TSOP 18 - Park

673 43 5
                                    

Ailarain Fresnoza

Its been 2 days since our dinner in August house. Buti nalang at naging maayos ang kinalabasan ng dinner namin kila August. Pero medyo na-g-guilty din ako dahil alam kong naramdaman ni Lyle na out of place siya noong mga oras na iyon.

Pero hindi ko inaasahan ang sinagot ni Lyle noong tinanong kami ni Tita Marga at Mama kung kamusta ba ang naging dinner namin kila August kinabukasan. He said it go well at hindi na ulit nagsalita pa kaya ako na ang sumagot sa mga tanong nila.

Hindi ko alam pero napapansin ko na parang may nagbago kay Lyle. Napapansin ko kasi parang bumabait na siya ng konti hindi lang sakin kung di pati narin sa iba. Pinagbibigyan niya rin ako sa mga gusto ko kahit na sa una ay ayaw at naiinis siya. At kahit na ayaw niya sa ibang tao ay pinilit parin niyang makisama sa kanila kahit na nang-iisnob at nagsusungit parin siya minsan.

Siguro ay maganda naring pagbabago at improvement yon hindi lang samin ni Lyle kundi pati sa ibang tao. Masaya talaga ako na unti-unti na kaming nagiging malapit ni Lyle sa isa't-isa at nakikita ko na ang totoong siya.

Napapangiti talaga akong mag-isa dito ngayon sa living room habang iniisip ko siya. Hinihintay ko kasi si Lyle dahil napag-usapan namin na pumunta sa bagong bukas na park malapit lang samin. Syempre noong una hindi siya agad pumayag pero saglit ko lang naman siya pinilit at pumayag din siya agad.

Gusto ko din talaga siyang ipasyal doon para naman hindi lang siya laging nakakulong dito sa bahay at makapasiyal naman siya dito sa lugar namin dahil sa tagal nilang tumira sa US para narin maging pamilyar siya dito. Ito din ang unang pagkakataon na lalabas kami na kaming dalawa lang.

Ayokong mag-assume na first date namin ito pero hindi naman niya alam staka libre lang naman mangarap. Kaya kahit na alam kong hindi naman talaga ito date, iisipin ko parin na  isa itong date. Once in a blue moon lang naman ito mangyari at ako naman yung masasaktan dahil sa kakaassume. I'll enjoy it while it last.

Biglang nag-init ang muka ko kaya alam kong namumula na ako ngayon. Napapaypay ako sa sarili ko at mahinang natawa dahil sa naisip ko.

Hay nako Rain, muka kang tanga.

"Laughing alone eh, crazy stupid"

Natigil ako sa ginagawa ko at gulat na napatingin kay Lyle na nakababa na pala ng hagdan at nakataas ang isang kilay habang nakakrus ang mga braso at nakatingin sakin.

Saglit akong natigilan sa ayos niya. I admit he look more handsome because of his style and looks now. Paniguradong maraming mga babae ang nakasunod ng tingin kay Lyle oras na lumabas na kami ng bahay.

Bakit kasi parang isang model ng isang sobrang sikat na clothing line kung pumorma si Lyle eh. Samantalang ako eh parang model lang sa bangketa dahil sa simpleng  tokong at t-shirt ang suot ko.

We both wear black but it suits him more and he looks cool with it. While me, I look like I'm going in the funeral because of my outfit. Nakakapangliit tuloy na tumabi sa kaniya. Baka nga mapagkamalan lang akong katulong niya o personal assisstant.

(Yung suot at itsura po ni Lyle yung picture na nasa media 😊 )

"Done fantasizing me?"

Ilang beses akong napakurap ng mata at biglang namula ang muka ko dahil sa sinabi niya at ng mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

The Sociopath Obsession and PosessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon