Pagkatapos namin magbayad utang, nakiusap ako sa mama ko na payagan niya ulit akong lumuwas sa NCR. Nakisabay ako sa mga kapatid kong luluwas din para bumili ng kalakal. Dahil naninibago ako, ayaw kong matulog muna sa aking kwarto kaya doon ako sa taas ng double deck sa kwarto nila. Doon, dinalaw na naman ako ng bruha. Punaginipan ko siyang sinasakal na naman ako hababg ang kaniyang mga mata ay nanlilisik. This time nagawa kong pumalag sa kaniya. Naalala ko iyong itak na katabi konh natutulog. Kinapa ko iyon at hinamon ko siya ng taga. Hanggang sa nagtatakbo siya. Lumusot sa bintana. Hinabol ko siya, hanggang sa naitaboy ko.
Hindi ko naman siya hinabol na physical kong katawan kundi iyong kaluluwa ko siguro na laging naglalakbay. Pero paggising ko, hawak-hawak ko nga iyong itak. Hindi ko alam kung naikwento ko na sa inyo na madalas aking naglakbay habang natutulog. Iyong physical kong katawan ay naiiwanan, samantalang ako nandiyan sa alapaap. Namamasyal kaya siguro nasasapian ako.Isa iyon sa napansin ko mula noong nagbayad utang na kami. Hindi na ako masyadong umaalis havang natutulog. Ang ibig kong sabihin, naaalala ng sub-conscious mind ko na nasa mundo ako ng panaginip at kailangan bumalik ako sa katawang lupa ko baka iba ang papasok doon.
Iyon ang alam kong dahilan kung gakit ako gustong patayin ng bruha. Iyong nakabalik siya sa mundo ng mga buhay gamit ang katawang-lupa ko at iyong ako ay maiiwanan diyan, pagala-gala.
Minsan kasi, hindi lahat ng bagay ay may second chance. Minsan kung patay ka na di ka na nagkakaroon noon. Kaya habang maaga at buhay pa, gawin mo na iyong mga bagay na nakakabuti sa kapwa. Iyong magsisisi ka man kasi di mo nagawa ay wala ng paraan pa.
BINABASA MO ANG
Diary Of A Paranormal Writer
RastgeleExcerpt from Rotten Writer's Diary about her "Housemate". Ang akala ko normal na madaling araw lang iyon. Pero doon ko pala matutunan kung paano ang magsulat. Alas-tres ng madaling araw. Nagising ako sa alolong ng aso. Pagdilat ng mata ko, napansin...