TSOP 30 - Its Over

839 35 4
                                    

Ailarain Fresnoza

Hindi parin mapanatag ang loob ko kahit na ilang minuto na akong nag-iikot mag-isa dito sa resort upang magpahangin and to clear my mind after what happened between me and Lyle a while ago.

Inaamin kong nasasaktan at nalulungkot parin ako dahil sa nangyari kanina. Parang mas malala pa itong away na nangyari samin kumpara nung nangyari noon sa park. May mga nasaktan na, at ng makita ko ang maliit na sugat na natamo niya sa labi dahil sa nangyari ay dobleng sakit at guilt ang naramdaman ko dahil ako ang rason kung bakit nangyari iyon.

Naaappreciate ko naman yung ginawa niya at naiintindihan ko kung bakit niya nagawa iyon dahil gusto niya lang akong ipagtanggol. Pero, ayoko lang naman kasing nasasaktan siya at nakakasakit ng iba ng dahil lang sakin.

Hindi ko tuloy mapigilang isipin na ngayong hindi pa nga kami at nililigawan niya palang ako ay ang dalas na naming mag-away. Paano pa kaya kung naging kami na? Hindi ko alam kung sign ba ito na baka hindi talaga kami para sa isa't-isa o pagsubok lang just to test our relationship and feelings for each other.

Alam ko namang walang perpektong relasyon at kahit gaano niyo pa kamahal ang isa't-isa ay dadating parin kayo sa point na may pag-aawayan at hindi pagkakaintindihan. Pero, hindi naman maganda yung madalas kayong nag-aaway lalo na kung dahil lang sa mga simpleng bagay hindi ba?.

Napabuntong hininga nalang ako at napagpasiyahan ko ng bumalik sa hotel na tinutuluyan namin. I think that I gave Lyle enough time to cool down and clear his mind too and I hope that he's okay now para naman magkausap kami ng maayos at para magkaayos narin ulit kami.

Agad akong dumeresto sa receptionist para manghiram ng first aid kit para gamutin ang sugat ni Lyle.

"Thank you po"

Pagkatapos kong magpaalam at magpasalamat sa receptionist ay sumakay na agad ako ng elevator at dumeresto sa kwartong tinutuluyan ni Lyle.

Bigla nalang akong natigilan ng bigla nalang tumibok ng malakas ang puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. Parang bigla akong nahirapan huminga at bigla nalang ako nakaramdam ng kaba sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi maganda ang kutob na nararamdaman ko at pakiramdam ko ay gusto ko nalang umiyak ng umiyak at lumayo na sa lugar na ito.

Pilit kong hindi pinapansin ang hindi magandang nararamdaman ko at tipid na umiling upang mawala iyon sa isip ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa dala-dala kong first aid kit bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko at mas lalo pang tumindi ang kabang nararamdaman ko ng makarating na ako sa tapat ng kwarto ni Lyle. Pero mas lalo lang iyon tumindi ng makita ko ang pinto niya ng nakabukas ng kaonti.

Knowing Lyle he's not the type of person na careless at hahayaang maiwang nakabukas ang pinto ng kwarto niya para lang walang makainvade ng privacy niya. And by looking at his door hindi ko mapigilan ang magtaka dahil dito. Hindi din talaga maganda ang pakiramdam ko at parang may nagsasabi sakin na hindi ko magugustuhan ang makikita ko oras na pumasok ako sa loob.

Hindi ko nalang ulit pinansin ang nararamdaman at naiisip ko dahil baka naman masiyado lang akong nag-iisip dahil nag-away ulit kami. Hindi narin ako nag-abala pang kumatok at malakas ang loob na pumasok sa loob ng kwarto niya.

"Lyle--"

Natigil ako sa sanang sasabihin ko dahil sa gulat ng tumambad sakin. Hindi ako makapaniwala at hindi ko inaasahan ang eksenang nadatnan ko pagpasok sa kwarto niya. Napatakip agad ako ng nanginginig ko ng kamay sa bibig ko at hindi ko na napigilan ang luhang kumawala sa mata ko.

The Sociopath Obsession and PosessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon