young Master Kaiden, they are all waiting for you. Young Lady Lyra is at the living room and she wants to talk to you Young Lady Rain"

Saglit akong natigilan ng malaman na gusto akong kausapin ni Ate Lyra at inaamin kong nakaramdam ako ng kaonting kaba. Bukod sa hindi naming magandang relasyon bilang magkapatid ay hindi din naging maganda ang huli naming pagkikita.

Naramdaman ni Kaiden iyon kaya hinarap niya ako sa kaniya at nag-aalala akong tinignan.

"I can go with you if you want, I'll stay by your side"

Tipid akong umiling sa kaniya, I need to face Ate Lyra alone and we need some privacy to talk para narin tuluyan na kaming mag-kaayos.

"I'll be fine Kai don't worry, mag-uusap lang naman kami. Nothing bad would happened to me"

"Alright, just call me if something happened. I'll wait for you at the garden's door"

Tumango ako sa sinabi niya at lumabas na kaming dalawa ng kwarto ko.

"Thank you po" yumuko samin ang isa sa maid namin at nagpaalam ng umalis.

Magkahawak kamay kaming naglakad pababa ng living room at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Mas lalo pa iyon lumakas ng makarating na  kami sa living room at nakita si Ate Lyra na agad tumayo ng makita kaming papalapit sa kaniya.

Saglit akong natigilan ng makita siya. Malayong-malayo na ang itsura niya ngayon sa itsura niya noon. Simple na siyang manamit at mag-ayos ngayon. Medyo tumaba din siya ng kaonti pero ang labis na kinagulat ko ay ang makita ang medyong may kalakihang nakaumbok niyang tiyan.

Nginitian niya kami ng makalapit na kami sa kaniya. Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Natatakot din akong baka awayin niya ako katulad noon pero nagulat ako ng makita ko kung gaano siya kasincere sa ngiting pinapakita niya samin.

The Sociopath Obsession and PosessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon