Nakakaluwag pala ng loob kung magawa mong ilabas ang kwentong ikaw lang ang nakakaalam. 20 years ago hindi ganito kaopen minded ang mga tao. Sasabihan kang may depression, may saltik, baliw o kung ano-ano pa man. Mayroon pa rin naman iyong iba sa kasalukuyang panahon na sasabihan kang kulang sa panalangin kasi nilalapitan ka daw ng demonyo. Natatawa na lang ako sa ganitong opinion. How i wish 20 years ago, na sana hindi mapanghusga ang mga tao. Pero iyon na yata ang hindi maalis sa ating buhay. Iyong isang pangyayari o bagay na di mo maintindihan, mas madaling husgahan na lang, pagtawanan at ibully kung sino mang taong nakaranas ng ganoon.
May dilemna kasi ako sa totoo lang. Wala pa naman ganitong gadget kung saan pwede mo ilahad, isulat ang gumulo sa iyong isipan. Ang mayroon ako noon is notebook lang. Kaya kahit magulo akong maglahad, kasi kung ano na lang ang naalala ko ay siya na lang ang isinusulat ko. Maari din naman na nakalimutan na rin ng tao ang nangyari sa akin noong teen-ager ako. Pero ako kasi iyong tao na may matalas na memorya. Maaalala ko ang detalye ng bawat embarassment na naranasan ko na siyang nagdulot sa akin ng matinding trauma. Hindi lubos na pagtanggap kasi ako mismo ay di ko maunawaan ang nangyayari sa akin.
Kaya ko isinusulat ito nagbabakasakali na kung may isang teen-ager na nakakaranas ng paranormal ngayon, nais kung ipabatid sa iyo na HINDI LANG IKAW ANG BAKAKARANAS NG GANIYAN. MINSAN LUMALAPIT SILA KASI MAY KAILANGAN SA'YO. Pero kung pakiramdam mo ay hindi kaluluwang ligaw ang nasa paligid mo, sabihin mo sa magulang mo o sa ibang tao. Maaring di ka nila maunawaan pero may isa diyan na makikinig sa'yo. Kung kaya mo naman lumapit ka sa exorcist. Kung katoliko ka, lumapit ka sa parish priest. Baka may mairerecommend sila sa iyo ns exorcist. Ito kasi ang di ko nagawa hanggang sa ngayon. Ang magpa exorcise. Basta ang alam ko lang kapag nababangit ko ang pangalan ni Jesus kusa akong nagigising o linulubayan ako. Hanggang sa ngayon gusto ko pa rin magpaexorcise sa exorcist.
Para mapanatag ka, magsimula akong masapian noong third year high school. Iyon ang sinusubukan kong ilahad sa third party POV sa tatlong katok.
Chronology:
Elementary- first encounter small voices doon sa nadaanan kong masukal na gubat
Grade 4 o 5 -nanaginip ako ng matandang babaeng nagsasabi na may sakit na nakakakahawa na walang gamot na dadapo sa maraming tao.High school:
Second year high school- bumalik sa panaginip iyong matandang babae na nagsabing manalangin ako ng isang Ama Namin at tatlong Glory be para umulan.
Third year high school- July 1999- nasapian ako dahil kinatok ko ng tatlong katok iyong haligi. Lately ko na lanv nalaman na katok pala ng demonyo ibig sabihin noon. Hindi akl pumasok sa school ng isang buwan. Bahihiya akong pumasok kasi pinagtitinginan ako ng mga tao. Pakiramdam ko lagi nila akong pinag uusapan.Mid 2000- Nag-umpisa na iyong tatay kong makaramdam ng kakaiba sa ksniyang katawan. Nagkaladaki siya. Laging nagpapadoctor pero walang lunas.
Napapanaginipan ko iyong matandang babae na ipapainom ko daw ang tubig galing sa balon para gumaling ang tatay ko. Di ko ginawa kasi marumi iyon dahil doon pinapainom ni kuya ko ang alaga niyang kalabaw. Although, spring water iyon.
2001, naospital ang tatay ko dahil di nakaihi. Pjnaginipan kong may dalawang matanda na tinusok iyong mata ko at kinuha ang aking mata. Iyak ako ng iyak pagkagising kasi pakiramdam ko may kukunin sa akin na di ko na mabawi pa. Kinahapunan, dinaanan ako ni Kuya ko sa dorm para sabihing naospital tatay namin. (Maraming kwento ang pangyayaring ito. Premonition, at mga kakaibang pangyayari).
Hindi mahuli ng doctor kung ano sakit niya. Di lang siya nakaihi kaya siya naospital. Mga nurses ang nagsabi na subukan namin siyang ipaalbolaryo. Dahil nagpaalbolaryo, kailangan ng albularyo ng medium para masapian. At ako iyon. Sa nangyari, lumabas na kinulam daw ang tatay namin. Nakailang hospital na siya pero kung ano-ano na lang ang lumabas na mfa sakit na kailangang ilabtest.Namatay siya. Eskandalo ang buong baranggay dahil sa duration ng lamay niya, tatlo-tatlo ang nasasapian. (Exciting na kwento ito kung magawa ko sanang ilahad at ikwrnto. Ichachallenge natin ang isipan ng reader kung kaya nilang subukan iyong pangyayari sa kanilanv perspektiv).
Hindi na ako tinantanan ng mga sumapi sa akin doon sa bahay ng albularyo. Wala ako sa sarili. Kailangan kong umasa sa alalay ng nahdadalamhati kong pamilya. Because of this, lumiit pang lalo ang tingin ko sa sarili ko. Nawalan ns ng confidence. Mas may proof na sila na depression ang nsngyayari sa akin dahil nga sa pagkamatay ng tatay ko. Nalulungkot daw ako. Dahil malaki ang nagastos sa ospital at di kami handa sa pagkamatay niya, natengga ako at naging tambay. Hindi ko naranasan magmartsa sa graduation ko noong high school dahil nga nangyari sa akin. Basta ang pakiramdam ko noon, wala na. Hindi ko ginustong masapian nv mga batang nagpapanggap na anghel pero di ko sila naitaboy. Sa pagiging tambay ko, dito unang naganap iyong panaginip na pinapanood mong pinapatay iyong isang tao pero wala kang magawa.
Iyong first dream ko na iyon is taga-doon sa amin na di ko nakikita kaya di ko kilala. Namatay siya sa ibang lugar at sinabi lang ng mga marites na punatay daw. Noong pinapanood ko na siyang pinapatay sa aking panaginip, doon ko lang narealize kong sino iyon. Pero di ko na sinabi sa pamilya nita kasi mahirap paniwalaan. Ikukuwento ko iyon sa susunod.
Hanggang sa muli,
BINABASA MO ANG
Diary Of A Paranormal Writer
DiversosExcerpt from Rotten Writer's Diary about her "Housemate". Ang akala ko normal na madaling araw lang iyon. Pero doon ko pala matutunan kung paano ang magsulat. Alas-tres ng madaling araw. Nagising ako sa alolong ng aso. Pagdilat ng mata ko, napansin...