Ailarain Fresnoza
Kasalukuyan akong nasa veranda ng kwarto ko at nagbabasa ng libro na sinulat ng isa sa mga iniidolo at paborito kong manunulat. Habang nagbabasa ay paminsan-minsan ay umiinom ako ng hot chocolate at kumakain ng red velvet cake na binake namin ni Kuya kagabi.
Kulimlim kasi ang panahon ngayon at malamig pa dahil medyo malakas din ang hangin kaya masarap tumambay dito sa veranda dahil ang presko sa pakiramdam. Pampalipas oras ko narin ang pagbabasa ng libro sa tuwing wala akong ginagawa.
Wala kasi si Kuya ngayon at sinamahan si mama sa isang business meeting habang si papa naman ay nasa kompanya namin. Wala din si Kuya Echo dahil pinagdrive niya sila mama at kuya. Si Butler Han naman ay may inaasikasong importante kasama ang papa niyang si Butler Hans. At si Lyle naman hindi ko mahagilap kung nasaan. Tinatawag ko siya sa kwarto niya hindi naman sumasagot ayoko namang basta lang pumasok dahil nirerespeto ko ang privacy niya at alam kong ayaw niya rin akong pumapasok ng basta-basta sa kwarto niya kahit na samin pa itong bahay.
Umalis siguro siya kanina dahil naiinip na dito sa bahay o may kinailangan lang puntahan. Mag dadalawang linggo narin kasi siya dito samin pati si Kuya. So far, wala paring pagbabago sa sitwasyon namin ni Lyle pero katulad nga ng sinabi ko hindi ko siya agad susukuan. Kaya ginagawa ko talaga ang lahat para maging okay kami kahit na sobra na siyang nakukulitan at naiinis sa sakin dahil hindi ko talaga siya tinatantanan at lagi akong nakabuntot sa kaniya.
Kaya siguro maaga siyang umalis ngayon para lang hindi ko ulit siya makulit ngayon. Napatawa naman ako sa naisip ko, nasasanay na talaga ako sa ugali at trato niya sakin kaya sorry nalang siya dahil hindi iyon rason para lumayo ako sa kaniya at itigil ang pag-ayos sa relasyon naming dalawa bilang magkaibigan.
Tipid akong napangiti ng mabasa ko ang nakakakilig na eksena sa librong binabasa ko. Banayad din na tinangay ng hangin ang nakalugay kong buhok papunta sa likod. Kinawit ko naman sa gilid ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko na nalaglag sa gilid ng muka ko.
Bigla akong nakaramdam ng panlalamig ng may maramdam akong parang may nakatingin sakin.
Napatingin ako sa malaking garden namin na nasa likod ng bahay at katapat ng veranda ng kwarto ko. Isa din sa dahilan kung bakit dito ko gusto magpalipas ng oras ay dahil sa mabangong amoy ng mga iba't-ibang bulaklak na nakatamin sa garden namin na humahalimuyak lalo na sa tuwing humahangin.
Nagulat ako ng makita ko si Lyle na nakaupo sa gilid ng water fountain na nasa gitna ng garden. Nakakrus ang mga hita niya habang nakapangulambaba. Pinaglalaruan ng isa niyang kamay ang hawak-hawak niyang isang pulang rosas habang walang ekspresyong nakatingin sakin.
Kanina pa ba siya nandoon? Kanina parin ba niya ako tinitignan?
Parang ang imposible naman ng iniisip ko. Si Lyle Villanovan tinitignan ang isang tulad kong panget sa paningin niya? Eh hindi nga niya ako matignan ng matagal at saglit na sulyap lang ang binibigay sakin. Inis at galit pa siya noon dahil masakit daw akong tignan sa mga mata niya.
Baka naman nagkataon lang na napatingin siya sakin.
Ano naman kaya ang ginagawa niya doon? Akala ko ba umalis siya ng bahay.
Ngumiti ako sa kaniya at tipid siyang kinawayan. Inirapan niya lang ako staka binaling ang atensyon sa hawak niyang rosas habang pinapaikot iyon sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
The Sociopath Obsession and Posession
Mistério / SuspenseHe's my first love... But he will never be my true love...