Kapag patulog na ako, papunta pa lang sa *REM, may pinapanood ako iyong mga tao na nagkukumpol tapos iyong mga taong nakaputi, hirap na hirap silang tukuyin iyong sakit ng mga tao. As in nakakadiri siya sa balat. Parang naagnas na may tumutubo na mga butil-butil o butlig-butlig. Sa baba ng tenga papunta sa bibig. Basta sa upper part ng katawan. Tapos iyong mga nakaputi may sinisilip-silip sila sa microscope pero nagkakagulo sila.
May diwa pa ako, kaya sabi ko sa sarili ko, ano na namang kayang klase ng video itong pinapanood ko na ito.
Ayaw na ayaw ko ngang nanonood ng mga horror tapos itong mata kong dilat kung ano-ano ang nakikita.Kailangan kong isulat ito somewhere kasi noong nagtanngap ako ng warning noong 2017 hindi ko nabanggit iyong eksaktong kwento. Ang nasabi ko lang depression ang resulta ng sakit na iyon.
Kaya ngayon, maaring hindi siya mangyayari sa buong mundo kundi sa isang particular na lugar lang pero magkakaroon pa rin ng impact sa karamihan
BINABASA MO ANG
Diary Of A Paranormal Writer
AcakExcerpt from Rotten Writer's Diary about her "Housemate". Ang akala ko normal na madaling araw lang iyon. Pero doon ko pala matutunan kung paano ang magsulat. Alas-tres ng madaling araw. Nagising ako sa alolong ng aso. Pagdilat ng mata ko, napansin...