TSOP 41 - Kidnapped

839 27 4
                                    

Ailarain Fresnoza

11: 44 pm na ng gabi pero nandito parin ako sa restaurant at hindi pa makauwi. May kailangan pa kasi akong tapusin at ayusin sa opisina ko bago kami tuluyang umalis ng bansa. Alam kong hindi na ako makakabalik dito hanggang hindi pa nasusulusyunan ang problema namin kay Lyle, dahil paniguradong babantayan niya ito pati narin ang iba ko pang restaurant sa Seoul dahil alam niyang pupuntahan ko iyon. Hindi ko naman kayang basta nalang pabayaan at abandonahin ang negosyo at ang mga employees ko. Kaya naisip kong i-assign ang isa sa pinagkakatiwalaan kong supervisors sa bawat branch ng restaurants ko para sila muna ang pansamantalang mamamahala habang wala ako. Nakausap narin namin ang lolo ko sa Spain at pumayag siyang magdeployed ng mga trusted at malalakas niyang tauhan for the security of my restaurants and employees, incase na saktan or takutin sila ni Lyle para lang makakuha ng information about me.

"Maam Rain hindi pa po ba kayo uuwi?"

Napatingin ako sa pinto ng opisina ko at nakita ko ang ilan sa mga employees ko na hindi pa umuuwi at katatapos lang maglinis ng buong restaurant. Nakangiting umiling naman ako sa kanila.

"I still need to finished something, don't worry hindi naman na ako magtatagal pa dito. Uuwi narin ako agad pagkatapos"

"Gusto niyo bang hintayin namin kayong matapos Maam? Para hindi po kayo nag-iisa dito"

"No need, you can go home na alam kong pagod na din kayo dahil sa dami ng costumers natin ngayong araw at para makapagpahinga narin kayo. I can handle myself don't worry about me"

"Pero masiyado pong delikado na maiwan kayong mag-isa dito Maam Rain lalo na at maghahating gabi na po. Mas mabuti po na may maiwan dito kahit isa lang po samin para may kasama kayo"

"Ako nalang ang maiiwan dito kasama ni Maam Rain. Para kapag may masamang taong pumunta dito at nagtangkang saktan si Maam Rain, magagawa ko siyang protektahan. Okay lang po ba yun Maam?"

Napatango ang iba bilang pagsang-ayon sa sinabi ng isa sa mga security guards namin na si Kuya Christian.

"Siguradong okay lang sayo Kuya Chris? Baka kanina ka pa hinihintay ng mag-ina mo sa inyo"

"Okay lang po talaga Maam Rain, tatawagan ko nalang po ang asawa ko, okay lang naman po sa kaniya"

"Osige Kuya Chris, maraming salamat. The rest of you ay pwede ng umuwi"

Nagpasalamat sila sakin at muling nagpaalam bago tuluyang umalis. Nagpaalam naman sakin si Kuya Chris na tatawagan lang daw ang asawa niya at sa baba na daw siya magbabantay para narin mabigyan ako ng privacy.

I appreciated my employees good intentions and worries for me. Kaya hindi ko rin kayang ipasara ang restaurants ko dahil madami ang mawawalan ng trabaho sa kanila at ayoko silang madamay sa problema ko.

Binilisan ko narin ang aking ginagawa para matapos na ako agad at makauwi na kami ni Kuya Chris. Sobrang nakakahiya sa kaniya dahil alam kong pagod na siya at hinihintay narin ng mag-ina niya pero nanatili parin siya dito para lang samahan ako.

Natigil ako sa ginagawa ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Kaiden na nakaflashed sa screen ng cellphone ko. Agad ko naman iyong sinagot para hindi siya mag-aalala at dahil namimiss ko narin siya. Buong araw din kaming hindi nagkita, hindi na siya nakapunta dito kanina dahil sa sobrang busy sa trabaho niya.

"Hello Kai" bati ko ng sagutin ko ang tawag niya.

(Hello Aila, are you already at home?)

"Nasa restaurant parin ako, may tinatapos lang ako pero uuwi narin naman ako maya-maya"

The Sociopath Obsession and PosessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon