Linggo. Ito ang pinakagusto kong araw. Ibig sabihin kasi ng araw na ito sa akin, ay ilang chapter muna sa binabasa kong romance story sa wattpad. Mahabang hilata sa kama at di kailangang gumising ng maaga.
Mag-aalas otso na ng umaga ng napagpasiyahan kong bumangon at magkape. Kaunting body stretching para malaglag ang bilbil. Binuksan ko ang bintana para sumagap ng sariwang hangin. Napangiti ako sa luntiang bukirin na siyang una kong natanaw. Nakita ko ang nagiisang puno na nasa gitna. Ayon kay Gae, may roon daw dumadapong agila sa punong iyan. Naniniwala ako sa kaniya kasi malimit ko ring marinig ang huni noon tuwing madaling araw.
Huminga ako ng malalim. Wala talagang katulad ang fresh air. The artist in me is triggered. If i am to paint this scenery i will call it the 'cage farmer'. This parcel of field that i am looking into just like a caged field surrounded by the walls of a subdivision. At this moment no edible plant is cultivated. But being an artist, i am imagining of an old farmer trying to fought back against the industrial progress. He is planting a field with his traditional method and is relying solely on nature's water. As i imagine the picture that i am dreaming to paint, i felt a certain loneliness. What i am thinking now is a real situation of most farmers selling their agricultural and historical land to developers. I close my eyes and sigh. Well, this is how modernization works.
But as i open eyes and look at the tree in the field once more, i see a different picture. as if i am in a trance. No subdivision walls surrounded the field. Wala akong ibang nakikita kundi ang berdeng palayan. Ilang malalaking puno na nagsisilbing pahingahan ng mga trabahador. Pero sa oras na ito, walang akong trabahador na nakita. Kundi nakakarinig ako ng halakhak ng isang babae. Isang masayang halakhak. Inilibot ko ang aking mga mata. Hinanap ko ang pinanggagalingan noon at nakita ko ang isang lalaki at babae na masayang naghahabulan sa di kalayuan puno. Nang titigan ko ang puno, saka ko lang narealize na iyon ang tinititigan ko kanina.
Tinampal ko ang noo ko para magising ako. Muli kong ipinikitang aking mga mata. Pagdilat ko bumalik na sa normal ang lahat. Nakita ko na ulit ang mga bakod ng subdivision. Kinilabutan ako ng mapagtanto ko ang nangyari sa akin. Naalala ko, years ago na minsang pumasok ako sa isang banyo, naramdaman ko na may humawak din sa kamay ko at bigla na lang akong nasa ibang lugar at nakakita ng isang murder scene sa isang banyo. Iyong kaluluwang humihingi ng dasal.
Hindi ko alam kung paanong nangyaring pinapanood ko lang ang isang lugar ay naglalakbay ako sa ibang panahon na nauna wala sa kasalukuyan. Nilingon ko ulit ang bukirin at saka nagmamadaling umalis. Just the same, i shrug it off.
BINABASA MO ANG
Diary Of A Paranormal Writer
RandomExcerpt from Rotten Writer's Diary about her "Housemate". Ang akala ko normal na madaling araw lang iyon. Pero doon ko pala matutunan kung paano ang magsulat. Alas-tres ng madaling araw. Nagising ako sa alolong ng aso. Pagdilat ng mata ko, napansin...