Entry#7

10 0 0
                                    

Hindi ko siya tinanong kung bakit kailangan kung mag-novena para sa mga yumao. Tumalima ako at tinapos ko ang 9 na araw na pagdarasal. Nagpatuloy pa rin akong pumapasok ng pero hindi ko nabubuo ang otso oras sa isang araw sapagkat nahihirapan pa rin akong kumilos. Pero magmula ng naumpisahan kung magnovena, medyo umayos naman ang pakiramdam ko. Ngunit akal ko lang pala iyon. Kasi biyernes pag-uwi ko galing sa trabaho, nagumpisa na naman akong manghina.

Gusto kong nakahilata na lang ako. Literal na ayaw kong kumilos. Iniisip ko noon na maaring burn-out ako sa trabaho kasi di na ako masaya. Bagamat sabi kong lagi ko na silang kasama, hindi pa rin lubusan ang aking pagtanggap sa kakaibang karanasan na meron ako. Lumala ang aking karamdaman. Kung dati, nagagawa ko pang humakbang ng kaunti, ngayon kung saan na ako nakatayo, doon na ako babagsak. Matagal ako sa ganoong posisyon hanggang sa babalik ang nauupos kung lakas at makakilos na din. Sa sobrang pag-aalala ng kapatid ko, sinundo niya ang mama namin sa probinsiya para daluhan ako. Hindi na talaga ako nakakapasok. Ramdam ko ang pag-aalala ng Mama ko sa akin. Ngunit mas malakas ang fighting spirit ko kaysa sa nanghihina ko ng katawan. Ipinapakita ko ang katatagan dahil ayaw ko siyang mag-alala. Matanda na ang mama ko at hindi na dapat siya bigyan ng alalahanin pa. Dito ko naramdaman na ang Mama pala, kahit sabihin nating matatanda na ang kanilang anak ay lubos pa rin ang pag-aalala nila. Lubos pa rin ang pagkalinga nila na animo'y ikaw ay paslit pa rin.

Marahil nagtataka kayo kung ano nga ba ang karamdaman ko. Ako din ay napapatanong. Wala akong maramdaman na sakit. Matigas ang aking kalamnam at mabigat ang aking katawan. Parang napakarami kung pasan-pasan at di ko maikilos ang katawan ko. Imagine a robot from star wars. Kung paano maglakad ang robot ganoon ako. Minsan Hila-hila ko ang paa ko sa sobrang bigat. While commuting, matagal nang nakauwi ang mga kasabayan ko, andoon pa rin ako sa kalsada na dahan-dahan naglalakad. Kung may Poste na kakapitan magpapahinga muna ako. Some other time, sa sobrang pagod at hirap ko na, dumidilim ang paningin ko. kung hahayaan ko lang mawawalan na ako ng ulirat. Pero malakas ang fighting spirit ko. Sisikapin ko a rin makahanap ng isang lugar para huminto at manatili ng ilang minuto. Nakapikit, nananalangin na sana magawa kung iuwi ang sarili ko. Sana huwag akong mawalan ng malay. lumuluha sa sobrang hirap at bigat na ng katawan ko. Ayaw kung mag-pass out sa kung saan. Kasi baka mabagok ang ulo ko o kaya kung ano pa ang mangyari sa akin. magkagayon man, inihahanda ko rin ang sarili ko na kung sakaling di ko na nga makaya at mawalan ako ng malay, may ID akong laging dala. Iyong may contact numbers ng mga mahal ko sa buhay. May sapantaha ako kung ano ang nangyayari sa akin pero mas pinapaniwalaan ko pa rin ang medical condition na meron ako. Every July or August of the year ako nagpapcheck-up. Hindi nila mahuli ang sakit ko na nagsimula lamang sa isang gabing nagising akong nakalanghap ng amoy yosi ni FVR. Hinaklit ako ng ubo at di na makahinga. Noong naamoy ko ang yosi na iyon ay magisa lang ako sa bahay at di naman ako naninigarilyo. Noong dumalaw ako sa clinic sabi ko lang na nagising ako na di makahinga. From then almost every year, i need to consult a doctor. One of the diagnosis ay nag-rerequest ng lab test for thyroid, since nanggaling na ako sa neurologist at iyon ang ipinapacomply. Ang struggle ko during those times ay ang difficulty of commute para maghanap ng hospital para sa check up. Wala kasing taxi dito sa linipatan kung lugar. idagdag pa na i am now penniless dahil sa hindi na nga ako nakakapasok. May amortization pa akong binabayaran at nasagad na ang savings ko. Pero ang fighting spirit ko, malalgpasan ko ito.

