Ailarain Fresnoza
"Dear what happened to you?" Nag-aalalang tanong ni Mama ng makita akong humahagulgol ng iyak.
Agad nila akong nilapitan ni Papa at agad ko silang dinamba ng yakap.
"What happened Rain? Why are you crying?" Maotoridad na tanong ni Papa pero bakas parin ang pag-aalala sa boses niya.
Napatingin ako kila Tita Marga at Tito Carl na kakaahon lang sa pool at nag-aalala ding lumapit sakin ng makita ang lagay ko.
Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanila at sinubsob ko ang muka ko sa dibdib ni Mama. Hindi ko rin sila kayang harapin at kausapin ngayon dahil sa tuwing nakikita ko sila ay naaalala ko si Lyle at ang ginawa niya. Ayoko silang madamay sa gulo namin ng anak nila kaya hangga't maaari ay gusto ko muna silang iwasan.
"What happened here? Bakit umiiyak si Rain?" Rinig kong nag-aalalang tanong ni Tita Marga.
Bago pa makasagot si Mama ay agad ko ng kinuha ang atensyon nila ni Papa.
"Can we talk? Just the three of us please"
Nagtataka man sa gusto ko ay walang pagdadalawang isip nilang kinausap sila Tita Marga at sinabing may kailangan lang kaming pag-usapang tatlo na kami lang. Agad namang pumayag sila Tita Marga kahit pati sila ay nagtataka na sa nangyayari.
Tipid pa akong nginitian ni Tita Marga ng magkasalubong ang mata namin pero agad ulit akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Mukang napansin niya na seryoso talaga ang sitwasyon namin ngayon at mukang may ideya na siya na may hindi magandang nangyari samin ni Lyle dahil narinig kong sinabi niya kay Tito Carl na hanapin at puntahan si Lyle.
"My dear what really happened to you? Why are you crying? You can tell us now please"
Mas lalo akong napahagulgol ng iyak dahil sa sinabi ni Mama pero pinigilan ko iyon at sinimulan ko ng ikwento sa kanila ang buong nangyari samin ni Lyle.
Nakita ko ang gulat, pagkadismaya, betrayal, galit sa muka nila lalo na kay Papa.
"H-hindi ko akalain na magagawa sayo ni Lyle yon lalo na ng Ate mo" hindi makapaniwala at dismayadong sabi ni Mama. Pansin ko ang pagtatalo ng galit at lungkot na nararamdaman niya na alam kong para kay Ate Lyra dahil sa ginawa nito sakin.
"I trusted him, I thought that he's serious about you. And now, malalaman ko nalang na ginawa niya ito sa inyong magkapatid. And Lyra, hindi ko alam kung bakit niya nagawa iyon sa sarili niya mismong kapatid. Pinalaki natin siya ng maayos but looked at her now. I can't believed this, how dare they do this to you. I need to teached them a lesson especially that guy for hurting you" seryoso ngunit galit na sabi ni Papa.
Agad ko siyang pinigilan ng akmang aalis siya para hanapin sila Lyle at Ate Lyra. Galit man ako sa kanilang dalawa at ayoko parin silang masaktan lalo na si Papa ayoko lang na magkagulo pa lalo.
"Ma, Pa I want to leave, gusto ko munang umalis at magpakalayo-layo. Gusto ko munang mapag-isa para makapag-isip-isip. I want to change myself not for him or for others but for me. I want to start a new life without him and with the people I truly love and truly love me. Is it okay with you?"
Malambing na hinimas ni Mama ang buhok ko habang may tipid na ngiti sa labi. Pinunasan naman ni Papa ang luha sa pisngi ko na may tipid ding ngiti sa labi.
"If that's what you want we'll support you"
"Just always remember that we are always here for you. If you need us and you have a problem don't hesitate to call and come to us. We love you so much, always remember that our dear Rain"
Mas lalo akong napahagulgol ng iyak at mahigpit silang niyakap na sinuklian din nila ng isang mahigpit na yakap.
"I know it hurts so much and how hard it is for you. Its okay to cry but make sure after you let it all out that will be the last time you'd cry for him. Don't waste your tears for him anymore. Move on, move forward, and we're always here for you"
"You can count on me sis"
Napatingin kami sa kadadating lang na si Kuya na may tipid na ngiti ngunit pansin ko rin ang pag-aalala at galit sa mata niya. Mukang alam narin niya ang nangyari.
"Kakausapin namin ang Ate mo. What she did is wrong and she need to learn her lesson for her own mistake and to be a better person and older sister to you someday"
Tipid akong napangiti sa sinabi nila at kaming apat na ngayon ang magkakayakap.
I'm really happy and lucky na sila ang naging pamilya ko na parang best friends ko narin. Lagi silang nandiyan para sakin at handa akong suportahan. At totoong mahal ako. Buti nalang at may mga taong tulad nila sa buhay ko. I'm really so lucky to have them as my family. My most greatest treasure in my life na hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit ano man.
And now is the time para naman mahalin ko muna ang sarili ko bago ang ibang tao. Ito na ang tamang panahon para bigyan ko din ng oras ang sarili ko. Tama na yung mga panahon na sinayang ko at lahat ng sakit na tiniis at naranasan ko.
This time, I finally let go of all the things that hurt me. I finally let go of him. I finally let go the man I first love. I already accepted the fact that we are really not meant to be with each other. I can never forget him because he became a part of my life and a part of my heart. Pero hanggang doon nalang iyon.
I'll move on and move forward. I'll start a new and better life. And I'll be a better person not just for me but also for the people I love and important to me.
This will be the last time that I will cry for you. And this is how it ends for the both of us. I still thanked you for the happy memories that we've made. But... this is the end for us.
Goodbye Lyle....
BINABASA MO ANG
The Sociopath Obsession and Posession
Mystery / ThrillerHe's my first love... But he will never be my true love...