Ailarain Fresnoza
Hindi ko mapigilan ang saya at excitement na nararamdaman ko ngayon. Hanggang ngayon ay hindi parin talaga ako makapaniwala sa nangyayari ngayon samin ni Lyle. Nakakapanibago nga lang dahil ibang-iba na umasta si Lyle sakin ngayon. Nasanay na kasi ko sa hindi niya magandang pagtrato sakin noon kaya nakakapanibago lang ang inaasta niya sakin ngayon.
Hindi din ako makapaniwala na tototohanin niya talaga ang sinabi niyang liligawan niya ako. Dalawang buwan na niya akong nililigawan at sa loob ng dalawang buwan na iyon ay mas lalo siyang naging sweet at mabait sakin. Lagi siyang pumupunta dito sa bahay at minsan naman ay ako ang pumupunta sa kanila. Hindi din siya nagbibigay sakin ng mga chocolates, flowers, teddy bears at hindi niya din ako hinaharana katulad na ginagawang panliligaw ng iba. Pero ayos lang naman sakin dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganoon. Dinadaan niya lang sa way ng pakikitungo, pag-aalalaga at mga salita minsan ang sweetness niya.
Hindi niya alam kung gaano ako kinikilig at lalong nahuhulog dahil sa mga ginagawa at sinasabi niya. Para talagang hindi siya si Lyle na una kong nakilala, sobrang laki talaga ng pinagbago niya.
Pero minsan hindi ko mapigilang isipin kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman para sakin. Ang sinabi lang naman niya noon ay kung gaano siya nagsisi sa mga ginawa niya sakin at namiss niya ako. He didn't say if he likes or he loves me. Pero kung hindi naman niya ako gusto hindi niya naman ako liligawan diba?
I don't want to assume but I can't help it. He changed for me, he became too sweet and he's courting me. So, maybe, there's something right?
Napabuntong hininga nalang ako sa naisip. Honestly, I'm hoping that someday I'll hear those words from him. That I'll know his true feelings for me para naman hindi na ako mag-assume o umasa sa wala. But I should be happy right now, at least our relationship now is improving.
Both our parents already knew that Lyle is courting me and they are so happy for the both of us especially Tita Marga. Kuja Jacen is not quit happy about it because he thought that Lyle might hurt me but he still supports us. Mas lalo nga lang naging overprotective sakin si Kuya at sa tuwing nasa bahay kami ay lagi siyang nakabantay samin ni Lyle. Pero si Ate Lyra naman ay halatang hindi masaya at pakiramdam ko pa ay lalo siyang nagalit sakin. Sa tuwing nakikita ko kasi siyang nakatingin samin ni Lyle ay sobrang sama ng tingin niya. Pero minsan napapansin ko na para siyang takot na takot kapag nagkakasalubong ang mata nila ni Lyle. Tinupad din ni Lyle ang sinabi niyang lalayuan na niya si Ate at napansin ko rin na maski si Ate ay parang lumalayo narin kay Lyle dahil hindi na niya nilalapitan at sinusubukang kausapin. Sinubukan ko ulit makipag-ayos sa kaniya pero as usual wala paring nangyari.
August is happy for us too but he's still angry at Lyle. I can feel that he's against the courting thing between me and Lyle but he still support me as long as I'm happy. And I'm so thankful because he always understand and support me. But Lyle become more posessive of me when I'm with August. Pinagtalunan pa naming dalawa iyon na muntik ng mauwi sa pag-aaway pero agad din naming naresolba dahil si Lyle mismo ang unang humingi ng tawad at hindi na kumontra sa pagkakaibigan namin ni August. Nakakagulat talaga dahil hindi ko inaasahan na si Lyle ang unang hihingi ng tawad saming dalawa at mabilis na sumang-ayon at inintindi ang paliwanag ko. Sobrang laki talaga ng pinagbago niya.
Ngayong araw na ito ang official first date namin ni Lyle. Inaya niya kasi akong makipagdate sa kaniya at dahil special ang araw na ito nagpatulong ako kay Mama mag-ayos para naman hindi nakakahiyang tumabi at sumama kay Lyle. Simpleng ayos lang naman ang pinagawa ko kay Mama dahil mas komportable ako sa ganoong ayos.
BINABASA MO ANG
The Sociopath Obsession and Posession
Misterio / SuspensoHe's my first love... But he will never be my true love...