Ailarain Fresnoza
"You need to eat Rain, tatlong araw ka ng hindi kumakain. Its bad for your health"
Hindi ko pinansin ang nag-aalalang si Lyle at tinalikuran siya.
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nakabalot ng kumot. Tatlong araw na ang nakakalipas ng masaksihan ko ang walang awang pagpatay ni Lyle kay Nylex. Hanggang ngayon ay malinaw parin sa isipan ko ang nangyaring iyon at palagi kong napapanaginipan.
But the worst part is, imbis na si Nylex ay si Kaiden ang napapanaginipan ko na sinapit ang katulad ng nangyari kay Nylex ng araw na iyon. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak dahil sa sobrang takot. Nawalan narin ako ng ganang kumain dahil palagi kong naaalala ang nangyari kay Nylex. Isinusuka ko lang din ang mga kinakain ko sa tuwing naaalala ko iyon lalo na kapag naaalala ko ang panaginip ko tungkol kay Kaiden.
Nawalan na ako ng gana sa lahat at tanging pagtulog lang ang lagi kong ginagawa sa buong araw. Umaasa na isa lang itong masamang panaginip at kapag iminulat kong muli ang mga mata ko ay sasalubungin ako ng maamo at nakangiting muka ni Kaiden at ang masasayang muka nila Mama, Papa, Kuya Jacen, Ate Lyra, Kuya Jericho, Butler Han, August at Nylex.
Pero napakaimposible ng mangyari noon dahil wala na sila. Iniwan na nila ako, at mas lalo lang akong nasasaktan dahil wala manlang akong nagawa para mailigtas sila. Its my fault, its my fault that they are gone now.
Hindi ko narin kinausap pa at pinansin si Lyle dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang mga kahayupang ginawa niya. I hate him so much! Sana siya nalang ang nawala at hindi ang mga taong mahal ko.
"Stop acting like a child Rain, stop mourning for those pests and move on. They don't deserved your tears, stop wasting it and don't risk your health for them. They won't come back anymore even if you cried for them. Just accept that they're gone. Everything will be alright, just listen to me Rain"
Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko at malakas siyang sinampal. Binuhos ko doon lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko. Gusto kong maramdaman niya kung gaano ko siya kinasusuklaman.
Sa lakas ng pagkakasampal ko sa kaniya ay bumaling sa kabilang direksyon ang ulo niya. Napahawak siya sa pisngi niya na sinampal ko bago napayuko. Nakabakat ang kamay ko sa namumula niyang pisngi. Hindi ko din makita ang ekspresyon ng muka niya pero wala akong pakialam. He deserved it, kulang pa nga yan sa lahat ng mga kasalanang ginawa niya.
"You don't tell me what I'll do! And everything won't be alright anymore because of what you did! You ruined my life! You take those people I love away from me! Stop expecting that I'm going to be fine, I'll move on and I'll listen to you after what you did to me!! You ruined everything! You ruined my life! I hate you so much!" Galit kong singhal sa kaniya.
Mahina siyang natawa hanggang sa unti-unti yung lumakas. He throwed his head back because of laughing so hard. Nanginig na ako dahil sa sobrang galit at ng akmang sasampalin ko siya ulit ay mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. Tumigil narin siya sa pagtawa at walang ekspresyon akong tinignan bago ako marahas na hinila palapit sa kaniya.
Napadaing ako sa sakit na hindi niya pinansin at agad na ipinalupot ang isang braso niya sa bewang ko.
"Bitawan mo ako! Ano ba!! Let me go!!" Galit kong sabi habang nagpupumiglas sa kaniya. Marahas niya akong itinulak sa kama at agad siyang pumaibabaw sakin. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong kamay at itinaas yon sa ibabaw ulo ko. Dinaganan niya ako para hindi ako makapagpumiglas sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Sociopath Obsession and Posession
Misterio / SuspensoHe's my first love... But he will never be my true love...