Ailarain Fresnoza
Nang unti-unti kong iminulat ang aking mga mata ay may naramdaman akong marahan na humahaplos sa buhok ko. Ramdam ko din ang isang braso na mahigpit na nakapalupot sa bewang ko at ang matigas na bagay na kinalalagyan ng ulo ko.
Nang maamoy ko ang isang pamilyar na pabango ay nawala ang pagod at antok na nararamdaman ko at agad kong iminulat ang aking mga mata. Mabilis ko siyang itinulak palayo sakin at agad na napaupo at napasiksik sa gilid ng kama. Ibinalot ko ang kumot sa akin hanggang sa ulo ko nalang ang kaniyang nakikita. Saglit akong napadaing sa sakit ng biglang kumirot ang ulo ko pero hindi ko na iyon pinansin pa at tinuon ang atensyon ko sa lalaking walang ganang nakasandal sa headboard ng kama sa kabilang gilid habang walang ekspresyon na nakatingin sa akin.
Muli akong nakaramdam ng takot at humigpit ang pagkakahawak ko sa kumot na nakabalot sakin. Isang linggo na ang nakakalipas ng dukutin niya ako at dalin dito. Hindi ko parin alam kung nasaan ako hanggang ngayon. Hindi din ako nakakalabas sa kwartong ito at wala din akong makita na pedeng magamit upang makahingi ng tulong.
Hindi ko na ulit nakita ang kaibigan ni Lyle na si Zamiel. Tanging ang isang hardinero lang ang nakikita ko na nag-aalaga sa mga pulang rosas sa tuwing nakasilip ako sa bintana at ang isang katulong na may dala lagi ng pagkain ko. Pero hindi siya pumapasok sa loob ng kwarto at hanggang sa labas lang siya dahil si Lyle na ang nagdadala nito sakin at agad niyang pinapaalis ang katulong.
Sinubukan kong manghingi ng tulong sa kanila ng makita ko sila sa may hardin pero hindi manlang nila ako tinitignan at parang wala silang naririnig. Hindi ko na ulit sinubukan dahil alam kong hindi nila ako tutulungan. They are under Lyle's command at tanging na kay Lyle ang kanilang loyalty.
Pinipilit ko ring kumain kahit kaonti lang dahil kailangan ko ng sapat na lakas sakaling magkaroon ako ng pagkakataon na makatakas dito.
Paniguradong sobrang nag-aalala na sakin sila Mama at Kaiden. I really hope na sana ay matagpuan na nila kung nasaan ako. Sobra ko narin silang namimiss, gusto ko na ulit silang makasama at magpakalayo na dito kasama sila.
"Bakit ka nandito?" Matapang kong tanong kay Lyle ng unti-unting umayos ang pakiramdam ko.
"I just want to be with you is that bad?"
"Oo dahil hindi ito tama at alam mong wala na akong nararamdaman para sayo. At pinagsisisihan ko na minahal kita at nakilala noon!"
Nag-igting ang panga niya at kumuyom ang mga kamay niya dahil sa sinabi ko. Sinamaan niya din akong ng tingin. Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ako sa takot ng makita ang galit niyang ekspresyon. Nang akala kong sasaktan niya ako ay bigla niyang ipinikit ang mga mata niya at huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili.
Nang imulat niya ang mga mata niya ay mahinahon na niya akong tinignan at lumambot din ang ekspresyon ng muka niya. Gumapang siya palapit sakin kaya mas lalo akong nagsumiksik sa gilid ng kama.
"Stay away from me!"
Hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy lang sa paglapit sakin. Napatili ako ng muntik na akong malaglag ngunit agad akong nahila ni Lyle palapit sa kaniya at muling nasubsob ang muka ko sa dibdib niya.
"Be careful Rain! You almost hurt yourself!" Nag-aalala niyang sabi at niyakap ako ng mahigpit. Muli akong nagpumiglas sa kaniya pero hindi niya parin ako pinakawalan at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
BINABASA MO ANG
The Sociopath Obsession and Posession
Mystery / ThrillerHe's my first love... But he will never be my true love...