Mama is here. Inaalagaan ako. Lumalala ang condition ko, kung minsan pati pag-akyat sa hagdan ay di ko na magawa. I climb the stairs like an eight-month-old baby learning how to walk. In short i am crawling with my feet and hands. Kung nakatayo, doon na lang ako kasi di ko na maihakbang ang paa ko. We learn that there was a hospital nearby. Since no PUV around, and grab and other TVS. Ayaw kung makita ang sobrang pag-aalala sa mukha ng mama ko. Kailangan kong ipakita na matatag ako at sinikap ko pa ring makapunta sa labas ng village para makakuha ng sakayan. Unti-unti kung nararamdaman na nagdidilim na ang aking paningin. Hinahabol ko na ang aking paghinga. Di ko mapigilang umiyak at lumuha. alam kung di ako kayang saluhin ng nanay ko kung babagsak ako. Paano ang nanay ko kung mahimatay ako. Sabi ko na lang, "Lord patatagin mo ang loob ko at huwag mo akong hayaang mawalan ng malay." Hidni marunong magtagalog masyado ang mama ko at may pagkabingi na rin siya. Na kahit matatag at matibay ang ipinapakita niya, kitang-kitang ko pa rin ang pagluha sa kaniyang mga mata. Ang anak niya na nagbibigay ng katibayan at pag-asa sa kaniya ay heto ngayon. Nauubos na ang lakas. Nakarating din kami sa hospital. Agad naman kaming dinaluhan sa emergency. Nakapikit na ako naghahabol ng hininga pero alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid. Linapatan ng paunang lunas, normal lahat ng initial test. Nang mahimasmasan ako, kinausap ako ng doctor. Kung may history daw ba sa pamilya namin ang may thyroid problem. Sabi ko meron doc. Iyong isang ate ko, nadiagnos na mayroon. Sinabi ko na pinapacomply ako ng previous doctor ko ng lab test para sa thyroid pero wala akong mahanap na clinic maliban doon sa nirecommend niya. Mahal kasi doc at di ko afford. Agad niyang inirecommend para makuhaan ng blood samples para sa lab test. Di naman niya ako ni-comfine kasi kaya malakas pa naman daw ako. nag-reseta lang siya ng gamot at pinapabalik sa takdang araw para sa result ng mga lab-test. As usual, parang nagdahilan lang ako. Kasi bakit nga ba ako mag-oospital eh masigla naman ako. Umuwi kami ni mama. Pagdating sa bahay, kalbaryo to the fullest. Hindi na lang ang pagakyat sa hagdan ang struggle ko. Minsan pati pagsuot ng tsinelas ay di ko na rin magawa. Sabi ko nga iyong mga paa ko sobrang tigas at bigat. Kailangan kung buhatin ang isa-isa para makapagtsinelas ako. Kampante ako na magagamot na ako kasi ilang labtest iyon. Kasama na rin ang para sa potassium. Dumating ang araw na makukuha na ang result ng test. Saklap kasi negative result. As Usual normal naman ang result. pinahinto niya ang mga gamot.

Umuwi kami ni mama. Napapaisip ako kung ano ang nangyayari sa akin. Tanggap kong mamatay ako kung terminal ang sakit ko. Pero iyong mamatay ako na di ko naman alam kung bakit ako nagkaganito. This time, mama ask my sibling para puntahan ang magtatawas sa lugar namin. I have posted my burden on socmed. One of my friends, ask a help from a mag-tatawas also.

Diary Of A Paranormal WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon